Accidentally In Love 18

2768 Words
RYAN Hindi na ako nagulat nang hindi ko na siya madatnan pa paglabas ko ng banyo. Dumeritso ako sa walk in closet saka nagbihis. Black Jagger pants and black fitted shirt matching with my black rubber shoes. I took a black cap and a gun in my drawer. Nilagyan ko iyon ng silencer at isinuksok sa likod ko saka ko sinuot ang itim kong jacket. Natigilan pa ako ng makita kong maayos ng nakatupi sa ibabaw ng sofa yung damit kong pinagtatapon kagabi doon sa elevator pati yung shoes ko. And reminiscing our wild lovemaking made me confused even more. Ganun niya ba kamahal ang Bryce Morales na yun para ma-trauma siya ng ganun katindi? E ako nga iniwan ng bride ko nang dahil sa kanya naka-move on ako agad siya pa kaya na niluko lang ng gagong ex-bf niya? Ang unfair naman yata na 'di niya maalala yung ginawa niya sa araw mismo ng kasal ko. Sakay ng elevator nagtungo ako sa opisina ko. Kinuha ko yung files na nasa brown envelop na nakapatong doon saka muling lumabas. Dumeristo ako sa kotse ko sa basement. "May nakita akong mga tauhan ni Lewis na nag-aalialigid sa paligid kanina pa," bungad ni Third na nakaupo sa driver seat. "May nakasunod din kay Miss A sabi ni Ace." "Alam ba ni Colt?" "Yes." "Puntahan natin sa tagpuan si Mutya." "Why? Akala ko makikipagkita ka kay Boss Keith at sa Daddy mo?" "Later. Unahin natin si Mutya. May nakalap na siyang info tungkol sa totoong pagkatao ni Cristal." Kaagad niyang pinaandar ang kotse at nilisan ang lugar. Kalahating oras din ang itinagal ng byahe namin. Pinahinto ko ang sasakyan 'di kalayuan sa water refilling station. "Dito ka lang. Saglit lang ako." Inayos ko ang sumbrerong suot ko at bumaba ng kotse. Pumasok ako sa makitid na eskinita. Apat na pasikot-sikot na daan ang dinaanan ko bago ko narating ang dalawang palapag na bahay. Kinatok ko ng dalawang beses ang itim na gate. Kaagad iyon bumukas. Nagulat pa ako ng may biglang humatak na kamay sa akin papasok. "Surprise!" masiglang boses ni Mutya. Napatingin ako sa mesang puno ng iba't ibang putahe ng pagkain. Merong malaking cake sa gitna, bottle of wine at dalawang goblet. Mukhang pinaghandaan niya ang pagparito ko. Walang ekspresyon ang mukhang binalingan ko siya. "What is this all about, Mutya?" He sweetly smiled then gave me a gift wrapped in a fancy paper. Sinulyapan ko lang iyon saka nag-angat ng tingin sa kanya. "Happy Birthday, Ry. Dapat kahapon ko pa 'to ginawa kaso sabi mo may lakad ka so--" "Hindi ka man lang ba na-inform na never akong nagse-celebrate ng birthday ko and hated it so much na binabati ako?" "R-Ry--" "Why are you doing this? May gusto ka ba sa akin Mutya?" "Isn't it obvious?" "I don't wanna hurt you but don't fall for me Mutya. 'Wag mong lagyan ng ibang kulay ang kabutihan na ginagawa ko sainyong mag-ina. I'm just helping you because you're part in our group. Kaibigan ang turing ko sayo... like my own sister. Lahat kayo. Pantay-pantay ang tingin naming magbabarkada sa inyong lahat. Alam mo yan." Mapakla siyang ngumiti sabay iwas ng tingin. Hindi nakaligtas sa akin ang luhang mabilis niyang pinalis. Nilapag niya sa gilid ng mesa ang regalo. "Kahit kailan ba--" "Never ever," mabilis na agap ko. "Kailan man hindi mangyayari yang iniisip mo Mutya at hindi kita pinaasa. Alam kong mahal mo pa rin si Kevin--" "Don't you dare mention his name!" "Kahit anong gawin mo siya pa rin ang ama ni Kiel. 'Wag mong ipagkait sa dalawa na makilala nila ang isa't isa Mutya. 'Wag mong gayahin ang ginawa sa akin ni Aish. Its really damn hurt, Mutya." "What do you mean?" "I'm already married with my wife Aishleen Kate Altamonte Aragon. Dalawang taon ng nakararaan. And we had two years old son, Dan Reuben. Kagaya mo tinatago din sa akin ni Aish ang anak namin. Ang kaibahan lang namin ni Kevin is alam ko ang sekreto ng asawa ko dahil pagmamay-ari ko mismo ang tower na tinitirhan niya." "Isa... Isa siyang Altamonte?" Namumutlang napaatras siya. Nagtatakang napatitig naman ako sa kanya hanggang sa pabagsak siyang napaupo sa sofa. Tila tinakasan ng dugo ang mukha and almost shaking. . . trembling for-- I don't know what reason. "Ka--Kapatid siya ni Boss Keith?" "Hindi mo alam?" Sunod-sunod siya umiling. Pagkatapos natatarantang pumasok ng kwarto. Nakasunod lang sa kanya ang nagtataka kong mga mata. She's acting wierd and I felt like there's something. . . Patakbo siyang lumapit sa akin. Nakabagong bihis na. Kinabahan ako sa nakita kong baril na sinuksok niya sa kanyang likod. Nanginginig pa ang mga kamay na nilalagay sa kamay ko ang brown envelop. "Yan... yan lahat ang nakalap ko tungkol kay Señorita Cristal at mga baho ni Serafin," hinawakan niya ako sa likod saka marahan na tinulak palabas ng gate. "Puntahan mo ang asawa mo. Bantayan mo siya ng maigi. Sige na. Umalis ka na. Ngayon na. Bilisan mo." "What's wrong?" "Wala na akong oras! Kailangan ko pang makausap si Moana bago pa mahuli ang lahat." "What the f-ck you're talking about?!" Tinakbo niya ang pinto. Sinarado niya iyon saka lumabas ng gate. Pati iyon ni-lock. "Puntahan mo na si Aishleen." aniya sabay karipas ng takbo palayo. "Mutya--wait!" sigaw ko pero bigla itong lumiko at nawala sa paningin ko. Hinabol ko siya. Sinundan ang dinaanan niya pero parang bula na bigla na lang siyang naglaho. "Damn, what the f-ck is going on Mutya?" Dali-dali kong tinungo ang kinapaparadahan ng kotse. Binuksan ko ang driver seat. Gulat na tiningala ako ni Third. "Lumipat ka do'n sa kabila. Ako na lang magda-drive." "Anong nangyari do'n kay Mutya? Ba't parang nagmamadali yata?" "I don't know." kaagad kong pinaandar ang kotse. "Wait..." pigil sa akin ni Third sabay turo sa hulihan ng kabilang kalsada. "Kotse yun ng tauhan ni Lewis. Kanina pa sila nakasunod sa atin. Yung isang kotse sinundan si Mutya." I cursed then drove the car as fast as I could. Muntik-muntikan pa kaming mabangga sa pagmamadali ko--t'ngna! Mura ko ng paulanan kami ng bala. "Lumipat ka do'n sa likod. Shoot them back. Asintahin mo yung gulong. Ililigaw ko rin sila." Kaagad siyang tumalima. Kahit saan naman ako sumuot na kalsada. I heard the siren of police mobile. Mabilis kong kinabig ang manibela at iniliko sa kanan ang sasakyan. I doubled the speed, dumaan ako sa highway. Bumalik sa tabi ko si Third. "Muntik na tayo do'n a." "Tawagan mo si Wayne. Sabihan mong magkita kami sa hideout." "Wala akong load--" "T'ngnang buhay mo yan--" dinukot ko ang cellphone sa bulsa ko saka inabot sa kanya. "...gamitin mo yang phone ko." He laughed then took my phone. "Ba't kasi pinagbabawal mong gumamit nitong relo e mas convenient 'tong gamitin?" "Shut up." "Oh--tumatawag si ano--" "Ang sabi ko tawagan mo si Wayne. Now na. Hindi yung kung ano-ano ang sinasabi mo diyan. Bilisan mo." "Sure ka hindi mo--" "Just do as I said--damn it Third! Importanteng makausap natin siya pati si JM." "O--K. Sinabi mo ha." "Wait!" "Wala na. Na-end call ko na." Bigla kong niliko ang kotse at inihinto iyon 'di kalayuan sa money changer. Tinuro ko iyon kay Third. "That's Clark Steves." "Sino, yung matangkad na naka-white polo at sunglasses sa ibabaw ng ulo?" "Yes. Isa siya sa dayuhan na pinakilala ni Franco sa event kagabi." "Teka kilala ko yun ah." tinuro niya yung tatlong lalaking nagyoyosi 'di kalayuan nakasandal yung dalawa sa itim na van, yung isa nakasakay sa motor. "Hindi ako maaaring magkamali, mga tauhan sila ni Lewis." "So magkakasabwat nga silang lahat. Kasapi din nila si Franco Dela Merced." "I think so." Pumasok ng kotse si Clark at tatlong lalaki saka umalis. Tinanaw ko ang money changer. Si gilid may mga kalalakihan doon na lumabas puro mga nakaitim na damit. Pumasok lahat sa itim na van, yung iba humiwalay. Umalis ang nakamotor. Same direction na dinaanan ni Clark pero pagdating sa unahan nag-u-turn. May sumunod na dalawa pang nakamotor saka umalis yung van. Nagkatinginan kaming dalawa ng may sumunod pang isang kotse at itim na van. "F-ck... sundan natin Boss." boses ni Third. Kinabig ko ang manibela. "Tawagan mo sina Fourth, kailangan natin ng back up. Kontakin mo din sina Ace at Colt, sabihan mong bantayan maigi si Aish. Also Dax and Geon. 'Wag kamo silang malilingat sa pagbantay sa anak ko at kay Eli. Hindi lang kami ni Ace ang gugulpi sa kanila." "Hays, ang lulupit niyo naman, bro." He make a call. Nakatutok lang ang mga mata ko sa sinusundan kong itim na van. But my mind keep on rolling; working and can't stop thinking at what Mutya's said. Habang tumatagal yung byahe namin lalo akong naguguluhan. Hindi kaya may ginawang kasalanan sa akin ang babaeng yun kaya may paganun pa siya kanina sa akin? "Boss?" Napapitlag ako ng kalabitin ako ni Third. "What?" "Nasaan na yung van na sinusundan mo?" "T'ngna... nasaan na yun?" nagpalinga-linga ako sa paligid pero 'di ko na makita pa iyon. "Ok ka lang ba? Parang wala ka yata sa sarili kanina pa?" Ipinarada ko ang kotse sa gilid. "Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan e. Para kasing may mali sa mga ikinikilos ni Mutya." "Kahit kami napapansin din namin iyon lately. Even Moana. We even caught those two fighting. Kung anong dahilan hindi namin alam." "Hindi pa rin ba nag-uusap sina Fourth at Moana?" He t'sked. "Iwan ko sa mga yun. Kapag nagkakaharap ang mga yun palaging may gyera." "Triplets nga kayo pero magkakaiba naman masyado ng ugali niyong tatlo. Ang hirap spelling-in." He chuckled. "No doubt, ako talaga ang pinaka-good boy saamin Boss." "Teka," napadungaw ako sa labas ng makilala ko ang lugar na kinapaparadahan namin. "This place looks familiar--shet," nanlalaki ang mga matang nilingon ko si Third sabay kabig ng manibela. Mabilis kong pinasibad ang sasakyan. "What's wrong?" "Hindi ako sigurado sa naiisip ko pero tingin ko papunta sila sa San Agustin. Papunta 'tong daan na 'to sa kinaroroonan nina JM." "Sa Mt. Quasinta?!" "Oo--t'ngna. Tawagan mo si Wayne--" "Nandun na daw sa Mt. Quasinta kanina pang umaga." "Sinong may sabi?" "Si Fourth. Nakausap niya si Thur." "Nasaan na sina Fourth." "Sabi kanina on the way na daw--sandali tawagan--oh he's calling you," aniya sabay pakita sa aking ng screen ng phone. "Sagutin mo na. Ba't mo pa pinapakita sa akin?" "Fourth--oh, ok. Sumunod na lang kayo. Papunta kaming Mt. Quasinta ni Boss Ryan." aniya sa kausap saka ibinalik sa akin ang phone. "Tawagan mo ulit si Wayne." utos ko. I speed up the car again. Ilang oras din ang itinagal ng byahe namin bago narating ang San Agustin. "Saan ba daw dito ang--" "Turn right doon o," turo niya sa sangandaan. Mabilis kong kinabig ang manibela at pinaharurot ang sasakyan. May mangilan-ngilan na tricycle na huminto sa gilid at pinadaan ako. I even heard a loud bang of gun fire. Malayo pa lang tanaw ko na yung 'di ko kilalang dalawang kotse. Lalo akong linukuban ng takot sa nakita kong mga tauhan na nakahandusay sa semento at damuhan. Duguan at wala ng buhay. Inihinto ko ang kotse sa gilid sabay baba. Sumunod sa akin si Third. "Mga tauhan ba yan sila ni Lewis?" "Everything is under control, Boss." boses ni Thur. Napabaling ako sa kanya. He's talking on the phone. "Ang galing ng baby loves mo. Malaking tulong yung mga patibong sa kakahuyan. Pero nagkaputukan din kami dito sa labasan bago pa nakarating sina Sir--este Boss Ryan. Kumusta kayo?" "How's everything?" lumapit ako sa kanila habang iginagala ang paningin sa paligid. "May nasaktan ba sa inyo." "We're fine, Boss." sagot ni Brix. "Si JM ba kausap niya?" turo ko kay Thur na nakatingin sa akin. "Tell him na susunod kami sa kanila. Mga tauhan ni Lewis yung mga nakasakay sa itim na van. Kanina pa namin yun sinusundan pero biglang nawala. It's too late for me to realized na dito ang tungo nila." nilingon ko ang dalawang kotse. "Sino sila?" "Mga tauhan ni Kevin." "Imposible." aniko saka nilapitan ang isa doon na wala ng buhay. "Sigurado akong either tauhan sila ni Morales or ni Lewis." "Magkita daw kayo ni Boss sa safe house." wika ni Thur matapos ibaba ang cellphone. "Nakikilala mo ba sila?" "Hindi pero malakas ang kutob kong hindi sila mga tauhan ni Kevin Sarmiento." "Sundan niyo na yung dalawa. Kami na ang bahala dito. Mag-iingat kayo." "Sige--" napabaling kaming lahat sa pumarada na van. Humahangos na lumabas si Fourth. "Sorry we're late." Humakbang ako papunta sa kotse. "Tara na Third." nilingon ko si Fourth. "Sumunod kayo saamin. We're going to Fairview." Muli kaming bumyahe pabalik. Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng may humahagibis na van na bigla na lang humarang sa daraanan namin. Mabilis kong tinapakan ang preno. "F-ck! Who are they?" bulalas namin ni Third. Nang makita kong bumukas ang pintuan sa likod hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad kong iniatras ang kotse at pinaharurot sa kabilang kalsada. Hinabol nila kami at pinaulanan ng bala. "T'ngna ba't hindi sila nauubos?!" "Nasaan na sina Fourth? Nakasunod ba sila?" "Ayun--doon sa kabila dumaan." Ginawa ko ang lahat para mailigaw sila. It took me a lot of time before I successfully lost them. Hingal at tagaktak sa pawis kaming dalawa kahit nakabukas ang aircon. Pinarada ko ang kotse sa loob ng hideout at pinuntahan sina JM para ipakita ang mga dokumento. Pagkatapos ng matulin na oras na pag-uusap na may kasamang rambulan dahil sa away ng dalawang ungas na yun nagpaalam na ako sa kanila. "Ingat kayo sa byahe, Bro." wika ni Wayne. "Kayo rin." binalingan ko ang mga kasama ko. "Tara na." Muli kaming bumyahe pauwi. "Boss, yung lumang report about kay Sarmiento yata ang pinakita mo kay Boss JM e. Nasa hideout na nina Chua--I mean nina Boss Keith si Señorita Cristal diba?" "E ba't yun ang binigay mo?" "You called me this morning diba? I tried to explain to you pero binabara mo ako--" "Hayaan mo na yun." sabad ko. "Atleast alam nila na ampon lang si Kevin ni Mayor Sarmiento. Tsaka hindi ako naniniwalang masamang tao sila. Hindi ililigtas ni Kevin si Señorita Cristal kina Devur kung masamang tao talaga siya. Tiyak may tinatagong sekreto ang Mayor Sarmiento na yun at yun ang aalamin niyo." "Galamay pa rin sila ni Lewis, Boss. Baka pinapasakay lang tayo. Sindikato sila. Mga tuso ang mga hayop na yun." Napatingin ako sa phone ko ng mag-vibrate iyon. Chad calling... I pressed the answer button right away and put it in loudspeaker. "Boss something terrible happened here in tower!" bungad kaagad nito. "The occupant next door to your wife's unit were brutally murdered!" "Ano? How does that happened e marami kayong bantay diyan?!" "Mahabang paliwanag Boss--" "Then make it short damn it!" "To cut the story short dinala ni Colt sa bahay mo si Aish at pinapaimpake ko na rin ng mga importanteng gamit na kailangan ng anak mo si Eli. Ipapahatid ko na din sila doon kina Dax at Geon." "Iniiba mo ang kwento--" "Sasabihin ko ba ang tungkol dito kay Boss Keith?" muling sabad niya. "Damn you!" then ended the call. Lumalim ang gatla sa noo ko ng makita ang nasa call log ko. Nilingon ko si Third. "Tumawag ba si Aish kanina?" "Yep--" "T'ngna ba't 'di mo--" "Hep! Ikaw mismo nagsabi na patayin ko ang tawag. Naka-record lahat--" "Gago... lumipat ka na doon kina Fourth. Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako." "Hindi ba ako pwedeng sumama diyan sa--" "Secure my son and Eli. And no matter what happen 'wag na 'wag niyong sasabihin kahit kanino ang tungkol sa anak namin. Please. Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanila ng lahat. Sasalubungin ko si Aishleen. Siguradong susugod yun pabalik dito sa Manila dahil sa nangyari. Doon na tayo sa bahay ko sa Benguet magkita-kita." "Copy." tinapik niya ako sa aking balikat. "Mag-iingat ka. Tawagan mo kami agad pag kailangan mo ng back up." "I will." Pagkaalis niya kaagad kong pinaharurot ang kotse. I keep checking my phone. Hindi nga ako nagkamali, bumyahe siya pabalik ng Manila base sa GPS na nakikita ko. Matigas talaga ang ulo. Lalo kong binilisang ang pagpapatakbo ng kotse. Hours passed then some more hours. Nasa intersection na ako ng paunti-unti na akong linulukuban ng kakaibang kaba. And its getting traffic too. Lumipat ako ng daan. I took the shortcut ngunit ganun na lamang ang gulat ko sa bumalandra sa akin paglabas ko sa kabila. Mga police mobile, ambulance, kumpulan ng mga tao. I look at my phone right away saka muling tinanaw iyon. "F-ck--anong meron?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD