AISHLEEN KATE
Naalimpungatan akong kinakalas ng lalaki ang suot kong relong bigay ni Ryan sa akin. Nagulat pa ito sa biglang dilat ko ng aking mga mata. Nagkatitigan pa kaming dalawa sabay bigwas ko ng kamay sa kanyang mukha. Nauntog ang ulo nito sa likuran ng driver seat. Hinatak ko ang leeg niya pababa, naunang bumagsak ang mukha nito sa lapag sabay sipa ko sa mukha ng isa pang lalaking nakaupo sa unahan at nakadungaw saamin.
"F-ck! She's awake!"
Nabulabog ang mga kalalakihan sa loob ng van. Pinagtulungan nila ako pero 'di ako nagpatalo. Suntok at sipa ang pinadapo ko sa kanilang mukha. Sinakal ko ang driver. Nagpaise-ise ang kinasasakyan namin.
"Ihinto mo ang sasakyan--ahww!" hiyaw ko ng sabunutan ako ng kasamahan nito.
Kinalmot ko ang kanyang mukha. Nabitawan ako nito ngunit ang pagkasa ng baril at pagtutok ng kasamahan nito ang nagpatigil sa akin. Binaklas ng driver ang braso ko. Malakas naman akong sinampal no'ng lalaking kinalmot ko sa mukha. Napasubsob ako sa sandalan ng upuan. Napaigik ako sa sakit ng sabunutan ako nito sabay diin ng dulo ng baril sa sentido ko.
"Ang tapang mo a. Hindi ka ba natatakot saamin, ha?!"
Napalunok ako ng wala sa oras sa subrang takot na lumukob sa aking buong katawan.
Huminto ang van. Kinaladkad ako palabas ng lalaki. Binaklas din ang suot kong relo at ibinigay sa kasamahan nito.
"Ibigay mo yan kay Boss. Siguradong si El Salvador ang nag-imbento ng relong yan and I'm sure they're after us because of that tracking device. Bumalik na kayo sa Manila. Kami ng bahala maghatid sa babaeng 'to sa Sula."
Nagwala ako. Nagpumiglas. Nang makaalpas ako kaagad kong sinungaban yung lalaking binigyan ng relo ko ngunit nakaiwas iyon.
"Akin na yan sabi!"
Tinulak ako nito. Sinabunutan naman ako no'ng isa pang lalaking bagong labas lang ng kabilang van saka malakas akong sinikmuraan. Namilipit ako sa subrang sakit.
"Remember me, Miss Altamonte?"
"I---Ikaw?" siya iyong nasapok ko sa loob ng Yankee Bar na pinakitaan ni Ate Cristal ng tsapa. Tiningnan ko ang tatlo pang matangkad na lalaking lumabas ng van. Hindi ako maaaring magkamali. Sila ang apat na lalaking yun na sinundan ni Ryan palabas ng bar. "A-Anong kailangan niyo sa akin?"
"Alam mo bang halos patayin kami ng gagong Aragon na yun ng dahil sayo? Lalo na ako," anito sabay sabunot sa buhok ko. Napangiwi lalo ako sa sakit. "We just want to have fun with you tapos sinuplong mo kami, hmmm?"
"Wala akong alam--ahww!"
Umalpas ang luha sa aking mga mata ng humigpit ang pagkakasabunot nito sa aking buhok na halos mabali ang leeg ko sa pagkakatingala.
"Tingnan natin kung makakasumbong ka pa ngayon."
Pabalya ako nitong binitawan.
"Dalhin niyo na yan doon sa kabilang van." utos nito sa kasama na walang pasintabing tinakpan ng panyo ang mukha ko ng may masangsang na amoy. Lalo akong nanghina. "Igapos niyo." narinig ko pa bago ako muling nawalan ng malay.
*****
SUMUNOD na gising ko nawindang ako sa aking nabungaran. Lalo na sa itsura ng nasa harapan ko. Iginala ko ang paningin sa buong paligid sabay sigaw ng malakas.
"Tuloooong!! T'ngna niyo, pakawalan niyo ako ditoooo!" sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakatali ng aking mga kamay at paa sa upuan.
"Tulong tulong... T'ngna niyo pakawalan niyo ako dito..." maarteng panggagaya pa sa akin with matching action ng matabang lalaki na nasa harapan ko.
Malakas naman na nagtawanan ang lima pang kasamahan nito. Puro pangit at mukhang mga rapist. May balbas sarado, bundat ang tiyan, may bungal at panot. Lahat sila may hawak na baril.
"Hmmm... ang bango-bango mo." kinilabutan ako sabay iwas ng lumapit ang balbas-saradong lalaki at inamoy ako sa aking leeg.
"Ang ganda at sexy pa!"
"Ang puti-puti at kinis!"
"Sh*t... 'di na ako makapaghintay pang matikman ka!"
Sigunda naman ng iba. Lalo akong nanginig sa subrang takot at nagpumiglas.
"Para niyo ng awa pakawalan niyo na ako please... magbabayad akong malaking halaga or kahit magkano, pakawalan niyo lang ako, please."
"Alam naming mayaman ka Miss Altamonte. Pero 'di namin kailangan ng pera mo. Ikaw ang kailangan ng boss namin."
"Mga hayop kayo!" umiiyak na sigaw ko. "Kapag ako nakatakas dito uubusin ko kayong lahat!"
Malakas naman nagtawanan ang mga ito sa sinabi ko.
"Hello boss?" sabi no'ng lalaking umamoy sa akin matapos sagutin ang tumatawag sa cellphone nito. Trumiple ang kalabog ng dibdib ko ng lumapad lalo ang ngisi nito habang nakikinig sa kausap sa cellphone. Dinilaan pa nito ang sariling mga labi habang pinapasadahan ako ng kanyang mga matang puno ng pagnanasa. "Thank you boss... excited na nga kami e. Matagal-tagal na rin kaming nabakante." tumawa ito. "Areglado Boss. Walang problema. Kami na ang bahala sa magandang dilag na 'to.."
"A-Anong gagawin niyo sa akin?!" nanginginig sa takot na tanong ko sa lalaki matapos ibaba ang cellphone, sinuksok sa kanyang bulsa.
"'Wag kang mag-alala Miss beautiful. Hindi ka namin sasaktan."
"Paliligayahin ka namin."
"Mapapasigaw ka sa sarap."
They all laughed like crazy.
"Animal ka, 'wag kang lalapit!" sigaw ko ng humakbang ang balbas-saradong lalaki palapit sa akin.
"'Wag ka ng pumalag. Kahit mamatay ka kakasigaw walang makakarinig sayo dito." sabi nito sabay hawak sa mukha ko.
Muli akong nagpumiglas pero subrang higpit ng pagkakagapos sa akin. Napahagulhol ako ng malakas nang marahan akong haplusin nito sa aking braso paakyat sa aking balikat.
"Tuloooooong! Tulungan niyo akoooooo! Tulooooooong!"
Halos mamaos ako sa lakas ng sigaw ko ngunit nilamon lamang ng malakas na tawanan nila ang boses ko.
"Wala ngang makakarinig sayo dito Ganda. Ang kulit mo din ano?"
"Sayang lang yang magandang boses mo."
"Ihanda mo na lang sa pagsagad ko sayo. Sumigaw ka ng malakas."
Tawanan ulit sila.
Wala akong ibang magawa kundi ang mapahagulhol lalo ng itaas nito ang damit ko. Sinipat-sipat ang balat kong lumantad sa kanila.
"Wow, daming kagat ah."
"Ano yan, tsikinini?"
Makahulugan na nagtinginan ang mga ito sabay angat lalo ng damit ko. Tumambad sa kanila ang malulusog na dibdib ko na puno ng pulang marka gawa ni Ryan.
Marka kung gaano niya ako sinamba no'ng gabing iyon.
Inamin kung gaano niya ako kamahal.
Na pinagsisisihan ko ngayon kung bakit pinairal ko ang takot... naduwag ako at hindi ko man lang siya binigyan ng chance.
Hindi ko man lang nasabi na gusto ko ding mabuo ang pamilya namin.
Na gusto ko siya na ang makasama ko habambuhay.
Na nagseselos ako at nasasaktan sa mga babaeng napapaugnay sa kanya.
Kung kailan ako nasa bingit ng kamatayan ngayon saka ko naman gustong makita siya. Gusto ko siyang mahawakan.
Hanapin niya kaya ako?
Imposible.
Galit siya sa akin. Pinatayan niya pa nga ako ng tawag e. Tapos kinuha pa nila sa akin yung relo. Kung tracking device nga iyon paano niya pa ako mahahanap? Baka mapahamak lang siya kung...
Oh Ryan!
Ayokong isipin ang masamang mangyayari sa kanya kung sakaling hanapin niya nga ako. Siguradong habambuhay kong dadalhin sa konsensya ko iyon. Paano ko ipapaliwanag sa anak namin ang nangyari kung sakali nga?
Kung pwede ko lang sana ibalik ang oras ngunit. . .
Muli akong nagpumiglas at nagsisigaw.
"NOOOO! Lumayo kayooo! Ryan--Ryaaaaan! Ryaaaaan help meeeeeeee! Ryaaaaaaaaaaaaaaaan!"
"Wala," tila demonyong humalakhak ang mga ito. "Hindi ka no'n maririnig,"
"Tiyak binubugbog na yun ng mga kasamahan namin."
"Baka nga nakukwentuhan na sila ngayon ni San Pedro e."
"Don't worry, susunod ka din sa kanya, Ganda."
"Ihahatid ka namin sa langit!"
Umugong muli ang malakas nilang tawanan.
Ngunit iglap lang bigla iyon natigil. Napahinto ako sa pagsigaw. Natigilan sa aking nakita. Nanginig sa takot ng isa-isang bumagsak ang mga lalaki sa lapag; duguan, lahat may tama sa ulo, dilat ang mga mata, wala ng buhay.
I didn't heard any gun fire so what's happening?!
Tumahimik ang ingay sa paligid ngunit hindi ang puso ko. Tila tambol sa lakas ng paghampas sa loob ng dibdib ko. Kunti na lang malapit na akong malagutan ng hininga sa subrang takot.
Lumingon ako sa gilid ko ng may maramdaman akong kumikilos doon. Nakita ko ang malaking tao na nakaitim na damit at pantalon, itim na sumbrero at may takip ang mukha. Patakbong lumapit ito sa akin. Inayos ang damit ko at mabibilis ang mga kamay na kinalas ang mga tali sa akin.
His familiar scent made my nerves calm. Napatalon na tuwa ang puso ko.
"R-Ryan..." anas ko. "Ryan ikaw ba yan?"
Hindi ito umimik. Nagpalinga-linga sa paligid matapos makalas ang lahat ng tali saka tumakbo papunta sa maliit na bintana. Tanaw ko sa labas ang napakaliwanag na isang napakalaking bahay na napapaligiran ng iba't ibang naggagandahang bulaklak. May bagay na itinali siya doon. Kung ano. . . hindi ko alam. Pagkatapos patakbo din akong nilapitan.
"Lets go. We need to leave." maingat naming nilisan ang lugar.
Lakad takbo ang ginawa namin. Kumukubli sa dilim.
Maraming mga armadong kalalakihan akong natatanaw 'di kalayuan. May mga kubo at tubig ang nasa ilalim. Marami ding mga kababaehan na halos nakahubad na sa kakarampot na telang suot nila. Ang ingay nila na para bang nagkakasiyahan. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong muli ang napakalaki at napakagandang bahay na nasa tuktok ng bundok.
"Napasok tayo!!"
"Nakatakas ang bihag!!"
Nagmamadaling gumapang kami sa damuhan ng magkagulo na sa ibaba na pinanggalingan namin. Tumakbo ng mabilis kahit nagkandatisod-tisod na ako, bumabangga sa maliliit na sanga ng kahoy, wala na akong pakialam pa. Ang importante makatakas kaming dalawa. Madilim ang paligid, magubat kaya hindi ko alam kung saan kami patungo ni Ryan. Subrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay.
Paglabas namin sa masukal na kagubatan isang napakahabang tulay ang bumungad saamin. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala man lang dumadaang mga sasakyan.
"A-Anong lugar 'to Ryan?"
"Sula Delta Bridge. Nasa Bicol tayo."
"B-Bicol? Paano tayo makakabalik ng--"
"Shet--" anas niya sabay hatak sa akin. Napasunod ako sa kanya ng takbo papunta sa kaliwang gawi ng tulay.
"Ayon!" boses ng lalaki sabay paulan ng bala saamin.
Halos liparin naming dalawa ang kahabaan ng tulay makalayo lang sa mga humahabol saamin. Pinangangapusan na ako ng hininga, tagaktak ang pawis, halos mabingi rin ako sa lakas ng t***k ng puso ko.
Huminto siya sa pagtakbo saka pinaputukan ang mga kalaban. Lahat iyon tinamaan, bumagsak sa semento at hindi na gumalaw pa. Pagkatapos sumampa siya sa tulay, tumawid sa kabila.
"R-Ryan anong gagawin mo?"
"Hindi ko alam kung anong nakaambang panganib sa atin sa dulo ng tulay na yan."
"Mas lalo naman diyan sa madilim na kagubatan--"
"Wala na tayong oras para magtalo pa Aish!"
"P-Pero--"
"Its either they killed us both or we died while escaping to them. At least we tried to escape Aish. Mamili ka sa dalawa."
Napahikbi ako sa subrang takot. "Ayoko pang mamatay, Ryan. Ayoko pang mamatay!"
"Do you trust me?"
"Oh--I love you. Mahal din kita Ryan. Kayo ng anak natin--"
"T'ngna!"
Malutong na mura niya sabay buhat sa akin patawid sa kabila. Pinagsalikop niya ang kamay namin saka muling tumakbo sa madilim at masukal na kagubatan.
Habang tumatagal ang pagtakbo namin lalo akong linulukuban ng takot. Pakiramdam ko rin puno na ng sugat ang mga braso ko. Iniinda ko na lang ang sumisirip na hapdi at kirot sa balat ko.
"Watch out!"
Nahigit ko ang aking hininga ng makita kong hampas na ang nasa ibaba ng paanan namin. Dinig ko rin ang malakas na paghampas ng alon sa ibaba at kitang-kita ng mga mata ko ang malawak na karagatan. Maraming mga nagliliwanag na ilaw 'di kalayuan. Mga karatig na pook yata iyon. Hindi rin ako sigurado.
Nangatog ang aking buong katawan. Bigla akong nanghina. Akmang uupo ako sa damuhan ng hatakin ako ni Ryan palapit sa kanyang katawan. Mahigpit niya akong niyakap. Bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata, impit na napahagulhol.
"Shhhhh, don't cry." paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ko. His hand buried in my hair. I can feel his fingers slowly moving, caressing my scalp in loving motion. "I'm here babe. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sayo. I'll protect you at all cost. Kahit buhay ko pa ang kapalit."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "P-Pa'no mo pala ako nahanap e kinuha nila yung relong bigay mo sa akin? Yong mga pearls nilagay ko lahat sa purse ko at naiwan lahat sa sasakyan. And they said that watch is a tracking device at si El Salvador daw ang may gawa. Sinong El Salvador?"
"Yeah, tracking device nga yun and actually can communicate there too. And si Rashmin El Salvador, asawa siya ng kaibigan naming si James. Dating spy agent nina Wrath at Joaquin Steves. Lahat ng grupo namin merong ganun, gawa niya. Inisip kong nakuha nila iyon since magkaiba yung lugar na lumalabas na GPS dito sa phone ko pagdating ng Quezon province so I contacted Clayde right away to cut it off. At kung paano kita nahanap? Through our wedding ring na pendant diyan sa necklace mo. There's a GPS in it and your engagement ring has a hidden cam too. I did that on purpose."
I braced him tightly. "Whatever happens lagi mong tatandaan na mahal din kita--"
He cursed. Binaklas niya ang mga braso ko at inilayo sa kanya.
"Why are you saying that now? Tinanong kita kagabi pero bakit ngayon mo yan sinasabi sa akin ha? Kung kailan nasa bingit tayo ng kamatayan, Aish! Nagdedeliryo ka lang ba dahil sa takot?"
"To be honest naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo noon dahil pakiramdam ko parang may kulang. Pero kanina..." napahikbi ako. "Alam mo kanina takot na takot ako na baka sundan mo ako at mapatay ka nila. Sa buong buhay ko kanina lang ako nakaramdam ng subrang takot na hindi ko mawari. Mas natakot ako sa mangyayari sayo kaysa sa akin. Naninikip yung dibdib ko maisip ko pa lang na mapapahamak ka ng dahil sa akin. Hindi ko kakayanin yun." hinatak ko siya at muling niyakap ng mahigpit. "Hindi ko kakayaning mawala ka sa akin, Ryan. Hindi ko kayang mawalan ng ama ang anak ko. Hindi ko kaya. Mahal na mahal kita... Mahal din kita at nagseselos ako sa lahat ng babaeng napapaugnay sayo. Malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit hindi ka man lang nagparamdam sa akin ng dalawang taon pero wala na akong pakialam pa. Ang importante napatunayan ko ngayon sa sarili ko na mahal mo nga ako. Hindi mo ako susundan dito at itataya ang buhay mo mailigtas lang ako kung hindi mo talaga ako mahal. And I think yun yung assurance na hinahanap ko. Assurance na hindi mo ako iiwan kahit nasa bingit man tayong dalawa ng kamatayan."
He curse multiple times again. Ginagap ang kamay ko at nagpalinga-linga sa paligid.
"Humingi ako ng tulong kay Clayde bago ko in-off ang phone ko kaya siguradong may darating na tulong sa atin. Pero hindi ako sigurado kung agad-agad lalo't nasa peligro ang buhay ng asawa ni JM at ate Cristal mo."
"Anong gagawin natin, Ryan? Paano tayo makakaalis dito? Tsaka ano yung iniwan mo doon sa--"
"My watch." sabad niya sabay hakbang, hatak-hatak ang kamay ko. Kung saan kami patungo hindi ko alam. Madilim ang paligid. Tanging liwanag galing sa buwan ang tumatanglaw saamin sa siwang ng makapal na dahon ng mga puno kaya nakakapagtaka ba't parang napakadali sa kanyang maglakad sa dilim. "Malakas ang pakiramdam ko na baka ito na yung main den na hinahanap namin."
"You mean. . . main den ni Red Dragon?"
"Exactly--"
"Halughugin niyo ang gubat! Hindi pa yun nakakalayo! Nandito lang ang mga yun. Kayo! Suyurin niyo ang tulay! Magraradyo ako kay Amo para masabihan yung ibang mga kasamahan natin at maabangan sila sa liwasan."
Pareho kaming natigilan sa naglipanang flashlight.
"Ryan,"
"Gusto mo ba talagang mabuhay?"
"Anong klaseng tanong--"
"Just answer me!"
"Syempre OO--hmmp!"
Nanlaki ang aking mga mata sa biglang talon ni Ryan kasama ako. Mabilis na bumulusok pababa ng hampas sakop ng kanyang mga labi ang labi ko. Tila bakal naman sa higpit ang pagkakahawak sa kamay ko.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023