AISHLEEN KATE
Mabilis ang mga kilos ni Ryan pagbagsak namin sa tubig dagat. Hindi niya binibitawan ang kamay ko, hinapit niya ako sa aking bewang ng lumangoy siya pataas.
Parehong hingal na hingal at nakabuka ang mga labi ng makarating kami sa ibabaw ng tubig dagat.
"Ok ka lang ba?"
"Hindi... hindi pa tayo safe, Ryan."
He held my cheek and gently caress it. "I know. Just trust me ok."
Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahikbi. "I'm sorry. I'm so sorry."
"Apology accepted." nagpalinga-linga siya sa paligid. "Nakikita mo ba ang bangka na yun?" tumango ako. "Hihingi tayo ng tulong pero kailangan nating mag-ingat. Nasa teritoryo tayo ng kalaban."
"Alam ko ang ibig mong sabihin."
"Good." aniya sabay langoy, hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Kaagad ko siyang hinatak pabalik. "What?"
"Mahal kita."
He cursed. "Walang ibang makakatulong sa atin dito kundi sila. Kung sakaling mahirapan ang Kuya mo at si Clayde sa paghahanap sa atin I'm sure JM will find us. He will track me no matter what."
"How?"
"Basta. Just trust me ok. I will protect you. You're my baby and I will always protect my wife." he sealed my trembled lips with his.
Mabilis naming nilangoy ang kinaroroonan ng dalawang bangka. Tag dalawa ang sakay ng bawat isa. Parehong hinuhulog ng mga ito ang lambat sa tubig dagat.
Paalis na yung isa ng mapansin kami no'ng lalaking pumunta sa likuran ng bangka.
"Oy--!" gulat at bahagya pang napaatras na bulalas nito. Kinusot-kusot pa ang mga mata habang nakatitig saamin. Lumangoy kami palapit sa kanila. "Padi... Padi..." tawag sa kasama nito na busy sa ginagawa sa kabilang dulo ng bangka. "Pading Otoy! Hilinga! May duwang tawo!" (Tingnan mo! May dalawang tao!)
"Anong duwang tawo ang pigtataram mo diyan? Baad pig-iilas ka man sana." (Anong dalawang tao ang pinagsasasabi mo diyan? Baka namamalikmata ka lang.)
"Ata dae. Hilinga baya." (Hindi nga. Tingnan mo kasi.)
"Pig-atake ka na naman gayod kang katalsutan mo. Paandarun mo na ta iyo na." (Inaatake ka na naman yata ng kaduwagan mo. Paandarin mo na."
"Lusbak kang deputa ka--dumigdi ka pano ngani mahiling mo. Puro ka diyan taram!" (He cursed --pumunta ka kasi dito ng makita mo. Puro ka diyan salita!)
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng dalawa pero base sa itsura ng lalaki at tinuturo kami sa kasamahan nito e malamang kami pinag-uusapan.
Hinatak ako ni Ryan palapit lalo sa kanila. "Pre tabang." (Pre tulong)
Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Nilingon ang dalawang kasamahan na nasa kabilang bangka na busy pa rin sa ginagawa sabay lahad ng kamay saamin. Inabot ni Ryan ang kamay ko sa lalaki sabay hawak sa bewang ko at inangat sa tubig. Pagkatapos siya naman ang mabilis na sumampa sa bangka. Panaupo kami sa gitna niyon.
"Toy ano an?" boses ng lalaki sa kabilang bangka.
"Wara! Tapos na kami. Mainot na kami saindo ha!" (Wala!_____ Mauna na kami sainyo ha!)
Mabilis kaming tinakpan ng lalaki, yung isa kaagad pinaandar yung makina ng bangka.
"Hindi kayo mga taga rito." seryosong boses no'ng lalaking nagpaandar ng makina. Naupo sa harapan namin. Mahigpit naman akong niyakap ni Ryan. "Saan kayo galing? Anong ginagawa niyo doon ng ganitong oras?"
Hindi kami umimik. Nagtinginan ang dalawa. Sabay pang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga at napahilamos ng kamay sa mukha.
"Sa pagtulong namin sa inyo tiyak sasabit ang pamilya namin."
"Alam niyo ba kung anong klaseng teritoryo ang pinasok niyo?"
"Sabi niyo may pamilya din kayo." wika ni Ryan. "Kung dinukot yung pamilya niyo ng mga taong halang ang bituka hindi niyo man lang ba sila ililigtas?"
"Ibig sabihin. . ." muling nagkatinginan ang dalawa. "Dinukot yang asawa mo?"
"Nang walang kalaban-laban. Gusto nilang pagsamantalahan ang asawa ko bago patayin. Buti naabutan ko pa."
"Nadeputa!" sabay pang mura nila. "Tiyak patay kami nito kay Amo!"
"Sinong Amo?"
"Sinasabi ko sa inyo, walang sinasantong tao ang hayop na yun!" nag-angat ito ng tingin sa kasama. "Nakita kaya nila sila, Toy?"
"Hindi ako sigurado."
They both cursed again. "Hindi kayo pwedeng manatili sa lugar na 'to. Bukas na bukas din kailangan niyong umalis. May bumabyahe na bangka dito papunta sa siyudad. Kakilala ko yung kapitan. Ipapasakay ko kayo doon."
Pagdaong sa pangpang ng bangka nagmamadaling bumaba ang dalawa.
"Sandali!" pigil ni Ryan. "Baka pwedeng pahiram ng damit. . . para saaming dalawa--"
"Kukuha ako. Wag kayong maingay. Diyan lang kayo." patakbong umalis ang dalawa.
"Ryan--"
"Shhhh, don't think too much. Will be safe."
"Pa'no kung madamay nga ang pamilya nila ng dahil sa atin?"
"Yan ang 'di ako sigurado."
"Yung humahabol sa atin narinig kong binanggit din yung Amo."
"Baka siya ang command in charge ng grupo."
"Pano kung yung pinaka pinuno talaga? Tiyak papatayin--"
"Mauuna tayong mamatay dito sa lamig," sabad niya. Our wet body both trembled. Subrang lamig ng simoy ng hangin dito sa tabing dagat. Nanonoot sa kalamnan ko. "Patay talaga tayo kapag 'di bumalik ang mga yun at isuplong pa tayo sa Amo nila."
"Ryan naman e."
"Ano? I'm just stating the fact."
"Kapag pinabayaan mo ako dito I swear hanggang sa kabilang buhay hindi kita mapapatawad."
"Pagkatapos kitang iligtas--"
"Well, hindi pa talaga tayo ligtas. Tsaka kasalanan niyong anim kung bakit ako nadamay sa gulo ninyo."
"Si JM ang sisihin mo hindi ako dahil sa kabobohan niya kaya hina-hunting tayo ng mga tauhan ni Lewis. Magkakasabwat sila nina Morales."
"Baka nakakalimutan mo yung ginawa mo dun sa apat na lalaking nang-harass sa akin sa loob ng Yankee Bar. Sila mismo yung nagpadukot sa akin."
"Deserve nila yun. Tsaka kasalanan mo naman kung bakit nadukot ka. Isinuong mo yung sarili mo sa kapahamakan. Gumaya ka pa talaga kay JM."
"Ba't puro si Kuya JM sinisisi niyo? FYI kung bobo si Kuya JM e bakit sa kanya tumatakbo si Kuya Keith sa oras ng kagipitan aber? Ano yun bobo siya pero siya ang gumagawa ng hakbang para sa grupo niyo? E di nadido kayong lahat. Utak niyo sa dilis."
"Well, sa kanya naman talaga nagsimula ang lahat."
"Sa kanya ba talaga? For me kasi siya lang ang naging easy target dahil babae ang kahinaan niya. Tsaka wag ka ngang magmalinis diyan dahil pare-pareho naman kayong anim."
Mahina siyang tumawa. "Sabagay kahit naisahan yun ni Sofia, naisahan niya rin naman ang babaeng yun. Buong akala nila napaikot talaga nila si JM but they got it wrong. Ang hindi nila alam si JM talaga ang pinakamautak saaming lahat. Magaling lang yun magtanga-tangahan at sumakay lalo na ang mga tauhan no'n. Pero minsan naiisahan din namin yun. 'Wag ka lang magpakita ng kahit kaliit-liitan na senyales para maghinala siya. Kahit buhay niya pa ang kapalit he'll find and dig the deepest hole just to find the truth."
"Sus, kaya pala isinuong niya ang buhay niya para sa Sofia na yun. Kung hindi kayo dumating baka deadbol na siya. Yun ang bopols move niya."
"Minahal niya naman talaga kasi si Sofia e. Siya lang ang bukod tanging sineryoso niya. Kahit nga pinapaikot na siya mahal niya pa rin. Ayaw niyang makinig saamin kaya no'ng araw na dinukot si Sofia we arrived there just on time pero pinabayaan namin siya para mismong sarili niyang mga mata ang makakita at mauntog siya sa kabobohan niya. Ayaw niyang maniwala na lubusang masama ang babaeng yun e, but ofcourse he acted on purpose too. Kahit papano gumagana pa rin naman ang utak niya."
"What do you mean by that?"
"After ng nangyari kay JM, Sofia Collins just vanished. Nag-imbestiga siya pero iba ang nalaman niya not about her kundi tungkol sa grupo ni Christian Lewis.
Sheriff Martin suspected that Lewis were involved too about his fathers death. Kaya ng muling magpakita si Sofia kay JM ginawa niya ang lahat para mabigyan ng linaw ang lahat ng natuklasan niya kahit nabubulag pa rin siya sa pag-ibig sa babaeng yun. Dinala niya pa nga sa bahay nila e.
There's an audio device and GPS installed by her on his car too. Never iyon tinanggal ni JM. Nag-iingat na lang kami sa bawat kilos at salitang binibitawan namin. And it turn out that their plan backfired them. Sinabi ni Sofia kay Tita Isme ang lahat ng masasamang plano ni Lewis. At lahat ng usapan ng mag-asawang Del Carpio narinig lahat iyon ni JM. Ngunit ayaw nilang umamin saamin kaya nag-iimbestiga kami ngayon para malaman namin ang buong katotohanan.
Itong nangyayari ngayon sa ating dalawa malamang may kinalaman din sa ginawa ko doon sa event na yun. Konektado ang lahat ng ito sa nakaraan ng pamilya nating lahat, Aish."
"A-Anong nakaraan--"
"Pssst--! Pssst..!" pareho kaming natigilan. Nagpalinga-linga sa paligid. "Hoy dito--t'ngna!"
Binato saamin no'ng lalaking nagtatago sa shadow ng bangka ang isang malaking plastik na puno ng laman. Palinga-linga pa ito sa paligid.
"Damit at kumot niyo."
"Salamat, pre."
"Madaling araw kayo aalis bukas. 'Wag niyo na daw antayin pa yung malaking bangka. Kumpit na lang ang sakyan niyo."
"Anong kumpit?"
"Kagaya nitong bangkang de motor. Hindi kayo pwedeng dumaong sa pier ng Tabaco City. Mas lalo na sa Legazpi fort. Nakaalerto daw lahat ng tauhan, hinahanap kayo--t'ngna."
"Salamat pero 'wag niyo na kaming alalahanin pa. Kami ng bahala sa sarili namin. Pahiram na lang nitong bangka mo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ngayon na kami aalis--"
"Hindi pwede, delikado!"
"Mas delikado kung ipagpabukas pa namin. Baka madamay kayo!"
"Hindi kami madadamay kung walang magsasalita. Nasa dalawang kasamahan namin kung ilalaglag nila kami. Choice nila yun pero hindi kami katulad nina Amo na halang ang mga bituka. Naghahari-harian sila dito sa lugar namin na kung tutuusin mga dayuhan lang sila. Kahit sina Kapitan at Mayor walang magawa dahil hawak nilang lahat sa leeg."
"Kapag nakatakas kami babalikan ko kayo. Tutulungan namin kayo."
Sunod-sunod itong umiling. "Buong isla hawak na nila. Pinamugaran na nila ang dating tahimik na baryo namin. Ang hirap nilang banggain. Masyado silang makapangyarihan. Buhay ang kapalit kapag may umalma."
Napalunok ako sa sinabi nito. I'm even hyperventilating. Humigpit ang pagkapit ni Aish sa braso ko. My arms tightened around her too. Hindi ko alam kung tama nga ang hinala ko pero my heart and mind saying this is the main den! Hindi ako pwedeng umalis dito.
Pero paano si Aish?
Paano yung anak namin kung pareho kaming nandito?
"May dalawang baril diyan na nakapulupot sa kumot. Gamitin niyo sa pagtakas. Mag-iingat kayo ha."
"Ayaw niyo bang sumama saamin?"
"Walang dahilan para umalis dito dahil dito na kami lumaki. Yung mga magulang ko nasa ibang barangay. Matatanda na sila. Kapag sumama ako sainyo tiyak sila ang babalikan ni Amo."
"Salamat sa tulong niyo."
"Hindi pa kayo ligtas kaya wag ka munang magpasalamat. Ayoko ring umasa na tutulungan niyo kami lalo't nanganganib pa rin ang buhay niyo pero sana kung sakali mang makaligtas kayo; please... tulungan niyo kaming mapalayas dito sa isla namin ang grupo ni Amo. Si Mayor Reynaldo Deogracias ang una mong puntahan sa Poblacion. Siguradong makikipagtulungan yun sayo. Banggitin mo lang ang pangalan ko... Atom o kaya si Otoy. Alam na no'n ang sadya niyo."
"Sino ba yang Amo na tinutukoy niyo?"
"Never ko pang nakita ang mukha no'n pero mabanggit pa lang ang pangalan na yan nagsisipagtakbuhan na sa takot ang mga tao dito."
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa katahimikan ng gabi.
Marahas naming nilingon ang humahangos na lalaking tumatakbo papunta saamin. Sinalubong iyon ni Atom.
"Toy! Putok yun ng baril a. Anong nangyari?"
"Sina Elias!" he parted his lips to gasp some air. "Pinagbabaril sila ng mga tauhan ni Amo. Buong pamilya nila."
"Ano? Bakit daw?"
"May hinahanap sila," tinanaw kami nito.
Atom cursed. "Nilaglag ba nila tayo?"
"Hindi pero lahat ng naglayag kanina," he sobbed. "Lahat nila pinatay, Tom. May mga nahuli din patakas sa laot."
"T'ngna--" kinaladkad nito si Otoy papunta sa bangka. "Paandarin mo na ang makina. Bilis!"
Makailang ulit akong napausal ng dasal sa subrang takot. Walang palya ang pag-alingaw-ngaw ng malakas na putok ng baril. Humahalo sa lakas ng kalabog ng puso ko at tunog ng makina.
Lumiko ang bangka palabas ng bundok. Malakas na hangin ang sumalubong saamin kasabay ng pagsalpok ng alon. Lalo akong nangatog sa pinaghalong nerbiyos, takot at lamig ng basang katawan.
"Ryan,"
"Shhhh, just stay put."
Tila kami dinuduyan gawa ng malakas na alon at hangin. Yung tubig dagat tila shower na sumasaboy saamin. Humihina rin ang pagtakbo ng bangka tapos kapag lumampas na ang alon bigla din pinapatakbo ni Otoy ng mabilis. Pakiramdam ko nasa gitna kami ng bagyo. Parang nakasakay ako sa rollercoaster. Subrang nakakatakot.
Ilang oras din ang itinagal ng byahe namin bago iyon idinaong sa pangpang. Kaagad tumalon pababa si Atom.
"Bumaba na kayo! Dalian niyo!"
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023