THIRD PERSON's POV
BRYCE MORALES
"That's impossible."
Naguguluhan na nagpabalik-balik ako ng lakad sa harapan ng mesa ni Franco.
We were inside his office.
Ilang beses na akong nagpapabalik-balik sa bahay ng mga Madrigal pero hindi ko mahagilap ang anino ng animal na Evo na yun. Bigla na lang naglahong parang bula.
Tapos dumagdag pa sa problema ko si Aragon. Masyado akong naguguluhan sa ikinikilos ng lalaking yun.
Luckily; nakuha namin yung ibang reports at mga dokumento gawa ng taksil na si Mutya. Kung nagkataon sumabit kaming lahat dahil sa kapalpakan ng t'ngnang Serafin na yun. Iwan kung anong plano ni Christian at 'di pa idispatsa't pinapatagal pa.
Till now malaking palaisipan pa rin sa akin ang pagluwas ni Joe Ryan Aragon ng bansa. Hindi ko mabigyan ng pruweba ang lahat ng agam-agam ko, tuloy lahat kami nasabon ni Dad. Lalo na ako. Ako ang binanlawan ng todo dahil sa kapalpakan ng mga tauhan ko. Nagmukhang pinakabobo at walang silbi sa lahat.
How dare he!
Puro mali ko ang nakikita niya. Puro si Kuya ang magaling, matalino, maaasahan at nakahihigit sa lahat!
Fuck them all!
Malapit na akong mapuno sa kanila.
Magpahanggang ngayon mainit ang ulo ni Red Dragon saaming lahat. Maliban sa nasira na nga ng grupo ng Altamonte na yun ang kuta ni Rex at napaikot kami, walang nangyayari sa imbestigasyon sa pagkawala ni Aishleen sa nakalipas na taon.
Buong akala namin naisahan na namin sila but NO! Nasira ang plano! Nagkanda-letse-letse ang lahat tapos ako sinisi? Anong klaseng mindset meron ang red dragon na yun para isisi sa akin ang kapalpakan ng ibang miyembro? Napakabobo niya! Gago! T'ngna niya bumaba na siya sa pwesto!
We can't even use Aishleen against her family.
She's still missing! Wala sa mga Altamonte.
So, where is she?
Bakit parang hindi man lang nag-aalala ang kabilang kampo sa babaeng yun lalo't patay na ang panganay na anak ni Kristoffer na si Keith Kyle Altamonte?
It's confusing but they can't see it what I'm trying to point out to them.
Like--f**k! Bulag ba sila para 'di makita ang nakikita ko?
T'ngna nila para hingian pa ako ng ebidensya!
"Ayan," wika ni Franco sabay lapag sa ibabaw ng mesa ng mga litrato, report ng private investigator namin at ng grupo ng Bud Brothers na yun. "Tugma lahat. Their private investigator Curtis is in our side now. Hawak ni Christian sa leeg ang lalaking yun. And base on that report; lumabas ng bansa si Aragon mismo no'ng gabing yun kaya imposibleng siya iyong sumagip kay Miss Altamonte sa Sula.
Nasa pahayagan din ang mga litrato niya. Nakipagmeeting siya kay Prince Ali Hosseini Rahman kaya imposible talaga yang mga sinasabi mo.
Tsaka pwede ba 'wag mo ng ipagpilitan pa kung wala ka din namang maipakitang ebidensya. Alam mo naman ang rules ni Amo; NO Evidence NO Entry... so move aside. 'Wag bida-bida. Magkasangga tayong dalawa dito kaya sinasabi ko 'to. Kung ayaw mo lang namang pag-initan ka ng Daddy mo pero kung gusto mo e 'di sumige ka lang. Choice mo yan at labas na din ako diyan."
Prinsipe ng Brunei si Prince Ali Hosseini Rahman. Matalik na kaibigan daw ni Aragon. Kung pa'no nagsimula ang pagkakaibigan nila at kailan pa hindi ko alam at ayokong maniwala. Masyadong mailap ang prinsipe na yun kaya napakalaking question mark para sa akin na maging bff ng t'ngnang Aragon na yun.
Umiiling na tiningnan ko isa-isa yung litrato ni Aragon kuha sa airport at event na dinaluhan nito. It's looks like really him but... impossible! Madrigal said she's happily married. Kung hindi kay Aragon, kanino ikinasal si Aishleen? At nasaan nga ba talaga ang babaeng yun? Is she really missing or tinatago lang nila? Hindi kaya pinapaikot lang din nila kami? Damn mind games!
"May nakakita din sa kanya sa airport sa Singapore galing Morroco kanina lang. Lumipad papuntang Italia. May kasama siya lagi na iba't ibang babae sa bawat bansang pinupuntahan niya. In short, wala nga silang relasyon ni Miss Altamonte. Masyadong malamig ang lalaking yun sabi ni Farehn para magpakasal. Mabulaklak ang bibig at halos lahat ng matipuhan nagpopropose ng kasal na 'di naman pinapangatawanan. Walang kainte-interest yun sa mga ganyan na bagay, dude. Farehn was certained of it. Puro trabaho lang at pasarap ang laman ng utak ni Aragon... magpayaman to get rid all of us. Baka nga may niluluto ng plano ang grupo no'n kaya tahimik sila. Lalo pa't na kay Christian ang apo ng mga Altamonte at Sullivan." dagdag pa ni Franco.
"Meaning totoo lahat yung sinabi ni Mutya sa'tin noon. Imitation lang yung pearls na suot ni Aishleen. Hindi talaga family heirloom ng mga Aragon." tumango-tango ako sa aking naisip. "Baka nga nagkamali lang si Mrs. Gowiengco. Besides, I know Aishleen. Hindi yun mahilig sa alahas. Sabi ni Gino walang ibang alahas na suot si Aishleen no'ng gabing iyon maliban sa relong gawa ni El Salvador. So, there must be someone else who helped her escaped. Pero sino?" muli kong tinitigan si Franco. "Hindi kaya si Evo Madrigal? He's planning to get revenge at what I did to his brother."
"You're just paranoid. Guni-guni mo lang yun. Malinis ang pagkakagawa mo kaya imposibleng mahulaan ng hayop na yun na ikaw ang may gawa no'n sa kapatid niya. Tsaka malinaw yung ebidensya na si Scarlet mismo ang pumatay sa fiancee niya. Boom--case closed."
We both laughed.
"That b***h is like a scared rat."
"Poor Scarlet."
"Wait--ba't di mo utusan ang asawa mo na tanungin si Scarlet kung nasaan si Evo since nakita sila ni Farehn na magkasama ni Evo no'ng araw na yun?"
"Si Misha?"
Franco nodded then took the glass of his rum. "Ayon sa nasagap kong balita pinuntahan daw ni Madrigal si Miss Altamonte sa Skysuites Tower next day after the party kaya nga sumugod si Scarlet doon diba. Evo were lurking around that building too. Tiyak nagkausap ang magkapatid at malamang sa alamang nasabi no'n kay Evo ang sekreto niyo kaya bigla na lang naglaho. Tingin mo?"
"Hindi ko alam. Pwedeng oo pwede ring hindi. Kahit nakakulong na si Scarlet kinakabahan pa rin ako na hindi ko mawari. Pakiramdam ko talaga parang may taong nakakita sa ginawa ko e."
"Oh c'mon man. You're a Morales! Pera lang ang katapat ng mga yan. Isang tawag mo lang burado na lahat. Malinis na. Clear as naked chekababes dude. Ang asawa mo ang problemahin mo. Yun ang malinaw na tinik sa lalamunan."
"I'm not seeing her anymore after that Madrigal died. I wonder what she's doing lately. Hindi rin umuuwi sa mansyon."
"Ba't kasi hindi mo pa idispatsa ang babaeng yun? Mamaya niyan mabuking ka pang alam mo na ang lahat ng kagaguhan na ginawa nila ni Evo sayo."
"Malabong mangyari yun. I can easily manipulate her in my bare hands. Ididispatsa ko din siya soon. And will make sure na siya ang madidiin sa nangyaring murder case sa Skysuites Tower at pagdukot kay Aishleen."
I evily smirked. "But for the meantime, paglalaruan ko muna siya. Wild din yun sa kama, dude."
"Oh--sinong mas magaling sa kanila ni Monique?"
"Oh--f**k si Misha but I like Monique. Bukod sa batang-bata pa at fresh hindi niya ako binibigyan ng problema. She's very submissive and she satisfies my needs when Misha's not around."
"T'ngna.. parausan!"
We both laughed again.
"Diba ganun naman talaga ang silbi ng babae? Tsaka isa pa malakas ang pang-amoy ni Misha, dude. She's like her bestfriend; a traitor. Siguradong babaliktad yun kapag dinispatsa ko siya. Mahahalungkat no'n ang baho nating lahat lalo na kung sino ang totoong pumatay kay Sofia Collins. Malalaman niya rin ang totoong dahilan ba't pinakasalan ko siya. Tiyak malilintikan ako kay Christian. Kilala mo naman yun diba? Sipsip yun kay Amo. Maaagnas na akong tuluyan sa paningin ni Amo kapag nangyari yun."
"That scumbag," Franco scoffed. His face darkened. He even gritted his teeth and tightened his gripped on his glass. "Napakayabang ng tungaw na yun. Akala mo kung sinong magaling. Pinamumukha tayong inutil sa harapan ni Amo."
"Sinabi mo pa. That's why we need to do something--" natigilan ako ng mapadako ang paningin ko sa pintuan. "...who's there?!" malalaking hakbang kong nilapitan iyon at marahas na binuksan para lang manlaki ang mga mata sa aking nakita. "M-Misha?" kandautal na bulalas ko. She's talking with Franco's secretary.
"Sir pinigilan ko po siya--"
"Shut up!" angil ni Misha dito. Matamis niya akong nginitian. "Hi..." naglakad palapit sa akin, mahigpit akong niyakap at hinalikan sa labi. "Kumusta? Galing akong mansyon. Pinuntahan kita sa opisina kaso wala ka naman do'n. So naisip ko na baka magkasama kayo ni Franco so... Busy ka ba, babe?"
"K-Kanina ka pa ba?"
"Medyo. Nainip nga ako e. Busy masyado 'tong secretary ni Franco. Ang taray pa. Ayaw akong kausapin. Pinagtutulakan pa akong umuwi na lang kung hindi ako makapaghintay e mukhang may importante naman kayong pinag-uusapan ni Franco sa loob so," she shrugged her shoulder. "Aalis na sana ako e."
"Sure ka--I mean... what brought you here? Tsaka ba't ngayon ka lang nagpakita sa akin? Where have you been? Hindi ka man lang nag-alala sa anak mo. Gosh--anong klase ka bang ina, Misha?"
Marahas siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Bahagyang lumayo sa akin.
"Busy din ako sa tungkulin na iniatang sa aking mga balikat ni Amo, Bryce."
"So you're in a mission too? Dahil sa misyon kaya nakaya mo kaming tiisin ng anak mo ng ganun katagal? Subrang daming nangyari sa nakalipas na mga taon tapos..." inismiran ko siya. "Baka naman monkey business ang inaatupag--"
"Alam mo ang trabaho ko, Bryce." madiin na tonong sabad niya. "Walang pami-pamilya kay Amo. Kapag inutos niya, inutos niya. Alam mo ang mangyayari sa akin kapag sinalungat ko ang utos niya."
"Oh. . ." bahagya akong tumawa. "Yeah right... well--uhm... we're same. I had a mission too. Hinahanap ko si Evo Madrigal but I can't find him nowhere. Baka may alam ka? Pwede mo ba akong tulungan, babe?" hinapit ko ang kanyang bewang at niyakap ng mahigpit. "Gosh--I miss you damn much wifey." aniko habang hinahalikan ang tuktok ng kanyang ulo at pinupog ng halik sa mukha. "Na miss mo din ba ako, hmmm?"
She sighed. "Hinahanap ko rin siya. Pinapahanap sa akin ni Amo."
"Oh--wow. That's great. Sabihin mo sa akin agad--"
"May kinalaman ba kayo sa nangyari kay Scarlet at Gov?" sabad niya.
I frowned. "Bakit may nangyari ba sa kanila?"
"Parte kami ng organisasyon, Bryce. Kahit kailan hindi kami nagtraydor sa grupo. Alam mo yan."
"Wait--hindi ko yata nagugustustuhan yang tono mo."
"Hindi mo talaga magugustuhan ang gagawin ko oras ng malaman kong may kinalaman kayo sa pagtatangka sa buhay nila. Even Catleya tried to kill me!"
"What? Are you even serious?"
Seryoso niya akong tinitigan. I stared back at her without blinking my eyes. Lumampas ang tingin niya sa likuran ko saka nag-angat ng tingin sa akin.
"Anyways, naparito ako para sunduin ka. Pinapapunta tayo ni Amo sa Isla Quoral. Maraming dumating na kargamento. Will check the island too. Will stay there till the festival is over."
"What? NO! Ano naman ang gagawin ko sa Bicol? Tsaka isa pa ang dami kong--"
"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin."
"Sino ka ba sa tingin mo para utusan ako? Tsaka kararating mo lang tapos aalis ka na naman? Nawawalan ka na ng oras sa akin."
"Utos ni AMO. Kung may katanungan ka siya ang puntahan mo." muling lumampas ang tingin niya sa likuran ko. "Hihintayin kita sa baba." hinaplos ng kamay niya ang pisngi ko sabay siil ng halik sa akin. "Na miss din kita. Subra." sabay talikod.
Pagkapasok niya ng elevator nilapitan ko kaagad ang sekretarya ni Franco.
"Belle,"
"Yes Sir?"
"Kanina pa ba do'n sa labas ng pinto yung asawa ko?"
"Hindi po ako sigurado Sir. Busy kasi ako dito sa computer tsaka mga thirty minutes pa lang po siya dito, Sir. Sadyang mainipin lang po talaga yung asawa niyo."
"I see."
Iginala ko ang paningin sa paligid. I evily smirked when I saw the CCTV cam.
*****
THIRD PERSON's POV
MISHA
So totoo nga ang lahat?
Pilit kong tinatago ang panginginig ng aking buong katawan sa subrang takot. Halos gusto ko ng takbuhin ang elevator makalayo lang sa kanya pero kailangan kong kumalma para 'di niya mahalata.
I pressed the basement button.
Sumandal ako sa elevator wall. Marahan na minasahe ang sentido.
Nag-vibrate yung cellphone ko sa loob ng bag ko. Dali-dali ko iyon kinuha.
I saw Belle's text message. Kaagad ko iyon binuksan. Muntik na akong malagutan ng hininga sa mensahe nito. I delete it right away matapos kong mabasa.
My fingers almost shakin' when I dialed Evo's number. Kaagad iyon komunekta.
"Nakuha mo ba lahat?"
"Yep."
"Good. Umalis ka na diyan. Don't you dare leave any trace of you."
"Natuto na ako."
"'Wag kang magyabang t'ngna mo. Hanapin mo kaagad si Jeff Marco Del Carpio or kahit na sinong kaibigan niya. Sila lang ang mahihingian natin ng tulong. Bilisan mo and don't forget to delete the footage inside this elevator."
"Hindi mo pa sinasabi nagawa ko na. Nandito na ako sa basement kanina pa. Mauuna na ako sa inyo. Mag-iingat ka."
Binura ko lahat ng tawag at messages ni Evo sa phone ko.
Dumeritso ako sa kotse. Hapong-hapo na naupo sa unahan. Gusto kong bumunghalit ng iyak pero hindi ko magawa.
Pa'no nila nagawa ang lahat ng 'to sa akin?
Gigil na naikuyom ko ang kamao sa subrang galit na lumulukob sa aking buong katawan.
They're pure evil!
Wala silang kasing sama!
Matapos nila kaming pakinabangan basta na lang didispatsahin ng ganun-ganun na lang?!
Nasaan ang sinasabi ni Red Dragon na safety at protection kapag napabilang sa grupo nila?
Fuck them all! I loathe them all!
I growled with so much anger and frustrations.
I composed myself when I saw Bryce walking towards the car. Madilim ang mukha. Umiigting ang panga habang may kausap sa cellphone.
"f**k--damn it!" malakas niyang hinampas ang manibela pagkaupo sa driver seat.
Kunwari napaigtad ako sa gulat. "Something wrong, baby?"
Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako. "Nothing to your concern," aniya sabay paandar ng kotse.
Nasa kasagsagan na kami ng byahe ng maramdaman kong muli ang pag-vibrate ng phone sa loob bag ko.
Umusod ako palapit kay Bryce. Kunot-noong sinulyapan niya ako. Ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya at sumandal sa kanyang balikat. My right hand purposely landed on his thigh, inch apart from his groin. I felt his body stiffened. Marahan ko iyon hinaplos saka tumingin sa kanya.
"Babe... Pwede ba tayong sumaglit sa hotel? Yung lagi nating pinupuntahan no'ng kayo pa ni Kate?"
"B-Bakit?"
He cursed when I caress his. It started getting harder. I mentally smirked.
Mabilis niyang iniliko ang kotse at tinungo ang daan papuntang Angel Witch Hotel.
Nasa pasilyo pa lang kami papunta sa room nilalamutak niya na ako. Halos hindi mabitawan ang mga labi ko habang binubuksan ang pinto.
Tinulak ko siya papasok sa loob then locked the door. Tila hayok sa laman na nagsalpukan kaming dalawa. His lips savagely kissing me against the door frame, pinning me there. Dinuble ko ang pagtugon sa kanya.
The next thing I knew; he was wildly, aggressively thrusting in me. Both clothes still on. Basta niya na lang ibinaba ang pantalon at boxer niya. Yung dress ko itinaas niya lang, nasa kabilang hita ko pa yung panty ko.
I thought Monique satisfies his needs when I'm not around? Bakit tila uhaw na uhaw naman siya sa akin ngayon?
He groaned loudly. I moaned but felt guilty. Nakokonsensya ako sa lahat ng ginawa ko kay Aishleen Kate. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya bago man lang ako mamatay. Bago nila ako patayin. But how?
If only I could turn back time.
If only I knew where she is.
Oh I wish she's safe and still alive.
Sana nagawa na ni Evo ang plano bago pa matapos 'tong ginagawa namin ni Bryce.
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023