Accidentally In Love 22

2597 Words
THIRD PERSON's POV REYNALDO DEOGRACIAS "Kumusta yung lakad niyong dalawa, Fabio?" Kasalukuyan kaming nasa asotea ng kwarto ko, bandang likod ng bahay. Pinatay niya ang sindi ng hawak niyang sigarilyo sa astray. Dinampot ang baso ng alak at tinungo ang barandilya. Tumanaw sa malawak na karagatan habang sumisipsip sa kanyang baso. "As usual bantay sarado ang bawat daungan; papasok at palabas. Limang beses lang kami nakapuslit ni Atom pero wala naman kaming nakalap na mahalagang impormasyon." nilingon niya ako. "Kahit kailan ba talaga hindi mo pa nakakausap ng personal yang kinatatakutan niyong Amo, Uncle?" "Ilang beses mo na ba yan naitanong saakin?" he just shrugged his shoulder then sip on his glass. I sighed. "Sa nakalipas na mga taon ba hindi ka pa rin nagtitiwala sa akin?" "Hindi naman sa ganun. You just looked suspicious to me during that event in La-Shangri Royale. I even noted you in my mind. Tapos bigla ka pang nawala no'ng gabing yun." "I'm telling you the truth Fabio believe me. I was invited kaya nandun ako sa event na yun tsaka para na rin humingi ng tulong sayo. Naipaliwanag ko naman na sayo ang lahat dati pa diba? Never pumunta dito sa isla si Amo. Tanging ang mga utusan niya lang." "So, ano nga ba talaga ang totoong dahilan kung bakit pinaalis ka sa Poblacion?" "Hindi ko nga alam diba? Bakit masyado ka na naman yatang matanong ngayon ha?" "Naiinip na ako dito sa isla. Wala man lang dumarating na tulong sa atin." aburidong tinungga niya ang laman sa baso saka muling humakbang palapit sa mesa at nagsalin ng panibago. "Ayokong maniwala sa balita na patay na nga ang kaibigan ko at mga tauhan niya. Masamang damo ang mga yun pero sa nangyayari ngayon pakiramdam ko baka totoo nga or baka talagang kinalimutan na nila kami. Kahit si Dad hindi man lang ako hinanap. Sagad sa buto siguro yung galit niya sa akin para pabayaan niya ako." "Fabio," sabad ni Atom. "Mapanganib pasukin ang teritoryo na 'to ng walang solidong plano, Tol. Nakita mo naman diba? Bala ang sasalubong sa kanila at kung sakali mang makapasok sila dito fifty-fifty ang chances na makalabas dito ng buhay. Tsaka ngayon ka pa ba susuko? Maghintay lang tayo. Kunting tiis pa. May darating din na tulong." "Anong silbi ng ginagawa natin sa nakalipas na taon na wala namang improvement? Ano habambuhay na lang tayong maghihintay sa wala?" "Pwede ka naman umalis dito anytime--" "Really, Uncle? Iniisip mo na aalis ako dito ng basta-basta na lang ng 'di ko man lang nalalaman kung sino ang lintik na Amo na yan at kung saan siya nagtatago dito sa isla? Hindi ako ungrateful na tao. Tumatanaw ako ng utang na loob. Tsaka nagsakripisyo ako ng ilang taon na malayo sa asawa ko tapos mapupunta lang sa wala ang lahat ng yun? Uncle naman. Intindihin mo naman sana ang--" "Puro ka kasi reklamo, Fabio." "Hindi ako nagrereklamo, Uncle. Pinupunto ko lang sainyo na walang nangyayari sa ginagawa nating pagmamatyag lang sa kanila. Kailangan natin gumawa ng aksyon." "Anong gusto mong gawin ko? Sagupain natin sila? Gusto mong maubos ang nasasakupan ko, ganun ba?" He harshly released a deep breath. "Gusto kong puntahan namin ni Atom ang lugar--" "I told you its dangerous, Fabio!" naiinis na sigaw ko sa kanya. "Pinagbabawalan kita dahil ayokong mabuliyaso lahat ng plano natin, gets mo ba?" "Takot kasi ang pinapairal mo diyan sa dibdib mo." "Kung para sa sarili ko lang naman, honestly, kailanman hindi sumagi yang salitang yan sa utak ko. Pero hindi ako ganun, Fabio. Kapakanan at kaligtasan ng mamamayan na nasasakupan ko ang iniisip ko. At ayoko ding mapahamak ka." "I agree with you Mayor pero parang may punto rin si Fabio." singit ni Atom. "Walang nangyari sa atin sa nakalipas na mga taon. Malakas talaga ang kutob ko na may anomalyang nangyayari sa Poblacion kaya pinaalis ka doon sa Rest House. Tsaka sana kahit paisa-isa binabawasan natin sila. The more na nababawasan sila ng lihim, the more na magkakaroon tayo ng tyansang magapi sila." "Hindi yun ganun kadali. Siguradong mapapansin nila at ako ang mapag-iinitan." Hindi umimik ang dalawa. Malalim akong nagpakawala ng buntong-hininga. Inabot ko ang walang lamang baso at biglang napasalin ng alak. Kaagad ko iyon tinungga. "Wala man lang ba kayong nasagap sa White House no'ng pumunta kayo doon?" Pagak na tumawa si Atom. Inabot ang bote at sinalinan din ng alak ang kanyang basong wala ng laman. "Ni hindi nga kami pinapasok e. Kailangan pang itawag kay Amo kaya umalis na lang kami ni Fabio. Siguro kung hindi 'to mukhang ermitanyo si Fabio baka nakilala na. Nagduda pa nga yung isang tauhan na pamangkin mo 'to e. Sarap upakan. Napapaisip tuloy ako na baka nasa White House nga si Amo." "Deputa... tiyak may alipores na naman ni Amo ang bibisita niyan dito--" Sunod-sunod na katok sa pinto ang nagpatigil saamin. Pumasok ang katiwala kong si Jess. "Excuse me po Mayor; nasa baba po si Stewart--" "Sisay?!" (Sino?!) "Si Jollibee. So bida-bida na feeling entitled na tuta ni Amo." "Hindi pa nga ako tapos magsalita na deputa nandito na agad!" bulalas ko. "Hindi ka niya pwedeng makita Fabio." binalingan ko si Atom. "Sumibat na kayo. Dumaan kayo sa secret passage." "Kailan ko pwedeng makita ang asawa ko, Uncle?" "Sa fiesta--umalis na kayo. Daliaan niyo na! Walang pasintabi iyon dito sa bahay basta na lang pumapasok!" Halos itulak ko si Fabio papasok sa loob ng kabilang kwarto na tila ba tamad na tamad ihakbang ang mga paa. Nakakainis na but I can't blame him. Kahit ako naiinip na rin maghintay kung kailan mapapalayas dito sa isla ang grupo ni Amo. Marami na sa nasasakupan kong walang awang pinagpapatay nila. Nape-pressure na rin ako sa mga nakikita't nababalitaan ko but what can I do? Tagilid kami. Mas makapangyarihan sila. Kung papalag ako siguradong ubos kaming lahat. Ni-lock ko ang kwarto bago lumabas bitbit ang bote ng alak at baso. "Mayor..." Nakakairitang mukha ni Stewart ang nalingunan ko sa hagdanan. Parang tambutso ang bibig sa usok ng sigarilyo. Tila pa hari na naglakad palapit sa akin. Walang ekspresyon ang mukhang tinapunan ko ito ng tingin. Sumimsim ng alak sa aking baso at humakbang papunta sa teresa. Nilapag ko sa ibabaw ng mesa ang bote. "Long time no see. Nagdagdag ka yatang bagong tauhan ah. Hindi ako kilala. Kung hindi ko pa tinutukan ng baril hindi pa ako papapasukin." "What brought you here, Stewart--" "BOSS STEWART," pagtatama nito. "I'm ahead of you so you better call me Boss, Mayor. Hanggang ba naman ngayon hindi ka pa rin nasasanay?" "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Kinabahan ako ng magpalinga-linga ito sa paligid at huminto ang mga mata sa pinto ng kwartong nilabasan ko kanina. "Where's your nephew? Gusto ko siyang makilala." "Pinapunta ko sa minahan." Nakalimutan kong huminga ng mahagip ng mata ko si Fabio na nakasilip sa gilid ng pader. Saan dumaan ang boang na yun--t'ngna! Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata pero 'di man lang natinag. Ngali-ngaling batuhin ko ng hawak kong baso sa katigasan ng ulo niya--deputa! Nagbuga ng usok paitaas si Stewart. "Nahanap niyo ba yung pinapahanap sa inyo?" Umiling ako. "Wala si Miss Altamonte dito sa isla. Pinasuyod ko na ang mga islang posibleng pagtaguan niya pero wala. Baka naman patay na?" "Kita sa CCTV na may tumulong sa kanya but it wasn't Joe Ryan Aragon. Nakatakas sila sabi ng mga bantay na humabol sa kanila doon sa tulay." muli itong humithit ng sigarilyo at nagbuga ng makapal na usok. Lumayo ako sa kanya na ikinangisi nito. Haragan na naupo ito sa upuan doon at itinaas pa ang dalawang paa sa ibabaw ng mesa. "Wala din siya sa mansyon ng mga Altamonte. In short she's still missing. Nandito pa rin ang mga yun sa isla dahil bantay sarado ang exit route." "Akala ko ba mag-asawa ang Aragon na yun at si Miss Altamonte? Yun ang nakaabot sa akin na balita. So malamang yung asawa nagligtas." "Yun din ang akala namin pero iba yung lumabas sa imbestigasyon." "You mean--" "Lumuwas ng bansa si Aragon mismo ng gabing dinukot si Miss Altamonte. Kasalukuyan siyang nasa Italia ngayon may kasamang hot chekababes. Actually iba-iba ang mga babae niya sa bawat bansang pinupuntahan niya." Tumango-tango ako. "Hmmmm... Kaya ka ba napasugod dito para lang ibalita yan sa akin? Personal ka pa talagang pumunta dito ah. Ang effort mo naman masyado, Boss Stewart." "Ofcourse not. Naparito ako dahil gusto kong malaman kung anong ginagawa nina Atom at ng pamangkin mo sa White House? Alam mong mahigpit na ipinagbabawal pumunta doon ang mga taga rito sa isla diba? Even you were extremely prohibited to go there, Mayor. At isa pa; how ironic na umuwi dito sa isla ang pamangkin mo lalo pa't wala na sayo ang kapangyarihan sa buong isla. Hindi man lang ba siya na inform na wala ka na sa posisyon, Mayor?" I gulped... hard then scoffed. "FYI Mayor pa rin ako at may katungkulan na pinapagawa si Amo. At inutusan ko talaga si Atom na iikot dito sa isla ang pamangkin ko para makilala siya ng ibang mga tauhan ni Amo. May masama ba kung napadaan sila doon, BOSS Stewart?" iwas ko sa mapanuring tanong nito. Muli itong humithit ng sigarilyo habang nakatitig sa akin ang mala agilang mga mata saka dinikdik ang upos sa astray. Tumayo at naglakad palapit sa akin. Napapikit ako ng ibuga nito sa akin ang usok. Todo ang pagpipigil ko sa sarili na 'wag itong bigwasan ng kamao sa mukha. "Walang masama..." nilapit nito ang mukha sa akin. "...sa ngayon. Pero oras na malaman kong may ginagawa kayong kabulastugan sa likod namin..." he t'sked while shaking his head. "Asahan mo na ang dapat mong asahan, Mayor. Idadamay ko lahat ng nasasakupan mo. Mapa bata man o matanda. Sisimulan ko sa mga kadalagahan niyo." ***** FABIO/RYAN Hatak-hatak ng mahigpit ni Atom ang braso ko. Paulit-ulit ko iyon piniksi pero ayaw niya akong pakawalan. Ang bilis pa ng lakad niya na para bang may humahabol saamin na kabayo. "Ano ba, Atom!" angil ko. "Let go my arm, will you?" Pabalang niya iyon binitawan. Galit na hinarap ako. "Napakatigas talaga ng ulo mo e no." "Kilala ko nga ang Stewart na yun!" "O e ano naman? Gusto mong makipagbiso-biso sa kanya kasi magkakilala kayo o di bumalik ka na doon ng makita mo ang hinahanap mo!" asik niya with matching turo pa ng kamay sa dinaanan namin na makitid na pasilyo. "T'ngna naman, Atom. Narinig mo naman siguro yung sinabi niya diba?" "Alam mo sa sarili mo na mali ang lahat ng yun!" "Exactly my point! Kumikilos ang mga kaibigan ko! Hinahanap nila kami and I'm very sure na alam na nila kung nasaan ang White House. Doon ko iniwan yung tracking device, remember?" Natitigilang napatitig siya sa akin. "You mean--" "Yes!" agap ko. "That's why we need to do something too, Atom. Kailangan nating malaman kung saan ang kahinaan nila. Yun ang dapat nating puntiryahin." "Don't tell me susuwayin--" "Do we have a choice?" sabad ko sa kanya. He cursed. "Look Atom... kung hindi tayo kikilos ngayon kailan pa? Sooner or later mabubuking nila ang sekreto ko, nating lahat. Aantayin mo pa bang mangyari yun? Tsaka isa pa hindi naman malalaman ni Mayor na sinuway natin ang utos niya kung hindi ka magsasalita." Hindi siya umimik sa sinabi ko. Frustrated na napahilamos naman ako ng kamay sa mukha. "Ano? I need your decision now. Kung ayaw mo bahala ka. Susugod pa rin akong mag-isa doon sa Poblacion. Aalamin ko kung ano ang tinatago nila doon. Malay mo doon pala nagtatago si Amo or si Red dragon kaya masyado silang naghihigpit." "T'ngna naman, Fabio--" Tinalikuran ko siya pero mabilis niyang hinablot ang damit ko. Nakangising napabalik ako sa harapan niya. "Ano? Tara?" "Damn you!" Maingat naming nilisan ang lugar. Sakay ng bangkang de motor pumunta kami sa Barangay Cabana. Kaagad kong ni-radyohan si Otoy kaya nandun na ito pagdating namin sa daungan. "Nasa kanya-kanya ng pwesto yung mga kasamahan natin." tinuro nito ang isang speed boat 'di kalayuan. "Yun ang gamitin niyo para mas mabilis pero sa Barangay Maharlika kayo bumaba. Sa bundok kayo dumaan papuntang Poblacion. May mga tao ng naghihintay doon sa inyo." "Good. May nakuha ba kayo sa barko?" "Marami. Na-secure na lahat nina Obet. Marami ding mga kargamentong dumating sa Isla Quoral kahapon. Nakapuslit kami ng ilan." "Kumusta yung asawa ko?" "Ayon maganda pa rin--" "Seryoso ako, Otoy." He chuckled. "Possessive." I released a pissed groaned. Pinagtawanan nila akong dalawa. "Baka gusto mong ibaon kita ng buhay diyan sa kinatatayuan mo, Toy?" "Grabe... 'di ka na mabiro." "Kumusta nga siya?" angil ko. "Hinahanap niya ba ako sayo?" umiling ito na ikinainis ko lalo. "f**k--hindi man lang siya nag-aalala sa akin?" Nagkibit-balikat ito. "Mukhang nalilibang naman siya sa ginagawa niya. Pinagkakaguluhan siya doon na tila ba hindi kumukupas ang karisma ng asawa mo. Habang tumatagal lalong dumadami ang suki niya." Pakiramdam ko lumalagablab na ng apoy ang buong katawan ko sa subrang galit at selos. How dare--sh*t! Binubuwis ko ang buhay ko para sa kanya tapos nakikipaglandian siya sa ibang lalaki? Attention seeker ba talaga siya? Kulang sa pansin--t'ngna. Mapapahamak kami sa ginagawa niya! "Hoy..." napaatras ako ng itulak ako sa braso ni Otoy. Nanlilisik ang mga matang tinitigan ko ito. "Whoa! Galit ka na niyan--deputa!" bulalas nito ng haklitin ko ang kwelyo ng kanyang damit. "Diba pinapabantayan ko siya sayo?" halos hindi bumuka ang labing tanong ko. "Bakit hinahayaan mong lapitan siya ng mga kalalakihan ha?" "Fabio," Boses ni Tom pero 'di ko siya pinansin. Galit na nakatitig pa rin ako kay Otoy na namumutla na. Humigpit lalo ang kamay ko sa kanyang kwelyo. Binaklas iyon ni Tom. Bahagya pa akong tinulak. Pareho kaming napaatras palayo sa isa't isa ni Otoy. "Tara na Fabio," Matalim kong tinitigan si Otoy. Tumayo sa gitna si Tom at tinitigan din ako ng masama. I stared back at him murderously. "Nasisiraan ka na ba ng bait?" "Tinatanong mo pa talaga ako niyan?" Nakatawang nagbuga ng hangin si Tom. Napakamot pa sa ulo. Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin saamin ni Otoy na pilyo na ang ngisi sa akin. Gigil na dinuro ko sila. "Alam niyo... napipika na ako sa inyong dalawa ah." Nakakalukong tinawanan ako ni Otoy. "Deputa... akala ko makakatikim na ako ng kamao mo Fabio. Kinilabutan ako promise." Akmang susungaban ko itong muli ng harangan ako ni Tom sabay tulak sa'kin. "Tara na sabi. Masyado kang bayolente." Otoy laughed again. Tinitigan ko ito ng masama na ikinatawa nito lalo. "Don't you dare pick on me Otoy. Wawasakin ko talaga yang mukha mo" "f**k--seriously?" Hinawi ko si Atom pero mabilis nitong nahablot ang braso ko. "Otoy tumigil ka na nga!" singhal ni Tom. "Nakita mo na ngang mainit ang ulo inaasar mo pa talaga e." Nakangisi pa rin na nagtaas ito ng dalawang kamay. "Sorry Tol. Na miss ko lang kayo," then grinned again. "Anyways, hinahanap ka sa'kin ng asawa mo. Halos maya't maya nga e. Miss na miss ka na daw niya." Inis na dinuro ko ito. "Ikaw, wag mo akong pinaglululuko ah." "Oh... kanina halos gusto mo akong umbagin sa subrang galit sa sinabi ko tapos ngayon galit ka pa rin? Saan ako lulugar?" "Tutuloy pa ba tayo o hindi na? sabad ni Tom. "Parang gusto niyong dalawa mag-away na lang e. Sige suntukan na lang kayo." Sinundan ko siya ng tingin ng humakbang palayo saamin at naupo sa batuhan. "Nakita ko kanina sa pier ng isla Quoral sina Bryce Morales at yung asawa niya... si Misha." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD