Accidentally In Love 23

2632 Words
KATYA/ AISHLEEN "Hi Kat. Gari nagpaparagayon ka baga." (Parang gumaganda ka lalo a.) bati sa'kin ni Burnok. Isa sa mga trabahador na gumagawa ng kalsada. It's been a couple of years since we got here... isla Quoral. Lugar kung saan nakatira ang mga magulang ni Atom na sina Tiyang Luz at Tiyo Emer. Lugar kung saan ako nagtatago ngunit hindi pa rin sigurado na ligtas na nga ako dahil kuta ito ng mga kalaban. Sa mga nakalipas na taon ramdam ko at danas ko ang kamay na bakal na pamamalakad dito sa isla ni Amo. Subrang lupit nila. Walang awa. Maling galaw may karampatang parusa. Hindi pa rin kami sigurado kung si Amo at Red dragon ay iisa lalo't magpahanggang ngayon hindi pa rin nagpapakita sa akin ang asawa ko. Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Atom. But Otoy assured me that my husband is safe and in good hands. Wala itong sinasabi sa akin maliban sa magtiwala lang ako at gumagawa silang paraan para mapatalsik ang grupo ni Amo sa lugar na 'to. Although minsan nawawalan na akong pag-asa na mahanap pa ako ng pamilya ko pero. . . I trust my husband. I trust Ryan. I trust him. Naniniwala akong babalikan niya ako. Nangako siya sa akin at iyon ang pinanghahawakan ko. Makakaalis kami dito sa lugar na 'to ng ligtas at tutulungan niya rin ang mga ito. Ang mga taong kumupkop sa akin, saamin ng asawa ko ng walang alinlangan kahit pa buhay nila ang kapalit sa pagtulong nila saamin. Pakunswelo na sa akin ang kabutihan loob ng mga taong nakapaligid sa akin lalong-lalo na ang mag-asawang Buenavista. They gave me hope. Pag-asa na isang araw makakabalik din ako sa pamilya ko, makakarga at mayayakap ko rin ang anak ko, ang anak namin ni Ryan. At babalik din ang dati nilang buhay sa dati; masaya, tahimik, at may kalayaan. "Diskartehang maray Padi ngani makahigop lamang ki sabaw!" (Diskartehan mong maigi Pare para makahigop tayo ng sabaw.) "Tagalogin mo ng maintindihan ka, Padi!" Malakas silang naghagalpakan ng tawa. Kasalukuyan silang nakatambay sa harapan ng tindahan ko. Di kalakihan na kubo na ginawa ni Tiyo Emer kung saan ako nagluluto ng pagkain; agahan, tanghalian at meryenda. Katulong ko si Catherine na kapitbahay namin. Humahalili siya sa akin kapag umuuwi ako ng bahay nina Tiyang Luz sa tuwing nauubusan kami at pinapakyaw ng mga trabahador ang lahat ng paninda. Mga nagtatrabaho sa kalsada at minahan ang mga suki ko. Pinapautang ko rin kaya mabilis maubos ang mga paninda ko. Linggohan naman sila nagbabayad. Yung mga misis ng mga trabahador na makunat magbayad si Tiyang Luz naniningil. "Pumurundo baya kamo! Dae pati ako tatao magtagalog mabisto lugod kita kaini ni Kat na patal kita." (Magsitigil nga kayo! Hindi pa naman ako marunong magtagalog mabisto pa tuloy ako ni Kat na bobo pala ako.) "Hindi nga ba totoo, Nok?" kantiyaw ko. "Kaya ka nga inabot ng trenta e. Puro ka lang palipad hangin." Hagalpakan ulit sila ng tawa sa sinabi ko. Napakamot naman sa ulo si Burnok, namumula ang mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa init ng araw o sa sinabi ko. Pwede rin both. His aura were different among them all. Marami itong tattoo kaya nagmumukha lalong tigasin. Mahangin din madalas. Medyo bastos. Pero napapansin ko minsan iba ang galaw ng kanyang mga mata, pati kilos nito nakakapanghinala. Makailang ulit ko rin itong nahuhuling nakatitig sa aking mukha. Tinatanong ko kung bakit pero nginingitian lang ako nito sabay banat ng kalukuhan. "Grabe siya sa akin o. Hindi mo man lang kinutsara. Tininidor mo pa talaga ako." Natawa ako sa biglang tagalog nito. Humalo sa lakas ng hagalpakan ng tawa ng kanyang mga kasamahan. Walang palyang inasar sa akin. Nasanay na lang ako sa tagal ng panahon na pananatili ko sa isla na 'to. "Alam niyo kursunada ng pamangkin ni Mayor 'tong si Kat kaya tigilan niyo na 'tong bessy ko." sabad ni Cath. "Big time yun. Wala kayong binatbat do'n." "Sino? Si Fabio?" tanong ni Rammel. "Omsim!" "E torpe naman yun." "Mukha pa kamong ermitanyo." "Amoy albatros pa!" "Naku ang pangit no'n Kat. 'Wag ka dun." "Tama. Mas gwapo ako du'n. Akin ka na lang." "Sus... estoryahe!" sabad ni Cath sa kanila. Hagalpakan ulit sila ng tawa. "Di nga... seryosong usapan Kat, maraming babaeng nanliligaw kay Fabio. Mga anak pa ng Kapitan." "Di lang yun, yung iba may lahi pa. Super hot." "Totoo... kaya super red flag talaga." "Paiiyakin ka lang no'n Katya." "Weee sinong may sabi?" sabad ulit ni Catherine. "Naninira lang kayo e." "Ito... ayaw maniwala." "Hindi talaga. Mabait yun si Fabio. Balita ko nga no'ng dumating siya dito last year saka lang natigil yung nagsisiwalaan na mga kadalagahan sa ibang karatig na isla." nagpalinga-linga sa paligid si Cath saka dumukwang sa grupo nina Burnok. "Si Fabio daw yung dumadali do'n sa mga tauhan ni Amo na manyakol at rapist," mahinang sabi nito. Napatayo si Burnok sa kanyang kinauupuan. Napakunot-noo ako sa naging reaksyon nito. He even looked tense and. . . shock? I'm not sure but I guess he knows about what Catherine said. "Seryoso?" "Kanino mo narinig?" "Ba't 'di namin nabalitaan 'yan?" "Baka naman kwentong barbero lang 'yan Catherine. Mayayari ka niyan kay Mayor kapag umabot yang tsismis na yan kay Amo." "Kung etsitsismis niyo ako OO. Aabot talaga. Tsaka hindi ko alam kung totoo talaga pero yun ang narinig kong usapan do'n sa bahay nina Tiyo Melchor kagabi. Pumunta pa nga daw ng White House e. Diba atapang alalaki? Ang tagal niyang nawala dito tapos pag-uwi rumesbak kaagad. Kinikilig tuloy akong makita siya ulit. Tiyak gumwapo yun lalo." "Pssst--tigilan niyo na nga yan." sabad ko. "Mamaya niyan may magsumbong dito sa mga tauhan ni Amo yari tayong lahat." "Oyy--atin-atin lang yun a. Hindi na kayo makakautang pa dito kapag kumalat yun sa iba." banta pa ni Cath. Nagbulungan sila. Nag-usap-usap sa kanilang lengwahe. Kinabahan ako ng pasimpleng lumayo sina Burnok, Jed at Jojo. Nanigarilyo pero alam kong nag-uusap-usap silang tatlo. Pasulyap-sulyap pa saamin. Literal sa akin. Natigil lang sila ng dumating si Otoy sakay ng motorsiklo. Hindi na ako nagulat ng magkanya-kanya silang pulasan. May parang tangang napatakbo pa habang kumakain bitbit ang... "Hoy! Boy Lado! Yung kutsara't plato ko!" habol na sigaw ko. "Ibalik ko na lang mamaya!" balik sigaw nito. "'Di pa ako tapos kumain e!" "Sigaraduhin mo lang ha! Lima na yung tinakbo mo. Hanggang ngayon hindi mo pa rin sinusuli!" siniko ko si Cath ng humakbang palapit sa pwesto namin si Otoy matapos iparada ang motor sa gilid ng kalsada. "Yung crush mo nakasimangot na naman." "Shhhh--magiging asawa ko yan." I chuckled. "Ayaw mo na kay Fabio?" "Nagbago na isip ko. Mukhang ermitanyo na daw e. Baka mas mahaba pa balbas no'n kaysa sa buhok ko sa baba." Malakas ko siyang hinampas sa braso sabay hagalpak ng tawa. "May tira pa bang ulam?" walang ekspresyon ang mukhang tanong ni Otoy pagkahinto sa harapan namin. Nakatingin sa akin. Akma akong magsasalita ng hawiin ako ni Cath. Napaatras ako papuntang likuran niya. "Caldereta at Bicol express na lang mahal," maarteng wika niya. "Mahal?" "Oo mahal," tinuro niya ang dalawang putaheng tira. "Mahal yang dalawang yan kaya yung specialty ko na lang ang bilhin mo." "Specialty?" tiningnan ako ni Otoy. "May specialty na pala kayong putahe ngayon?" "Ah--" "Meron!" agap ni Cath. "Spicy garlic buttered tahong ala Catherine. Super hot mahal--este hindi mahal. Kumakain ka ba no'n? Baka gusto mong tikman? Libre na lang para sayo." Tinitigan nito ng matagal si Cath saka tumango. "Pwede patingin?" "Oh--sure. Ngayon na ba?" "Oo," "Dine in or take me home? Sabihin mo lang. Hihimlay ako kaagad diyan sa ibabaw ng mesa." "Ha?" "Sabi ko ipapakuha ko muna kay Kat yung specialty namin. Maupo ka muna." binalingan niya ako. "Pakikuha no'ng niluto--" "Siraulo--wala tayo niyang sinasabi mo. Saan ako kukuha?" pabulong na angil ko sa kanya. "Isipin mo na lang meron. Umuwi ka na muna sa inyo. Tagalan mo. Tapos pagbalik mo dito sabihin mo inubos na ng kapitbahay niyo," bulong niya sabay tulak sa akin. Pinanlakihan ako ng mga mata. "Damihan mo ha." Pinamewangan ko siya. "Ikaw na lang kaya kumuha?" "Mas mabilis yung takbo mo kaysa sa akin e. Uwi na. Dalian mo." "Siraulo ka talaga," nakatawang binalingan ko si Otoy na salubong ang mga kilay na nagpapalipat-lipat ang tingin saaming dalawa. "Ok lang ba sayong maghintay?" Nagkibit-balikat ito saka naupo doon sa upuan na yare sa kawayan. "Ok lang naman. Basta siguraduhin niyong sulit yung paghihintay ko ah." "Ayy naku sulit na sulit talaga," nakatawang sabad ni Cath sabay taboy sa akin. "Sige na. Bilisan mo. Double time." Umiiling na tinalikuran ko sila. Dumaan ako sa shortcut pauwi sa bahay. Malayo-layo na ang nilakad ko ng matigilan ako sa nalingunan ko sa kabilang kalsada. Nahigit ko ang aking hininga kasabay ng panlalaki ng aking mga mata at malakas na sipa sa aking dibdib. Anong ginagawa nila dito sa isla? Napatakbo ako ng wala sa oras sa puno ng niyog at nagtago. Sinundan ng tingin ang motorsiklo na kinalulunaran nina Bryce at Misha. Huminto iyon mismo sa tapat ng tindahan ko--shet! Bumaba si Misha. Nilapitan sina Otoy at Cath. Tumingin sa pagkain saka nilingon si Bryce. Iwan kung ano sinabi. Sa itsura nila parang kakain doon dahil bumaba din ng motorsiklo si Bryce. Nilapitan si Misha at naupo sa kawayang upuan sa harap ng mesa na yari sa tabla. Halos mataranta naman si Cath sa pag-asikaso sa dalawa. Si Otoy tumayo sa kinauupuan. May dinukot sa bulsa saka nagsindi. Lumipad ang tingin papunta sa akin ng magbuga ng usok matapos humihit sa hawak na sigarilyo. "Jesus Christ," anas ko sabay pihit paalis. Halos liparin ko ang daan pauwi sa bahay. Sa pagmamadali ko natapilok pa ako kahit wala namang takong yung tsinelas ko. Ang masaklap naputol pa. Nanginginig ang mga daliri sa kamay na dinampot ko iyon sabay karipas ng takbo. Ngunit kaagad din akong napahinto pagdating ko sa unahan ng matanaw ko ang nagkalat na mga tauhan ni Amo sa kalsada. Some of their faces were not familiar to me. Lalo na yung mga naglalabas-masok sa. . . I gulped. Linukuban ako ng kakaibang kaba sa dibdib sa aking nakita. Nagbabahay-bahay ang mga bagong dating! What do I do? Saan ako magtatago? Hindi nila ako pwedeng makita! Tumalikod ako. Lumihis ng ibang daan. Kung saan ako pupunta... hindi ko alam. "Katya!" Mariin akong napapikit ng makilala ko ang boses ng tumawag sa akin. Paglingon ko nakangising mukha ni Boy Lado ang natanaw ko. Kumakaway pa sa akin. Kaagad akong tumalikod ng magsitanawan din sa gawi ko ang mga kalalakihan. "Hooy Katya! Hinatod ko na sa harong nindo so mga kutsara tsaka plato!" (Hinatid ko na sa bahay niyo yung mga kutsara't plato) habol na sigaw nito pero di ko ito pinansin. Deritso lang ang lakad ko. "Grabe beast mode yarrn? Sain ka baya maduman?" (Saan ba punta mo?) "Sa pier! Mahanap ki tahong!" Lumusot ako sa bakuran ng bawat mga bahay. Halos lahat nagsara ng mga bintana't pintuan. Lalo akong linukuban ng takot. Dumaan ako sa likuran. Lakad takbo ako habang nagpapalinga-linga sa paligid. "Katya--" "Ayy--Pusang gala!" tili ko sabay sipa sa lalaking humawak sa braso ko. "F--ck!" Napangiwi ako ng makita ko ang itsura ni Burnok. Pain were visible on his face while holding his. . . "Naku--sorry... ba't ka kasi nanggugulat e alam mo namang magugulatin talaga ako. Yan tuloy," "Ako pa talaga ang sinisi mo--puta ang sakit," "Nabiyak ba?" "T'ngna..." "Ano ba kasing ginagawa mo dito? Sinusundan--ah--" Napasunod ako ng hakbang sa taong humablot sa braso ko. "Hey! Saan mo dadalhin si Katya?!" habol na tanong ni Burnok pero hindi ito pinansin ng babaeng kumakaladkad sa akin. Malakas kong piniksi ang braso ko pero tila bakal na humigpit ang kamay nito doon. Huminto ako sa paghakbang, nakipaghilahan sa kanya. Nanlaki ang aking mga mata ng lingunin ako nito. Siya iyong babaeng nasa yankee bar na nagbigay sa akin noon ng pulutan na sisig! "I-Ikaw..." bulalas ko. "A-Anong ginagawa mo dito? Tauhan ka ba ni Amo?" "NO." aniya sabay takbo. Hatak-hatak ang braso ko kaya napasunod ako sa kanya. Ilang likod ng bahay ang dinaanan namin. Pagdating sa unahan kaagad din kaming napahinto ng matanaw namin ang mga kalalakihan doon sabay takbo pabalik. Nagpalinga-linga sa paligid kung may tao sabay liko papunta sa kabilang kalsada. Nakalimutang kong huminga ng matanaw ko ang batalyon ng mga kalalakihan na naglalakad habang naninigarilyo. Mabilis kong hinatak ang braso niya at nagtago sa pader. "Anong ginagawa mo?" pabulong na asik niya. "Nababaliw ka na ba?" balik asik ko sabay turo sa mga kalalakihan. "Makikita nila ako!" "Makikita ka talaga nila kung mananatili ka dito," tinuro niya ang kaliwang daan. "Tapos na sila mag-inspection doon kaya dito tayo dadaan." "Saan tayo pupunta?" "Basta," aniya sabay hatak ulit sa akin. Patakbo kaming tumawid sa kabilang kalsada. Ngali-ngaling tadyakan ko siya ng bigla niya akong itulak. Sabay kaming bumagsak sa damuhan; ako padapa, siya nakatihaya. "Ok ka lang?" "Mukha ba akong OK?" nakasimangot na tanong ko. "Nakita kaya tayo? Nakita kong may lumingon e." "Kung 'di kita itinulak malamang nakita nila tayo." She smirked then grab my arm again. "Teka--sandali!" "Bilisan mo--t'ngna." Hindi ako magkandaugaga sa paghabol sa kanya. Maliit lang ang parte ng lupang tinatakbuhan namin. Isang maling hakbang surebol na kanal ang sasalo sa akin. Daan iyon papunta sa bundok. Magubat pero mayroon pa rin akong natatanaw na mangilan-ngilan na bahay. "Sigurado kang may kulang?" baritonong boses ng lalaki. "Dalawang kahon, Engineer." sagot ng isa pang lalaki. "Isang daan daw kasi yun lahat sabi ni Boss Stewart." Nataranta kaming dalawa maghanap ng mapagtataguan ng makita namin ang limang lalaking naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. Tumakbo siya papunta sa kaliwa, ako naman tinungo ko ang kanan kaya parang tangang naghilahan kami dahil hatak-hatak niya pa rin ang braso ko. Pinanlakihan ko siya ng aking mga mata. "Dito," "Hindi. Dito tayo--" "Dito sabi," aniko sabay hatak ng malakas sa kanya. Napasubsob siya sa akin. Hindi ko kinaya yung impact kaya pareho kaming nawalan ng balanse at bumagsak. Hindi ko alam na malalim na kanal pala iyon na natabunan na ng mga damo kaya halos lumuwa ang aming mga mata ng bumulusok kami pababa. Nauna ang ulo. Parehong nakataas ang dalawang paa. Yung kamay niya mahigpit pang nakakapit sa bra ko. Inis na binaklas ko iyon sabay tulak sa mukha niya palayo sa akin. "Aww--" "Shhh--itikom mo yang bibig mo." pabulong na angil ko. "E ba't ka kasi nanunulak?!" "Bastos yang kamay mo. Ang daming pwedeng kapitan sa bra ko pa talaga?" "Mas prinoblema mo pa talaga yang bra mo kaysa sa itsura nating dalawa?" Napatingin ako sa nakataas kong mga paa saka binalingan siya. Nakatingin din siya sa kanyang mga paa. Nagkatitigan kaming dalawa pagbaling niya sa akin sabay tawa habang nakatakip ang kamay sa bibig. Hinampas niya ako. Hinampas ko rin siya. Patuloy na pinagtawanan ang itsura naming dalawa. "Nasabi niyo na ba kay Stewart?" "Na-radyo na, Engineer. Nandun siya ngayon sa bahay ni Mayor." "Totoo bang last year lang dumating dito sa isla si Fabio?" "Oo daw," "Ok. Sige na. Ako ng bahala maghanap sa mga nawawalang kargamento baka na-misplace lang. Check niyo rin sa kabilang isla. Baka dun naibaba." "Sige, Engineer. Tara." Narinig ko ang papalayong mga yabag. Gumapang ako sa ilalim ng damuhan, hinawi iyon saka sinilip ang mga ito. Tatlong lalaki lang ang natanaw ko. "Anong gagawin natin, Engineer? Baka mabuko tayo. Todas tayo nitong lahat." "Will you just calm down?" angil nito sabay mura. "Ang tigas kasi ng ulo niyo e. Pero di bale gagawa ako ng paraan para mapagtakpan yung dalawang naipuslit." Nagkatinginan kaming dalawa sa narinig. "Kailangan mong puntahan sina Fabio. Balaan mo sila. Hahanapin ko si Otoy. Sige na. Umalis ka na. Mag-iingat ka." ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD