Accidentally In Love 24

2491 Words
FABIO/RYAN Tumalon ako sa baybayin pagdaong namin sa Brgy Maharlika. Sumunod si Atom. "E secure nyo yang speedboat." wika ni Ayan sa dalawang kasama na kaagad tumalima. Mga katiwala sila ni Uncle. "Fabio, Atom..." baling nito saamin saka nagsenyas na sumunod sa kanya. Binaybay namin ang masukal na mga bakawan. Tumawid sa 'di kailaliman na tubig dagat papunta sa mataas na bundok na kumukonekta papunta sa Poblacion. "Pinauna ko na yung iba kanina." wika ni Ayan. "Ini-install na rin yung mga patibong at bomba sa bundok kaso may problema tayo." "Anong problema?" "Mukhang ikaw Fabio ang pinaghihinalaan nilang may gawa sa mga natagpuang bangkay na tauhan ni Amo." "Ano? Bakit ako?" "No'ng nagpakita ka doon sa White House yun din mismo yong araw na nadiskubre nila ang tungkol doon. Nag-imbestiga sila pero walang sapat na ebidensya na ikaw nga ang may gawa. But you see? Sumugod sa bahay ni Mayor si Stewart." "Wala akong kinalaman diyan sa sinasabi mo. Kahit tanungin mo pa si Atom. Magkasama kaming dalawa kahit saan ako magpunta." "I know." huminto ito sa paghakbang saka hinarap kami. "Isa lang ibig sabihin no'n... may lihim din na kumikilos at sinusuway ang mga utos ni Mayor." "O e that's good news--" "Hindi," sabad ni Atom sa akin. Kunot-noong tiningnan ko siya. "Delikadong mabunyag ang sekreto mo Fabio. Kung sino man ang taong may gawa no'n hindi nag-iingat at nilalagay tayong lahat sa alanganin." "NO." sunod-sunod akong umiling. "Sa tingin ko may mas malalim pang dahilan ba't napasugod doon si Stewart. Napapaisip ako ba't gusto niyang makita si Fabio. At sigurado akong may kinalaman din ang mga bangkay na yun sa mga kadalagahan na nagsiwalaan sa mga karatig na isla. Which is good news dahil nababawasan din sila. But we need to find those girls kung saan nila dinala; kung buhay pa ba or what. Kailangan nating puntahan ang mga lugar na pinagbabawal ni Uncle na puntahan. Tiyak doon natin makukuha ang mga sagot." tinapik ko sa balikat si Ayan. "Lets move." Masukal ang kagubatan. Nagkalat ang mga kasamahan namin na busy sa ginagawa. Nagta-thumbs up sign sila kapag napapatingin sa gawi namin. Paglabas namin ng kagubatan may 'di kalakihan na kalsada doon. Karugtong patungo sa pier. May mangilan-ngilan ng mga bahay. Katabi ay sementeryo. Nagtago kami sa damuhan. Gamit ang binocular sinuyod ko ng tingin ang pier. Maraming mga tao. Pabalik-balik ang mga tricycle. Marami din mga maliliit na sasakyang pandagat ang nakadaong. Meron ding dalawang lantsa. Ang daming sakay na para bang babyahe iyon papunta sa syudad. Yung isa nagdidiskarga ng. . . "Sh*t," anas ko. "Bakit? Anong meron? Patingin," wika ni Tom sabay agaw sa akin ng binocular. His jaw drop. Nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ako. "Kita mo na." sabi ko. "Kaya nila pinalayas si Uncle sa Rest House at naghihigpit dito." Kinuha rin ni Ayan ang binocular at tinanaw iyon. "Ano ng gagawin natin?" tanong nito. "Sundan mo kung saan nila dinadala ang mga kargamento na yun," binalingan ko si Atom. "Aalamin naman natin kung saan nila dinadala ang mga kadalagahan na yun." "Teka, suicidal yang iniisip mo, Fabio." tinuro niya ang mga bangka. "Paano natin sila susundan e sasakay ng bangka? Sa tingin mo hindi nila tayo makikita?" Napatingin din ako doon saka nag-isip. "Makikita ka talaga nila kung magpapakita ka." "Bakit superhero ka ba? May kapangyarihan ka para mag-invisible?" Ayan and I both chuckled. Aburidong napahimas naman si Tom sa batok. "Sa ayaw at sa gusto mo hindi tayo kikilos ngayon. Mamayang gabi na lang. Samahan na lang natin si--" "Nooo! Wag po! Maawa kayo! Waaaaag! Para niyo ng awa--tuloooong!" "Shhhhh--wag kang maingay!" Nagkatinginan kami tatlo sa natanaw naming tatlong lalaking may kanya-kanyang hinahatak na babae sa sementeryo. Walang kahirap-hirap na inihiga yung babae sa ibabaw ng concrete tomb matapos sikmuraan. Yung isa nakikipagbardagulan sa isa pang lalaki habang nagsisisigaw. Yung isa naman nakapiglas at hinahabol ng tauhan ni Amo. Sabay kaming napamura. Patakbong nilapitan ang mga ito. Tag isa kami. Doon ako sa naghahabulan. Umikot ako. Maingat ang bawat kilos na sinalubong yung babae. Nagkubli ako sa pader. Pagdaan nito sa pinagtataguan ko kaagad ko itong hinablot, tinakpan ang bibig ng aking kamay. "Shhh--hindi ako kalaban." bulong ko. Tumigil naman ito sa pagpupumiglas. "Anjie!" tawag no'ng lalaki. "Anjie baby! Yohoo..!" Palapit ng palapit ang boses at mga yabag nito sa kinaroroonan namin. Hinatak ko si Anjie, mabilis kaming umikot sa kabila. "Huli ka!" boses no'ng lalaki. "T'ngna Anjie! Lumabas ka na diyan sa pinagtataguan mo. Wag mo na akong pahirapan pa. Anjie!!" His voice getting angrier. Niyuko ko si Anjie na namumutla at nanginginig na sa takot. "Don't be afraid. I'll help you out." Malalaking hakbang na muling umikot kami sa kabila. Nagpalinga-linga ako sa paligid at iginiya siya papunta sa likuran ko. "Anjie!" galit na boses nito papunta sa gawi namin. Hinanda ko ang sarili. Hinintay ang paglapit nito. He jogged pass us. Pagbaling nito kaagad ko sinalubong ng malakas na sipa sa mukha. "Arrrgh--" Duguan ang ilong na bumagsak ito sa lupa. Tumama pa sa kanto ng concrete tomb ang ulo nito. Gigil na dinaklot ko ang kwelyo ng kanyang damit. "Fabio--arrgh," Pinaulanan ko ng suntok ang mukha nito at hinatak lalo ang kwelyo ng damit. "Nasaan si Amo?" "Buhay ka pa pala," tumawa ito sabay dura ng dugo sa bibig. "Ang lakas ng loob mong kalabanin si Amo, Fabio." nakangising wika nito. "Hindi mo siya kaya--" I hardly punched his face again then angrily pulled his collar even more. "Saan nagtatago si Amo?" angil ko. "Kahit patayin mo pa ako wala kang makukuha sa akin na impormasyon. At galingan mo rin ang pagtatago dahil bilang na ang mga araw mo. Traydor!" I angrily hold his head and break his neck. I can hear the loud cracked of the bone together with Anjie's gasped and cries. "Tol," tawag sa akin nina Atom. Kasama nila ang dalawa pang babae, parehong umiiyak. Patakbo itong nilapitan ni Anjie. They hugged each other while crying. Napatingin ako kay Ayan ng hubaran nito ng damit ang lalaki. "Suotin mo din yan." anito habang inaabot sa akin ang damit. Tiningnan ko ito, pati si Tom. They have same clothes now. Kaagad kong hinablot ang damit at mabilisan isinuot. Ipinatong ko lang sa damit ko. "Saan niyo yan dadalhin?" kuno't noong tanong ko ng pagtulungan nilang buhatin ang lalaki. "Our first rule with this unlawful mission is that; never leave any trace." wika ni Tom. "Hindi nila deserve ipalibing but since may nakaready ng libingan na ginawa nila so ililibing na lang namin ni Tom. Sayang naman. Nag-effort pa silang ihatid dito ang mga sarili nila sa sementeryo." segunda ni Ayan. Nasundan ko na lamang ng tanaw ang dalawang hirap na hirap sa pagbuhat sa napatay kong tauhan ni Mayor. "F-Fabio..." mahinang boses ni Anjie. Nilingon ko sila. "Nandito si Amo. Nasa Rest House sila." "Kilala niyo ba si Amo?" Sunod-sunod umiling ang mga ito. "Hindi. Pero nakita namin ang mukha niya." "Nagpapalipat-lipat siya sa White House, dito sa Poblacion at sa bundok ng Amampili." "Bundok ng Amampili?" salubong ang mga kilay na ulit ko. "Saan yun?" Nagkatinginan sila sabay iling. "Yan ang hindi namin alam." "Saan nila dinadala yung ibang mga kasamahan niyo?" "S-Sa minahan," Anjie sobbed. "Pinagsasamantalahan nila at ginagawang alay sa minahan nila ng ginto." "Ano?" "Yung ibang dinukot dinadala nila sa White House. Binibenta nila sa mga mayayaman na dayuhan thru bidding." "TheFuck--" "Dati may tumulong saamin. Kaso nahuli nila kami no'ng tumakas kami. Naparusahan kami no'ng una pero ngayon pinapatapon na kami ni Amo sa minahan." "May tumulong sainyo?" Tumango ang mga ito. "Meron. Tatlo sila. Yung isa Doctor." "Doctor? Sino?" "Hindi namin kilala. Pero mababait sila. Yung Doctor, siya iyong gumagamot sa lahat ng pasyente dito sa isla." "Tsaka Fabio hina-hunting ka nina Stewart at Clark. Pati yung asawa ni..." nilingon ni Anjie yung dalawang babae. "...sino na nga yun?" "JM," "Jeff Marco Del Carpio. Yung lead singer sa sikat na banda." "Hindi ko maalala yung babae kung Miss Agoncillio ba or--" "Montecellio--Oo yun yun. Miss Montecellio." "Tapos yung Christian ba yun na dumating na sugatan?" "Oo," sagot ni Anjie. "May dinukot silang babae sa San Andres kaso di nila nakuha." "Pero may babaeng bihag sila diba?" tanong no'ng isa. "Meron." sigunda naman no'ng pangatlo. "Ang dinig ko tauhan siya ni Steves na nagtaksil. Hindi ako sigurado." Umawang ang mga labi ko sa sinabi nila. Now I understand why they can't save us yet. "Delikado ang buhay mo, Fabio. Narinig namin na pinag-uusapan ka nila. Hindi sila naniniwalang pamangkin ka ni Mayor dahil pina-salvage ka na daw nila. Paano ka daw nakaligtas?" "Tsaka hinahanap nila yung babaeng bihag na nakatakas noon sa White House. Hinahalughog ulit nila ang buong isla." Worries and fear engulfed my whole being. My heart pound rapidly inside my chest. I angrily clenched my fist. "Sh*t... napagod ako dun a." "Tol, tara na--" "Kaming dalawa na lang ni Tom ang tutuloy, Ayan." sabad ko. Nilingon ko ito. "Ihatid mo sila sa bahay ni Mayor. Sa secret passage sa likod kayo dumaan. Tapos balikan mo kami. Hintayin mo na lang kami sa speedboat." binalingan ko ang tatlong babae. "Ikwento niyo ang lahat ng nalalaman niyo kay Uncle. Pero binabalaan ko kayo, 'wag na 'wag niyong sasabihin na nandito kami sa Poblacion. Bahala na kayo magpalusot. Nagkakaintindihan ba tayo?" Alanganin ang mga itong tumango. Binalingan ko muli si Ayan. "Sige na. Umalis na kayo." Hinatid namin sila ng tanaw ni Tom. Nang makitang ligtas na silang nakaalis kaagad naming nilisan ang sementeryo. SA LIWASAN may isang tricycle doon at dalawang motorsiklo. Nagkatinginan kami ni Tom saka nilapitan iyon. "Honda," "Brand new." I evily smirked then hop in the motorbike. Nakasaksak pa doon ang susi. Kaagad ko iyon pinaandar saka nilingon si Tom. "Ano? Kung hindi tayo pumunta dito e 'di kawawa sana yung tatlo." "Yeah..." "Nabanggit din nila sa akin na pina-salvage daw si Fabio." Si Fabio ay anak ng namayapang bunsong kapatid na babae ni Mayor. No'ng gabing tinulungan kami nina Otoy at Atom yun din ang araw na nawala ang pamangkin nito. Last na usap nila ni Mayor nasa Arrival ng NAIA na ito galing Italy ngunit walang Fabio'ng dumating sa isla magpahanggang ngayon. "Ano?" "Yun ang sabi nila sa akin. Kaya siguro naglahong parang bula ang pamangkin ni Uncle." Dumilim ang mukha ni Atom. Umigting ang mga panga sa galit. Kumuyom ang mga kamao. "But don't jump into conclusion yet, Atom. Hanggat walang bangkay na pinapalibing, buhay siya. Atleast we had a clue now, diba?" "Hindi yun ang iniisip ko. I was thinking na pag-iinitan ka nila since gamit mo ang identity ni Fabio. And I'm afraid that--" "Don't," agap ko. "Kaya ko silang harapin. Just trust me." Tinitigan niya ako ng matagal sabay paandar ng motor. Kaagad akong sumunod sa kanya. Ilang minuto kaming nagpaikot-ikot sa lugar. Kahit saan sumusuot si Atom. Hanggang sa inihinto niya iyon sa likod ng isang bahay. "Kuya Tom!" sigaw no'ng binatilyo. "Shhhh--" nagpalinga-linga siya sa paligid. "Bantayan mo 'tong motor namin a. Pero kapag may nagtanong 'wag mong sasabihin na sa akin 'to, OK?" "Aprub!" Malalaking hakbang na sumunod ako kay Atom. Ilang eskinita ang dinaanan namin. "T'ngna!" mura niya sabay takbo. Nagtatakang sinundan ko lang siya ng tingin na halos magkumahog sa pag-akyat sa pader na bakod. "T'ngna--ano pang tinatanga-tanga mo diyan?!" pigil ang boses na sita niya. "Umakyat ka na dito!" "Ba't ka pa kasi umakyat diyan e pwede naman dito dumaan? Pinapahirapan mo pa ang sarili--" "Tingnan mo sa kabila!" sabad niya. Pagbaling ko halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita. May paparating na grupo ng tauhan ni Amo! Tila kidlat sa bilis na napatakbo ako sabay sampa sa pader na dinaanan ni Atom. Tawang-tawa naman sa itsura ko ang hinayupak. Pinagmumura ko siya hanggang sa nahawa na rin ako sa kanya. Sumilip kami sa pader ng lumampas doon ang grupo. "Muntik na tayo do'n ah." "Ba't kasi dito mo pa napiling dumaan?" "Shortcut--oh grasya..." Pareho kaming natigilan ng malingunan namin ang aso. Umangil ito. Then another one came out and one more. Tatlong malalaking aso! Galit na nakatingin saaming dalawa. Nakalitaw ang mga pangil. "Fabio," "Atom," "In count of three tumakbo ka na," "Ok." "One--" "Run!" sigaw ko sabay takbo ng mabilis. "T'ngna mo! Sabi ko in count of three!" singhal niya habang humahabol sa akin. "Hindi ka ba marunong magbilang?" "Bakit yung aso sa tingin mo marunong magbilang?" "Gago! Pahamak ka talaga!" Kung saan-saan kami sumuot. Naghahanap kung saan pwedeng lumabas. Halos lundagin ko ang pader papunta sa kabila--t'ngnang kamalasan! Hingal na hingal. Tumutulo ang pawis sa aking noo. Ramdam ko rin ang pamamasa sa aking likod. Itinukod ko ang braso sa pader habang hinahabol ang aking paghinga. Patuloy pa rin ang pagtahol ng mga aso sa kabila. Ang sama naman ng tingin ni Atom sa akin. "May tao ba sa bahay na yan? Kainis, 'di man lang--" "Nasa ibang bansa," sabad niya. "Yung caretaker malamang wala dahil pinakawalan yung t'ngnang mga aso na yun. Tara na nga," Muli akong sumunod sa kanya. Malayo-layo rin ang nilakad namin. Hanggang sa huminto siya at tinanaw ang napakalaking. . . "Yan na ba yung Rest House?" "OO." Nagpalinga-linga siya sa paligid. I did the same. Ang daming paroo't parito na bantay. "Doon tayo sa kabila dadaan. Maraming CCTV sa loob niyan so be careful." aniya sabay takbo ng mabilis, nagtago sa pader. Pagkaalis ng mga tauhan tumakbo din ako palapit sa kanya saka kumubli sa pader. Malikot ang mga matang umiikot sa paligid. Sumunod ako sa kanya ng muli siyang tumakbo. Umakyat sa 'di kataasan na bakod saka nagtago sa halamanan. Dinig ko ang malakas na tawanan papunta sa natatanaw ko na mangasol-ngasol na pool. Akmang tutunguhin ko iyon ng pigilan ako sa balikat ni Tom. Nilingon ko siya saka sinundan ang tinuturo sa akin. I saw a foreign guy. Naka-business suit. May apat na lalaking nakasunod dito sa likuran. Yung dalawa may bitbit na itim na attache case. "Mukhang may illegal transactions sila." bulong niya. May sumalubong sa mga ito na babaeng kana. Nilingon ko ang gawing kanan na dinaanan nito. Nanlaki ang aking mga mata. Umawang ang mga labi. Nakalimutan kong huminga ng makita ko si... "Amo!" My eyes widened even more at what I saw. Napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Atom. "Umalis na tayo dito." anas ko sabay hatak sa kanya. "Teka sandali! Nandito si Amo. Hindi ba natin--" "Not now." Hindi na siya nagprotesta pa ng muli kong hatakin paalis. Maingat naming nilisan ang lugar. Sa Brgy Cabana na kami nagpaabot ng gabi. "Babalik ba tayo ngayon sa Poblacion?" "NO. Tagilid tayo." "Anong ibig mong sabihin?" Tumayo ako saka tinungo ang kinapaparadahan ng kanyang motorsiklo. "Kailangan kong puntahan ang asawa ko. I need to see Katya." "Pero Fabio--" "Uuwi ka ba sa inyo o hindi?" sabad ko. "Your choice. Akin na ang susi." "Nakilala mo ba si Amo kaya nagkakaganyan ka?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD