Accidentally In Love 25

2703 Words
KATYA Ilang minuto ang pinalipas namin bago umahon sa malalim na tuyong kanal na iyon. Tinungo ang daan na dinaanan kanina no'ng Engineer habang nagpapagpag ng mga dahon na dumikit sa damit at ulo namin. "Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya. "By the way I'm--" "Kaming dalawa ni Mutya ang dahilan kung bakit naririto ka sa islang 'to ngayon, Miss A." sabad niya. Natitigilan na napatitig naman ako sa kanya. She took a heavy breath then vow her head. "I'm sorry, Miss A. Hindi namin alam. Hindi namin sinasadya. Please forgive us." ginagap niya ang kamay ko saka nag-angat ng tingin sa akin. "Kahit anong mangyari... kahit buhay ko pa ang kapalit babawi ako sayo. Tutulungan kitang makaalis sa lugar na 'to." "Hindi yun ganun kadali." umiiling na binawi ko ang kamay ko sa kanya. "Malupit ang grupo ni Amo. Kapag ginawa ko yun, ako na mismo ang nagtulak sa hukay sa mga taong tumulong saamin." seryosong tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. "Tell me, may. . . kinalaman ka ba sa mga natagpuan nilang bangkay na tauhan ni Amo?" She stared at me for a while then nodded. "I just rescued those innocent lady to those bastard who tried to rape and kill them. Pero hindi lang ako ang may gawa no'n. Meron pang iba. Ilang ulit ko na silang nakita sa iba't ibang karatig na isla pero mga naka-bonnet sila kaya hindi ko makilala kung sino ang mga yun." Umiwas siya ng daan. Tinungo ang masukal na kagubatan. Sumunod ako sa kanya. Nakikiramdam pa rin sa paligid. Maraming mga kalabaw na nanginginain sa damuhan at nakalunoy sa putikan ang nadaanan namin. "Paano ka nga pala napunta sa lugar na 'to? At anong ibig mong sabihin na kayo ni Mutya ang dahilan kung bakit nandirito ako sa lugar na 'to? Tsaka sinong Mutya? Kilala ko ba siya?" "It's a long story but to cut the story short our plan backfired us. It was too late for us to find out na hawak pala nila sa leeg si Curtis, one of our Bud Brothers Bosses private investigator. Kaya napaikot nila ni Boss James. Nadamay ka at ang Kuya mo. But my plan B and C still working. I'm here because of Christian. Siya ang nagdala sa akin dito sa isla. I got lucky to survive with that shoot-out too a couple of years ago." "I don't understand---you mean to say... nagtraydor kayo sa grupo? Trinaydor niyo si Kuya?" Huminto siya sa paghakbang at hinarap ako. "It's not what you think, Miss A--" Lumayo ako sa kanya ng tangkain niya akong hawakan. Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. "Nagtraydor talaga kayo sa grupo?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. "Anong klase kayong kaibigan? Bakit nagawa niyo yun?! Bakit?!" galit na asik ko na sa kanya. "Alam mo ba kung anong klaseng hirap ang pinagdaanan namin para lang mabuhay?" Laglag ang mga balikat na yumuko siya. "I'm sorry, Miss A." "Sorry? Pagkatapos ng ginawa niyo sorry lang ang sasabihin mo sa akin? Maibabalik pa ba sa dati ang lahat ng lintik na sorry mong yan?" "NO but I'm trying to make it up all the mess we did. Sinusubukan kong bumawi sa lahat ng nagawa ko, Miss A." "Well its not enough! You ruin my life! Ang grupo nina Kuya! Lahat sinira niyo!" pigil ang boses na asik ko. "Ilang taon akong nawalay sa anak ko, sa asawa ko, sa pamilya ko. Hindi ko alam kung ok lang ba sila. Kung makikita ko pa ba sila. Kung... kung..." my voice cracked. Mabilis kong pinalis ang luhang namalisbis sa aking mga mata. "...kung mayayakap ko pa ba sila--" "Will get out of here alive." "How?! You think it's possible for me to get out of here alive? Nakita mo naman diba? Hinahanap pa rin nila ako. Gusto nila akong patayin! Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako dito ng buhay or dito na ako sa islang 'to ililibing." impit akong napahagulhol. She tried to hold and get near me but I step back away from her while sobbing. "Hindi ko akalain na makakaya ni Kuya James traydorin ang sarili niyang mga kaibigan." aniko habang hinahamig ang sarili. "Biktima lang siya Miss A--" "Biktima?" galit na sabad ko. "Biktima siya ng kasamaan ni Lewis kaya nagawa niyang bumaliktad? Nasaan ang utak niya?" "I told you; hawak nila si Curtis! Kailangan nitong sumunod sa utos nila para mabuhay. Did you get what I mean?" Sunod-sunod akong umiling. "Halang ang mga bituka nila. Imposibleng buhayin pa nila ang Curtis na yun--" "Hanggat may pakinabang hindi ka nila papatayin Miss A." sabad niya. "And they're using Curtis against us. Dinoktor nila lahat ng impormasyon para magkagulo ang grupo nina Boss. Kahit nga ako napaniwala e kaya sumunod ako sa utos ni Boss James. Lahat sila Boss ko pero kung saan ang tama doon ako." "Oh kaya pala." I sneered. "Pumanig ka nga sa tama. Pati inosente dinamay niyo." Marahas siyang nagbuga ng hangin. "Ang hirap mo naman paliwanagan." "No--you are..." galit na dinuro ko siya. "You are a gullible person. Lahat kayong bumaliktad kaya nagmukha kayong uto-uto sa paningin ni Lewis." "Yun lang ang akala mo." I sneered again. "Hindi yun isang akala lang dahil yun talaga ang tingin ko sa inyo. Traydor na nga, tanga-tanga pa. Sinalo niyo lahat." Inis na inirapan niya ako. "Pasalamat ka isa kang Altamonte." "Bakit kung hindi?" "Hindi kita pag-aaksayahan ng oras hanapin or tulungan or ipain ang buhay ko para sayo. But unfortunately, you are happened to be my boss lil sister. Saving you means saving my life." sabay talikod. Umirap ako sa hangin saka sumunod sa kanya. Hindi ko alam kung saan ba talaga kami pupunta. Hindi na ako nagtanong pa basta sumusunod lang ako sa kanya. Mabilis ang kanyang lakad, tatakbo tsaka lalakad ulit na para bang may huhulihin kaming tao sa akto. Kung saan-saan pa siya sumusuot. I heard a loud noise; cursed, grunts. Boses ng grupo ng mga kalalakihan. I wonder what's the commotion out there. "Shhhhh," baling niya sa akin sabay gapang sa ilalim ng damuhan. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid bago sumunod sa kanya. Huminto ako sa tabi niya. Nanlalaki ang mga mata sa pinaghalong gulat at takot sa aking nakita. Binubugbog ni Bryce at iba pang tauhan yung tatlong lalaking kausap ni Engineer na umalis kanina. Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig para 'di makagawa ng anumang ingay. "Wala talaga kaming kinalaman sa mga nawawalang kargamento, Bossing!" "O e ano 'to ha? Ano 'to?!" nangangalaiting boses ni Bryce habang pinapakita ang screen ng cellphone dito. "Diba ikaw 'to? Diba?! Diba! Kayo 'tong tatlo!" sigaw nito sabay tadyak sa mukha no'ng lalaki. All of them were drenched with their own blood. Napapikit ako ng mariin ng abutan si Bryce ng baril ni Misha sabay kasa niyon. Tinutok sa tatlong lalaki. "Sino nag-utos sainyo?" "Wala--" "Sinoooo!" Bryce thunder voice echoed all over the forest. "Sino nag-utos sa inyo?!" Tinuro no'ng lalaki sina Engineer. "Kahit tanungin mo pa sila, Bossing. Magkakasama kami nina Engineer ng dumating yung mga kargamento kaya imposibleng kami ang nasa video na yan." Bryce glared Engineer with his bloodshot eyes. "Totoo ba yun Engineer?" "Yes. Pero umaalis din sila. Kung saan pumupunta hindi ko alam. They're talking on the phone--" "Hindi totoo yan!" "You're lying Engineer!" "Tell him the truth!" Magkapanabay pang sigaw no'ng tatlong lalaking bugbog sarado't nakahandusay sa damuhan. "You--Shut up!" singhal ni Bryce. "Nasa minahan ako buong araw na yun," tinuro ni Engineer ang grupo ng mga kalalakihan kasama sina Otoy at Burnok. "You can ask them, Boss." "Umaalis nga sila--" "Hindi nandun sila--" "Palaging nawawala ang mga yan." "Oo nga." "Hindi--" "Inuutusan sila kaya umaalis--" "'Wag niyo ng pagtakpan yan. Talagang bigla na lang nawawala ang mga--" "Magsitahimik kayo!" sigaw ni Bryce ng magtalo-talo na ang mga kalalakihan. Napapitlag ako ng hawakan ako sa balikat ng kasama ko. "Dito ka lang. Kahit anong mangyari 'wag kang lalabas, wag kang gagawa ng ano mang ingay, wag kang aalis. Babalikan kita." sabay gapang palabas ng damuhan. Nakasunod ang tingin ko sa kanya. Confused. Then as of cue I heard a gun fire. Marahas akong napabaling sa harapan ko. My eyes widened in shock. My heart thud loudly inside my chest. Takot na takot na napaupo ako sa damuhan. Nanginginig ang buong kalamnam. I can't believed that Bryce is capable to kill a person. But I saw it with my own eyes! Mahigpit kong tinakpan ng kamay ang aking bibig ng itutok ni Bryce ang baril kay Engineer. "Alam niyo ang hatol sa mga taksil diba. Now tell me Engineer... may kinalaman ka din ba dito?" I saw him gulped, staring Bryce bravely. Then shook his head. "Feel free to ask Boss Christian--" "What are you doing here, Moana the traitor?" kunot-noong tanong ni Bryce habang nakatingin lampas sa likuran ni Engineer. Sinundan ko iyon ng tingin. There I saw her. . . that girl named... Moana? Tumatawa habang winawagayway ang kamay na may hawak na cellphone. Naglalakad palapit kay Bryce. "You did a great job to eliminate that three motherfucker." aniya sabay bato ng cellphone kay Bryce na kaagad naman nasalo. "Panoorin mo ang video." sumunod naman si Bryce. Nag-isang linya na ang kilay habang nakatitig sa screen ng phone. "Matagal ko ng hinahanap ang mga yan na tirador ng kargamento sa barko. Sinusuway din ang mga utos ni Amo." Lalong lumalim ang gatla sa noo ko sa aking nakita. Misha and Moana exchanging stares secretly. Also Engineer and Burnok, Jojo and Jed sent a dagger eyes at each other. Magkakasabwat ba sila or what? Tapos si Boy Lado natanaw ko pang nagmamadaling nagtago sa damuhan. Mabilis na kinalikot ang cellphone pagkatapos itinutok ang aparato dito na tila ba kinukuhanan ang mga ito ng video. Masyadong confusing ng mga ikinikilos nila. Isa pa; malinaw yung dinig kong may kinalaman sina Engineer at yung kasama nitong lalaki tungkol sa nawawalang kargamento. How come yung tatlo napagbintangan? Saan galing yung video nina Moana at Bryce? Sino may gawa? It doesn't make sense to me. Mukhang... Nakangising binato pabalik ni Bryce ang cellphone kay Moana. Mabilis niya iyon nasalo. "How can I trust a traitor like you?" mariin na wika ni Bryce. "Sa tingin mo nakakalimutan ko yung ginawa mo? Baka nga ikaw pa may utos sa tatlong tarantadong 'to e." "Pagkatapos kitang ipagtanggol lagi sa Kuya mo ito pa igaganti mo sa akin? Pinag-iisipan mo ako ng masama?" Moana laughed mocking him. "Kahit kailan talaga bobo ka pa rin e no. No wonder mas paborito ni Amo ang kuya mo kaysa sayo. Even your Dad doesn't like you. Malamang kay Dragon King ligwak ka rin." Bryce jaw tightened. Madilim ang mukhang itinutok ang baril kay Moana. Kaagad niya naman itinaas ang dalawang kamay habang nakangisi. "Easy lang Bryce. Hindi ako ang kalaban dito. Tsaka akala ko ba oks tayo? Hindi ba?" "Kung nabilog mo ang ulo ni Christian pwes hindi ako!" "Oh c'mon Bryce... ilang ulit ko na sinabi sainyo na kung hindi ko yun ginawa e 'di iisipin ni Muriel nagtaksil ako sa kanila. Paano pa ako makakakuha ng info na kailangan ni Christian sa grupo nila kung ang tingin na nila sa akin ay kalaban? Tsaka matagal na yun. Move on move on din pag may time." Natigilan si Bryce sa sinabi nito. Lalo na ako. Naguguluhan ako kung kalaban ba talaga siya or kakampi namin. Pero kung kalaban siya bakit niya ako iniligtas? Ano ba talaga ang plano ng Moana na 'to? "So why are you here?" maya-maya tanong ni Bryce. "Like I said hinahanap ko din ang tatlong yan. And also..." tinuro niya si Engineer. "...saving you from Amo's wrath. Baka nakakalimutan mong pinagkakatiwalaan ang mga 'to dito ni Amo. Gusto mo ba talaga laging naba-bad shot, Bryce? Use your coconut shell KUNG meron ka nga no'n." "Baka gusto mong pasabugin ko yang bibig mo sa klase ng tabas ng dila mo Moana?" "Why? I'm just stating the fact." muli nitong tinuro si Engineer. "I had a proof and he's innocent. Kapag kinanti mo siya hindi kita pagtatakpan. Linisin mo na yang kalat mo. Bahala ka na rin sa buhay mo." aniya sabay layas. "Moana--wait!" habol na sigaw ni Bryce pero 'di niya ito pinansin. "Kayo iligpit niyo ang mga yan. Kayo, magsibalik na kayo sa trabaho niyo," baling sa mga kalalakihan. "Moana!" muling sigaw nito. "T'ngna Moana--sandali lang!" Huminto siya. Nakapamewang na hinarap si Bryce. "What?" nakasimangot na tanong niya saka tinuro si Misha. "Ba't kasama mo pa ang malantod na yan? Diba iniiputan ka niyan sa ulo? Ba't di mo pa dinidispatsa?" Umirap sa hangin si Misha. "Ako pa talaga ang malantod at umiipot sa ulo ni Bryce?" "Oh yes--Diba may relasyon kayo ni Evo?" aniya saka humakbang pabalik sa kanila. "Diba, Misha?" "Bakit may pruweba ka ba? Kung wala pwes ako meron akong pruweba na may kabit si Bryce." may dinukot ito sa bulsa. Kinalikot ang cellphone saka iniharap ang screen kay Bryce na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin doon. "Shocking ba, Bryce? Yung Monique na kabit mo karelasyon si Evo!" "That... that's impossible! Ikaw ang... ang..." "Ako ba 'to ha? Ako?" inilapit nito lalo sa mukha ni Bryce ang screen ng phone. "Tingnan mo ng maigi kung ako ba talaga yan." "Pero..." nilingon nito si Moana na paiba-iba ang ekpresyon sa mukha. May parang natatawa, aliw na aliw na nakatingin sa dalawa tapos paglingon ni Bryce biglang gulat na gulat na ang mukha. "Diba nakita mo din yung video, Moana? Ikaw pa nagbigay no'n sa akin." "Yeah but..." tinuro niya ang phone ni Misha. "Ba't iba diyan?" Mapaklang tumawa si Misha. "Hindi ko akalain na paniniwalaan mo ang babaeng yan kaysa sa akin na asawa mo." "Hey! Concern lang ako kay Bryce kaya binigay ko sa kanya yung video na nakuha ko." "Alam mong ex-fiancee ko si Evo, Bryce. Hindi mo man lang ba naisip na baka sinisiraan lang ako sayo ni Evo para masira ang relasyon nating dalawa?" padaskol na pinalis ni Misha ang luhang sunod-sunod na namalisbis sa kanyang pisngi. "Wala akong kinalaman sa ginawa sayo ni Evo. And I never cheated on you, Bryce. Ikaw ang pinakasalan ko diba? Ikaw ang pinili ko dahil mahal kita! But... how dare you accused me cheating on you where the fact is you're the one who's cheating on me!" "Misha--" "Ano? Ipagpapalit mo ako sa Monique na yun na nagtangka sa buhay ng bunsong kapatid mong babae?" "W-What?" "Hindi mo alam?" mapakla itong tumawa. "How pathetic." umiling-iling ito sabay takbo paalis. "Misha--wait!" sabay habol dito. "I can explain--" "I don't wanna hear your damn explanation! I hate you!" Tumingin sa gawi ko si Moana. Nakangising nagkibit-balikat saka umalis. I waited there for a couple of minutes. "That's the plan C." nakangiting bungad niya pagkaupo sa tabi ko sa ilalim ng damuhan. "What do you mean?" She shrugged her shoulder again. "Drama lang yun. Nakipagsabwatan ako sa kanya. But I don't trust her. Mahirap na lalo't hinahanap ka niya. May hawak siyang USB, iwan kung ano laman no'n. Sayo lang daw niya ibibigay." "Hindi ko maintindihan. Paki-explain mo nga ang lahat ng narinig at nakita ko." Ikwenento niya sa akin ang lahat. Buong detalye. Pero nahirapan akong e-absorb ang lahat ng yun sa aking utak. Mahina niya akong tinawanan. "Ginagawa ni Misha ang lahat ng 'to para makaganti. Ako naman; ginagawa ko 'to para makaganti sa ginawa nila kay Boss JM. In short; gagawin din namin kay Bryce yung panlulukong pinagawa ni Christian kay Sofia noon kay Boss JM. But syempre I used this," dinutdot niya ang kanyang sentido. "I'm two step ahead of them. Kung tuso sila, mas tuso ako. Hindi nila ako maiisahan." PABILING-BILING ako sa higaan. Anong oras na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko makalimutan yung nangyari kanina at pinag-usapan namin ni Moana. Napatingin ako sa uluhan ng kwarto ko ng makarinig akong motorsiklo na pumarada sa likod niyon. May mga mahihinang boses pang nagtatalo. Sumunod na narinig ko kalabog sa sala. Magkaiba yung direksyon ng mga yabag. Papunta sa kaliwa yung isa, yung isa papunta sa... Nahigit ko ang aking hininga ng may pumihit sa seradura ng kwarto ko. ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD