Accidentally In Love 8

3715 Words
JOE RYAN Nakangiwing umikot ako sa kabila, binuksan ang pinto ng kotse at naupo sa driver seat. I took my phone then called Ace. "Did you find out who did that to Bryce Morales?" "Wala pang lead, Boss." sagot nito sa kabilang linya. "Malinis ang pagkakagawa. Pero may pinaghihinalaan na kami ni Colt. We just need more evidence and further investigation. I let you know what gonna be the outcome soon." "Please do that. Nagkausap ba kayo ni Third?" "Kasama ko siya. He's listening beside me." "Kumusta 'yong pinapagawa ko sayo, Third?" "It's Zephanie who drugged your girl." "She's my wife now. We just get married today but don't tell anyone about it yet lalo na kay Keith. Siguradong mapapatay ako no'n. Ako na lang magsasabi sa kanya. Hahanap pa ako ng bwelo kung pa'no ako mamamanhikan kay Aish at haharap kina Tito at Tita. Nagkakaintindihan ba tayo?" "Ba't nauna yata 'yong kasal sa pamamanhikan mo Boss?" sabad ni Ace. "Gusto mong pasabugin ko ulit 'yang nguso mo Ace?" "Copy Boss." sabay biglang wika nila. I took a heavy breath. "Sabihan niyo si Dax na sundan sina Joshua at Scarlet and that Misha too. Malakas ang kutob kong may kinalaman sila sa ginawa ni Zephanie." "He's on it, Boss. Sinusundan na rin nina Fourth sina Serena at 'yong tatlong lalaking kasama nila kagabi na sinet-up na makakasama sana ni Miss A sa VIP room at kay Fifth naman si Catleya. Iniisip namin na baka isa sa kanila ang nagpabugbog kay Bryce para si Miss A ang madiin. Nagpapaimbestiga rin si Mr. Stanley Morales secretly maliban sa mga pulis na humawak ng kaso." "Thanks to all of you. Kalkalin niyo lahat. Gusto kong malaman ang kaliit-liitan na ditalye ba't naging ganun ang trato nila kay Aish. Pakisabihan din si Colt na sundan 'yong taxi--" "Magkasama na sila Boss." agap ni Ace. "Ha?" "Hinarang niya 'yong taxi and paid double the driver." "Oh," "Tinawagan nga pala ni Miss A 'yong may-ari ng Skysuites Tower." "Bakit daw?" "Bibili yata ng condo unit doon." "What?!" "Papunta na daw sina Colt doon--" "What a damn hardheaded woman." I snapped. "Will call you back." I ended up the call right away then dialed Chad number. Isang ring lang kaagad itong sumagot. "Yes? I'm busy--" "Arrange a meeting for me to Mrs. Helena Gowiengco right away." sabad ko. "Why is that?" "Just do as I said." "Bakit? Doon kayo magha-honeymoon ni Aish sa Skysuites Tower?" "TheFuck--?" "Oh well Ace make tsismis-tsismis." "That dimwit--I'm gonna cut his tongue!" "Sorry, I was just bluffing you. Pero totoo nga?" "Hindi--" "Nakita ko kayong dalawa ni Aish lumabas sa bahay ng Uncle mong judge. Anong ginawa niyo diyan kung ganun?" "Pati 'yan sinabi sayo ni Ace?!" "NO. Turn around." Marahas akong napalinga sa paligid. Then my heart skip the beat when I saw Chad. Nasa kabilang kalsada. Nakasakay sa motor. Nakangiting kumakaway sa akin. s**t. "You took advantage her last night, Bro." I gulped then took a heavy sighs. "I. . . love her." "I know. Pero mali pa rin ang ginawa mo." "That's my only option to have her." "Still a wrong move. Kung mahal mo siya dapat noon pang nasa States kayo niligawan mo na." "Sa subrang dami ng boyfriend niya sa tingin mo makikipagkompetensya ako sa kanila?" "Well, kilala ko si Aish. Kung gusto niya gusto niya talaga pero kung ayaw niya. . . AYAW niya." "Well she's married with me. Sa ayaw at sa gusto niya asawa ko na siya." "Broken-hearted siya and was drugged. She's in vulnerable state last night kaya nakuha mo siya Bro. But not her heart. Mag-asawa lang kayo sa papel. Bear that in mind." Napasandal ako bigla sa upuan at napahilot ng sentido. "Bakit ba dinadagdagan mo pa ang problema ko? Nakakapang-init ka na ng ulo, alam mo ba 'yon?" "Ridiculous. I'm just stating the fact, Bro." "I know she doesn't love me!" asik ko sa kanya. "Hindi mo na kailangan pang isampal sa akin ang katotohanan. Dapat pala si Bert na lang ang tinawagan ko." "Kung si Bert ang tinawagan mo mabilis pa sa kidlat na kinanta ka no'n kay Keith. Alalahanin mo nasa mansyon ng mga Altamonte ang pamilya niya." "T'ngna ka." He chuckled. "No worry. Your secret is safe with me. But make sure na ligawan mo siya just like a true gentleman did to his girl because that's what she deserve. She may be a spoiled brat and a kickass but she got a soft heart." "I know her more than you do, Chad." "Ganun naman pala. So why not court her?" "I'm too old for her." "Too old pero inasawa mo?" "Mahal ko nga siya diba!" "Kaya pinagsamantalahan mo dahil mahal mo, ganun? Bobo ka ba?" Frustrated na napahilamos ako ng kamay sa mukha. "I'm still your Boss, Chad." "When it comes to work yes ofcourse but when it comes to Aishleen Kate Altamonte. Take note ALTAMONTE. Little princess 'yon ng bestfriend natin Bro! Are you really out of your mind? Ano tutulad ka sa Daddy mong walang bayag? Sisirain mo din ang buhay ni Aish kagaya ng sainyo pati pagkakaibigan niyo ni Keith?" I cursed. "I'm dead trouble man. I'm sure Keith gonna hate me forever once he found out about it. Lahat sila. Kamumuhian nila ako." "I don't think so. Siguro masasapak ka no'n kapag nalaman niya kung ano ang ginawa mo sa kapatid niya when she got drugged pero matatanggap ka no'n bilang bayaw niya trust me. Kahit naman ako bubugbugin talaga kita. Mapagsamantalang nilalang--" "Grabe ka sa akin ha. Kung mapagsamantala ako e 'di sana no'ng una pa lang pinagsamantalahan ko na siya." I heard him sighs next line. Nagbuga din ako ng hangin. "Last night was different Chad. Kung hindi ko siya sinundan baka iba--" malakas kong hinampas ang manibela sa subrang galit. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang nangyari sa kanya mismong sa lugar na pagmamay-ari ko pa." "So that's explain everything. Hindi lang escape route ang bar kundi si Aish talaga ang dahilan kaya binili mo ang Yankee bar, tama ba ako?" "Yes. Mahal ko siya at nag-aalala ako sa kanyang seguridad kaya binabantayan ko siya." "Wala na sila ni Bryce, ba't 'di ka pa gumawa ng hakbang?" "Kahit sila pa ni Bryce gumagawa na akong hakbang Bro. Kahit noon pa kung sino-sino ang boyfriend niya. Pinagbabantaan ko sila kaya umiiwas sila kay Aish. Tanging si Bryce lang ang 'di nasindak sa pananakot ko. And I guess there's a hidden agenda behind in it at 'yon ang inaalam ko. But unfortunately, malinis ang galaw ng gagong 'yon." muli akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Its a torture for me seeing your love one with the other guy, you know." "Meaning tama nga si Ace na siya ang nagpapangiti sayo lately. Pero kahit pagbali-baliktarin mo pa Bro mali pa rin 'yong ginawa mo. At alam mo rin kung ano ang parusa diyan." "I know. Handa naman ako para diyan. Natukso lang talaga ako. Tsaka malala talaga ang tama ko sa kanya kaya hindi ko na nakontrol pa ang sarili ko kagabi. Tapos nakainom pa ako. Sinong 'di maaakit sa mahal mo lalo't kayong dalawa lang ang magkasama sa loob ng kwarto?" "Sus... Nagpapalusot ka pa talaga e huling-huli ka na nga e." Mapakla akong tumawa ng maalala ko 'yong eksena namin kanina. "Malamang nakita mo lahat ng ginawa niya sa akin." "I didn't miss any single thing. Tawang-tawa nga ako habang kinukuhanan--I mean habang pinapanood ko kayo e." sabay hagalpak ng malakas na tawa. Minura ko siya. "Sinundan mo ba kami all the way here?" "Nope. I said I'm busy. Nagkataon lang na napadaan ako dito at naabutan ko ang nakakatawang eksena. I never expected na kaya niyang ganunin ang Chairman ng Air Voice Tecs Company na kinatatakutan ng lahat." I chuckled. "That's why I love her." "Pero iba ang mahal niya." "I still love her. Matututunan niya rin akong mahalin balang araw. So now do your job; arrange a meeting to Mrs. Gowiengco. I need to talk to her ASAP." "I guess alam ko na kung ano ang binabalak mo." "Ang dami mo pang sinasabi. Gawin mo na lang ang inuutos ko." "Ikaw talaga makikipagkita doon hindi si Mr. Brown?" "You just said you're busy." "Kind of. But you're my boss. I can do a quick negotiation you know." "'Wag na. Tatanggihan ka lang no'n. Kabisado ko ang kiliti ni Mrs. Gowiengco. Papayag 'yon kaagad sa proposal ko." "Mas lalong magugulat 'yon sa gagawin mo. Mamaya niyan isipin no'n na may gusto ka kay Farehn." "Ngayon pa ba na kasal na ako? May malaking kapalit syempre 'yong gagawin ko and it's a top secret." "Geez, top secret." "Nakita mo naman na tinakasan ako ni Aish diba? Will gave her some time to figure out things on her own then saka ako ulit magpapakita sa kanya to court her and ofcourse to win her heart." "That's my man. Will text you the exact time and location--" "Tell Mrs. Gowiengco the same meeting place. Ngayon na. And make sure na sa akin siya makikipagkita hindi kay Aish." "Manipulative asshole." "Yes I am." "Atleast you've learned how to smile again, Bro. Congrats! Akala ko talaga si Boss Wayne ang tipo mo." "GAGO! Sayang ng load ko sayo. Bye!" Natanaw ko pa siyang umiling habang may kinausap sa phone. Pagkatapos nag-thumbs up sa akin saka pinasibad ang motor palayo. Nakipagkita ako kina Ace saka umuwi sa penthouse at naligo. Muli akong lumabas at tinungo ang meeting place namin ni Mrs. Gowiengco. She's a widowed. May tatlong anak. Dalawang babae at isang bunsong lalaki. Siya iyong matronang tinutukoy ni Aish na kasama ko palabas sa security agency building. Matagal na nitong nirereto sa akin ang panganay na anak na dalaga. But Farehn and I just friends. I don't have any special feelings for her. Kapatid lang ang turing ko sa kanya at alam niya iyon. And I know why Mrs. Gowiengco eager to have me as his son in law. Palubog na ang ilang mga negosyo nila. Malakas ang kapit niya sa taas kaya hanggang ngayon napagtatakpan pa rin iyon sa media. Nauna akong dumating sa Modern European Restaurant here in BGC. Five minutes passed then Mrs. Gowiengco barged in with a sweet smile on her face. Tumayo ako saka pinaghila siya ng upuan. "Thank you. Dapat pala sinama ko si Farehn--" "I have a proposal to you Mrs. Gowiengco that's why I arranged a lunch meeting with you." straight to the point na agap ko sa kanya. Napa-O shape siya without a sound lalo na ng sabihin ko ang sadya ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat saka nakangiting sumang-ayon kaagad sa akin. **** AISHLEEN "Oh ba't ka huminto?" sita ko kay Colt ng iliko ang kotse at itinabi sa gilid ng kalsada. He yanked his phone then gave it to me. Sinulyapan ko lang iyon saka nag-angat ng tingin sa kanya sa rearview mirror. "Nag-text 'yong PA ni Mrs. Gowiengco. Hindi matutuloy ang meeting--" "What?!" Hinablot ko ang cellphone niya saka binasa ang text doon. Umusok ang ilong ko sa inis sa aking nabasa. "Seriously? Napaka-unprofessional niya naman. Sabi niya on the way na siya tapos. . . ano 'yon biglang nag-U turn 'yong utak niya, ganun? Emergency-emergency," muli kong inabot sa kanya ang cellphone. Isinandal ko ang likod sa upuan saka tumingin sa labas. "Baka boylet niya ang tumawag kaya halos magkumahog na inuna 'yon kaysa sa akin. Kung kailan tumanda saka naman lumandi. Balik na nga tayo sa bahay ni Kuya. Nasayang lang 'yong oras ko at gasolina sa kanya." Dumeritso ako sa banyo pagdating sa bahay. I took a hot shower. Ang sakit ng ulo ko. Nahihilo pa ako. Mukha lalagnatin yata ako, ang bigat-bigat pa ng pakiramdam ko. Pagkabihis muli kong tinawagan ang may-ari ng Skysuites Tower pati 'yong PA nito. Pero hindi na ito sumasagot pa sa akin. Lalo tuloy sumakit ang ulo ko. Inis na ibinato ko sa ibabaw ng kama ang cellphone. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si Kuyang kumakain kasama sina Colt at Ace. Natigilan sila pagkakita sa akin. I just ignored them. Nagtimpla ako ng kape. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" boses ni Kuya. "Saan ka natulog--" "Masakit ang ulo ko Kuya. Wala ako sa mood makipag-usap." sabad ko sa kanya. Paalis na ako ng kusina ng lingunin ko si Ace. Lahat sila nakasunod ang tingin sa akin. "Bakit may bagong pasa na naman 'yang mukha mo?" "Wala din ako sa mood makipag-usap." anito sabay tayo bitbit ang pinggan na pinagkainan. Hinugasan iyon sa lababo. Pagkatapos nilampasan ako. "Two weeks akong suspendido ngayon kaya si Colt--" "Ano?" bulalas ko. "Suspendido ka na naman? Ano na namang violation--ACE!" 'Di niya ako pinansin. Malalaking hakbang na lumabas ng bahay. "Kumain ka na dito at pagkatapos iuuwi na kita sa bahay." Gulat na napaharap ako bigla kay Kuya. "Seriously? I thought I can stay here as long as--" "I changed my mind." "Oh, that fast. You're not afraid anymore to disclose your real identity--" "Aishleen!" dumadagundong na sigaw niya sa akin kasabay ng paghampas niya ng kamay sa mesa. Nahintakutan ako sa galit na nakikita ko sa mukha ni Kuya pero 'di ako nagpahalata. Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. "Don't you dare blackmail me again--" "I never blackmail you Kuya nor bluffed you. You know me very well more than anyone." "Ba't ba napakatigas ng ulo mo?!" "Why didn't you ask yourself 'cause we're just same?" His jaw tightened. "Saan ka natulog kagabi?" "Hindi ba nila sinabi sayo kung--" "Hindi nila alam dahil tinakasan mo na naman sila!" gigil na sabad niya. "Hanggang kailan--" "Sinabi ko naman sayo na hindi na ako bata para bantayan nila. Kaya kong protektahan ang sarili ko." "Pwede ba patapusin mo muna ako sa sinasabi ko. Ba't ba sabat ka ng sabat? Nawawalan ka na ng modo at paggalang sa akin ha, Aishleen." "S-Sorry po, Kuya." nahihiyang napayuko ako. "Now answer me, saan ka natulog kagabi?" hindi ako umimik. Nanatili lang akong nakayuko. "Don't you dare lie to me dahil pinuntahan ko si Mia at ang mga kaibigan mo. Hindi nila alam kung saan ka pumunta bigla ka na lang daw nawala kagabi sa bar." "Sa VIP room sa Yankee bar. Nagbayad ako doon. Kinausap ko 'yong floor manager na 'wag sabihin kahit kanino kapag hinanap ako. Lasing na lasing ako kaya. . . hindi na ako nakauwi kagabi. Sorry." nag-angat ako ng tingin sa kanila. "Ikaw ba may gawa no'n kay Ace?" Pailalim niya akong tinitigan na para bang sinisiguro kung nagsasabi ako ng totoo. But I'm good at lying kaya malabong mahuli niya ako. I'm not proud of it though, pero minsan kailangan 'din magsinungaling. Not to cover my mistake but for them not to worry about me. Makalipas ang ilang minuto nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. "Kumain ka na dito. Pagkatapos iuuwi--" "Kilala mo 'yong may-ari ng Skysuites Tower diba?" sabad ko ulit sa kanya. "Gusto kong bumili ng sarili kong unit." Nag-isang linya ang kanyang mga kilay sa sinabi ko. "Hindi ka pwedeng--" "So ikaw pwede tapos ako hindi pwede bumukod? Hindi ba ako pwedeng magsimula ng panibagong buhay na ako lang mag-isa? Sarili ko namang pera ang ibibili ko--" "That's not the point Aishleen." "Gusto ko pa rin bumili." "At doon pa talaga kung saan 'yong unit ni Bryce?!" "Naka-banned na sa tower na 'yon si Bryce Morales." sabad ni Colt. "He'll no longer lived there. Ibinenta na rin ng asawa 'yong condo unit niya doon." "Asawa? May asawa si Bryce?" gulat na tanong din ni Kuya. "Kailan pa?" Tumango si Colt. "Four years ago." Four years ago? Ulit pa ng utak ko. Ibig sabihin kasal na siya no'ng niligawan niya pa lang ako? Mapaklang tumawa si Kuya. Napatingala pa habang nagtatagis ang mga bagang. Saka nakapamewang na tiningnan ako. Mahigpit naman akong napahawak sa mainit na tasa. "That motherfucker. Mapapatay ko talaga ang hayop na 'yon." "Just forget about him Kuya. Ok lang ako. In fact; masaya ako na nakawala na ako sa kanya." "Ayaw mo ba sa Rockwell Tower or bumili na lang ng house and lot sa high end subdivision?" "Wala pa akong balak mag p-pamilya Kuya. Gusto ko lang ng sarili kong matutuluyan. To... sort out things in my life. Ayoko sa mansyon dahil mag-aalala lang sina Mom and Dad. And no worry isasama ko naman si Eli doon. Help me to convince Nay Gil please Kuya. Pangako aayusin ko na ang sarili ko. Simula sa lunes papasok na rin ako sa opisina. Hindi ko maipapangakong hindi na iinom pero susubukan kong iwasan." "Ok." He took out his phone on his pocket then called someone. Habang nakikipag-usap siya lumalalim rin ang gatla sa kanyang noo. Humigop ako ng kape sa aking tasa ng mapasulyap ako kay Colt. Nakatingin siya sa akin pero mabilis na umiwas ng tingin sabay tayo bitbit ang plato papunta sa lababo at hinugasan iyon. Napakunot-noo ako sa ikinilos niya. Parang may. . . iba. Napaangat ako ng tingin kay Kuya ng makita ko ang ngiti sa kanyang mga labi matapos ibaba ang tawag. "Masaya ka yata? Anong sabi ni Mrs. Gowiengco?" "Binenta na 'yong tower sa iba." "Oh, anong nakakatuwa doon?" "Si Mr. Brown ang magiging new owner. He's a good friend of mine. You can use my name to get a discount." "Weee seryoso?" "Come on. Kumain ka na. Sasamahan ka ni Colt--" "Next week na lang pala. Masama ang pakiramdam ko ngayon. Nasubrahan yata ako sa tequila kagabi." muli akong humigop ng kape. "Kumain ka na ng makainom ka na ng gamot. Magpahinga ka na doon sa taas. Ako na lang makikipagkita kay Mr. Brown. Ako na rin pipili ng unit mo. Bayaran mo na lang ako or pwede rin regalo ko na 'yon sa darating na birthday mo. But promise me na magbabago ka na, ha Aishleen?" "Lah, totoo?" He smile then nodded. "'Di nga? Baka pinaprank mo lang ako babatuhin talaga kita nitong tasa." "Oo nga! Kulit nito kainis." Napatalon ako sa tuwa sabay sugod sa kanya ng yakap. Nakangising kinuha naman ni Colt ang tasa sa kamay ko. "Thank you Kuya!" Ginulo niya ang buhok ko saka inilayo sa kanya. "Ang init mo. Kumain ka na." tinuro niya ang built-in kabinet sa itaas. "Nandun 'yon gamot. Aalis muna ako." "Thank you ulit!" Lumabas siya ng kusina. Sumunod si Colt pero kaagad ko itong pinigilan. Nagtatanong niya akong tiningnan. "Bakit kayo nagsinungaling sa akin ni Ace?" "About what?" "Sabi niyo ang may-ari ng Air Voice Tecs Company ang new owner ng Yankee bar." "He is." "E ba't sabi ni Josh si Mr. Brown aber?" "Oh, siya ba?" "Tss. Sino may gawa no'n sa mukha ni Ace? Si Ryan ba?" "Yes." "Why?" "Siya na lang ang tanungin mo Miss A. Maling sagot isang sapak ang katumbas no'n kay Boss." "Ganun siya kabayolente?" "When it comes to you, Yes." "Alam niyo ba kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin ko kagabi?" "Si Boss na lang din ang tanungin mo about diyan, Miss A." I mentally cursed. "Ikaw binabalaan kita. 'Wag na 'wag mong sasabihin sa Boss mo kung nasaan ako, maliwanag?" "He's my boss--" "Asawa niya ako," agap ko sa kanya. "Nabalitaan mo naman 'yon siguro diba?" "He's still my boss." Frustrated na napapadyak ako bigla sa sinabi niya. "Please, makisama ka naman kahit ngayon lang. Ayoko siyang makita at gusto kong mapag-isa." "Ayaw mo ba sa kanya?" Umiwas ako ng tingin sa kanya saka naupo sa harapan ng mesa. "Hindi ko alam. He's nice good looking man; Yes, I won't deny that fact that I am sexually attracted to him but. . ." nag-angat ako ng tingin sa kanya. "...tama ba 'yon? Broken-hearted ako tapos magkakagusto ako kay Ryan ng ganun kabilis? Ang wierd diba?" "Kung ang puso na ang tumibok hindi mo 'yon mapipigilan, Miss A." "Wow ha. Coming from your mouth pa talaga na isang statue?" "Ganun ba ako kaseryoso?" "Pwede ka ngang gawing bantay doon sa Rizal Park e." "Mas malala si Boss Miss A, kung alam mo lang. Kailan nga lang namin 'yon nakitang nakangiti e. And that's because of you. Anyways, congrats." "Alam ba ni Kuya?" "Sasabihin mo ba?" "H-Hindi. Hindi ko alam kung pa'no ko sasabihin sa kanila. They'll freak out for sure." "Ba't ka pumayag magpakasal sa kanya kung ayaw mo?" "He forced me." "'Yon ba talaga ang totoong dahilan?" "Kung ikaw sabihan na 'di makakalabas ng buhay sa bahay na 'yon at may mga baril 'yong nakapaligid sayo sa tingin mo papalag pa ako?" hindi ito umimik. "Nakakainis nga e, ako na 'yong naagrabyado tapos ako pa tuloy ang--" "Tatlo 'yong lalaking naka-set up na makakasama mo sana sa VIP room last night." agap niya. "Luckily my Boss got you." "Ha?" Nanghina ako bigla sa sinabi niya. Nawindang ang aking utak. Nanginig ako sa takot. Hindi makapaniwala na pinagplanuhan ako ng masama ng mga taong tinuring kong tunay na kaibigan. "H-Hindi totoo 'yan." my voice was shaken. "Aren't you drugged last night? Hindi pa ba 'yon sapat na dahilan para maniwala ka na hindi sila totoong kaibigan? Na may masama silang hangarin sayo kaya kinaibigan ka nila?" Tears rolled down in my cheeks. "Bakit ganun? Anong kasalanan ko sa kanila? Wala naman akong matandaan na ginawang mali sa kanila para magalit sa akin ng ganun katindi at pagplanuhan akong. . ." napatakip ako ng kamay sa bibig ng umalpas doon ang paghikbi ko. "...ipagahasa sa tatlong lalaking sinasabi mo. That's below the belt." "We conduct an investigation about what happened. Kami na ang bahala doon. Get some rest, Miss A." tinalikuran niya ako pero kaagad din bumalik. "Oh, before I forgot," may dinukot ito sa bulsa at nilapag sa harapan ko. A red velvet box. "Pinabibinigay daw ni Boss sabi ni Ace. It's up to you kung susuutin mo daw o hindi." sabay labas. Ilang minuto akong napatitig sa box saka dahan-dahan binuksan iyon. Malakas pa akong napasinghap ng makita ko ang dalawang singsing doon. Isang diamond ring at gold wedding ring. Nanginginig ang mga daliri na inabot ko iyon. Marahan na hinaplos at pinakatitigan. "Why he's doing this? Siya ba ang lalaking tinutukoy ni Ace na matagal ng lihim na nagmamahal sa akin?" ____________________ @All Rights Reserved Chrixiane22819 2023
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD