RYAN
YEARS passed.
I went to different places and handled Mrs. Gowiengco businesses in exchange of Skysuites Tower. I doubled the price so she grabbed it without thinking twice. Sa ngayon nakabangon na ang mga negosyo nito. I trained her youngest son Hayden how to manage their business; he's a fast learner and a wise man just like his late Dad kaya naging madali ang trabaho ko.
I avoided the media pero may mga kumakalat pa rin na balita at pictures ko kasama si Farehn at iba pang babae sa mga events na dinadaluhan ko. I don't know if it just a coincidence but unfortunately Farehn were always there too wherever I go. Panay pa dikit sa akin. Some speculated that we're hiding our relationship in public.
Then after a week may ibang babae na naman na nililink sa akin. I didn't say anything nor comment. Hindi ko rin pinabura. I just let it be. Maraming nagtaka pero hanggang doon lang 'yon. Walang nangahas magtanong. Walang nangahas lumapit sa akin. Puro stolen shots lang ang kuha.
Ginawa ko 'yon hindi dahil sa gusto kong mapag-usapan kundi gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon ng asawa ko. Kung magpapakita ba siya sa akin, susugurin niya ba ako sa opisina, pero sa kasamaang palad lalo lang akong nadismaya ng makita ko ang reaksyon niya. Deadma lang siya. Walang paki. As in no reactions! Damn it.
I contacted my trusted friends in media and told them to delete those photos after a month passed.
I avoided my Bud Brothers friends pero minsan hindi ako makalusot.
I avoided my wife too even it is so hard for me but I secretly installed a hidden cam and audio devices inside her condo before she moved in there together with Eli. Kaya nakikita ko siya lagi at naririnig ang boses niya. Alam ko rin kung saan siya pumupunta kahit tinatakasan niya sina Ace at Colt dahil sa singsing na bigay ko sa kanya. There's a GPS in it.
Nalungkot ako ng makita kong hindi niya iyon isinuot sa palasingsingan niya but still had a little hope when she put it in her necklace as a pendant. I did the same thing. Madalas ko rin siyang makitang tinititigan iyon. That would be something, right? Siguradong may meaning 'yon. Imposibleng wala.
Alam ko rin na nagdalantao siya. And obviously I'm the father of her little boy named Dan Reuben. I hit the jackpot!
"Here's the report we gathered."
Nilapag ni Ace ang mga dokumento sa ibabaw ng mesa ko sabay upo sa harapan no'n. Inabot ko iyon. Isa-isang tiningnan ang mga litrato. Kaagad nagsalubong ang aking mga kilay sa nakita lalo na sa nabasa ko.
"Evo?"
"Eldest brother ni Joshua."
"May relasyon sila ni Misha?"
"Ex-fiancee. Hindi kami sigurado kung may relasyon pa rin sila magpahanggang ngayon pero nakita ko silang magkasama noon ng puntahan namin nina Miss A ang Hospital kung saan naka-confine si Bryce."
Lalong nagdugtungan ang mga kilay ko. "May kinalaman din kaya siya sa ginawa ni Evo kay Bryce?"
"Wala."
"How about this Serena Bautista?" tinitigan ko ang picture. She seems like, she's crying. "What does she doing there in ICU? May ugnayan din ba sila ni Bryce?"
"Serena secretly in love with him since they were a youngster."
"Kaya ba siya nagalit kay Aish?"
"Definitely. She's envious and feeling betrayed ng malaman niyang boyfriend ng bestfriend niya ang lalaking palagi niyang kinukwento kay Miss A na hinihintay niyang umuwi ng Pilipinas."
"Bakit alam ba ni Aish na si Bryce Morales ang lalaking kinukwento sa kanya ni Serena?"
"Hindi."
"Naman pala. Ba't nagagalit siya e hindi naman pala alam ni Aish?"
"Ganun talaga ang mga babae Bro. Galit sila sa mga karibal nila."
"That's nonsense. Dapat sinabi niya kay Aish hindi 'yong basta na lang siya nagalit. Tinapon niya ng ganun-ganun na lang ang magandang samahan nilang magkaibigan dahil sa gagong lalaking 'yon na pamilyado na."
"Alam mo 'yan sa sarili mo dahil mas malala nga ang ginawa mo sa mga karibal mo kay Miss A."
Tumayo ako saka tinungo ang minibar. Kumuha ako ng dalawang kopita at nilagyan iyon ng alak. Nilapitan ko si Ace saka ibinigay sa kanya ang isa. I sipped on my glass then walk near through the glass wall. Tumanaw sa labas.
"Galit na galit ako sa panlulukong ginawa niya kay Aish na halos gusto ko siyang patayin pero ngayon na nakikita kong paralyzed siya't nakaupo na lang sa wheelchair para bang tinubuan ako ng konsensya."
"Wow konsensya. That's a miracle! Shouldn't we celebrate for it?"
I glared at him. "I'm serious, Ace."
He laughed. "Nagpapanggap lang siyang lumpo. Don't fall for it Bro and be very careful."
"What do you mean by that?"
"Didn't I tell before that Mr. Stanley Morales were investigating about what happened to his son secretly? Pinasok ko ang mansyon nila. Nakita mismo ng mga mata ko na nakakatayo si Bryce, nakakalakad siya mag-isa. Mas malakas pa nga siya sa kalabaw e. Kung may sakit pa rin siya kagaya ng kumakalat na balita sa TV at internet e ba't nakaya niyang bugbugin 'yong mga tauhan niyang palpak habang galit na galit at nangangalaiting sumisigaw?"
"Totoo ba 'yan? Nakuhanan mo ba ng video?"
"Ofcourse, reliable ang source ko."
Napaisip ako bigla. "So they must be up to something," aniko saka tiningnan si Ace. "But what? Matagal ko na silang pinapaimbestigahan kay Curtis pero wala akong makitang kabuktutan sa family background ng mga Morales."
"No worry will find it out. Mag-iimbistiga din kami. Nakita rin pala ni Thur si Mrs. Gowiengco sa loob ng restaurant sa Makati kasama si Mr. Stanley Morales. Narinig niyang nagtanong ang Daddy ni Bryce tungkol sa Skysuites Tower at nabanggit ni Mrs. Gowiengco na sayo niya ipinagbili ang Tower hindi kay Mr. Brown kapalit ng paghawak mo ng mga negosyo nilang papalubog na."
"F*ck--I can't believed it! Sinabi niya ang lahat ng 'yon?!"
"Loud and clear."
I cursed many times. Tinungga ko ang alak saka muling tinungo ang minibar at nagsalin.
"Hindi ko akalain na isisiwalat ni Mrs. Gowiengco sa iba ang napagkasunduan namin." naikuyom ko ang aking mga kamao sa galit. "Ibig sabihin she's not afraid of me anymore. Probably someone backing up on her kaya nagkalakas siya ng loob para ilaglag ako."
"I guess they're lovers. Nakita sila ni Dax magkahiwalay lumabas ng La-Shangri Royale pero iisang kotse lang ang sinakyan nila sa basement."
"Ha?" napatanga ako bigla sa kanyang sinabi. "Did you have any proof with that?"
Tumayo siya at naupo sa edge ng mesa. Tinuro ang mga nagkalat na pictures sa ibabaw no'n. Nilapitan ko iyon saka muling hinanap ang sinasabi niya. Hindi na ako nagulat ng makita kong pareho nga ang kotseng pinasukan no'ng dalawa.
"Quite suspicious. . . pero lovers agad-agad? I mean, hindi ba pwedeng nag-casino lang? Or baka naman may pinag-usapan lang sila about business sa loob ng kotse. She's a businesswoman after all."
Nakatawa siyang sumimsim sa kanyang goblet. "Magdamag silang magkasama sa loob ng private room ng La-Shangri Royale tapos nag-casino lang at iisang kotse pa ang sinakyan paalis? Believe it or not may something talaga sa kanila. At sigurado kami na ikaw na ang pinupuntirya ni Morales."
"Sh*t... malaking problema 'to."
"Malaki talaga lalo't pati si Farehn na patay na patay sayo pinag-aaway 'yong mga babaeng nalilink sayo."
"Seriously? When? Bakit 'di ko yata nabalitaan 'yan?"
"She did that discreetly. Caught in the act with Third's camera."
"TheFuck--?
"Meron pa Bro; ilang beses din siyang nakita ni Third na nakasunod sayo habang sinusundan mo si Miss A. To cut the story short; ini-stalked niya na rin si Miss A. Pinuntahan niya pa nga sa kompanya nila e. Your wife and your son's life is in danger now."
Malutong akong napamura ulit.
"Double the security in that building."
"Ginawa na namin."
"Anong ginagawa pala ni Thur doon sa Makati?"
"Pinuntahan 'yong kaibigan ni Miss Montecellio sa salon. Nagtanong-tanong tungkol kay Julius. Nagkataon naman na nandun din si Mrs. Gowiengco. Sabi ni Jordan regular nilang costumer 'yon. Nakita daw ni Thur na sinundo ni Mr. Stanley Morales si Mrs. Gowiengco doon sa labas ng salon kaya sinundan niya 'yong dalawa bago siya pumunta ng San Agustin."
Tinungga ko ang laman ng kopita ko at muling nagsalin. "So why Zephanie drugged my wife? May kinalaman ba 'yong tatlo?"
"Actually ginamit lang nila si Zephanie. The truth is, si Scarlet ang utak sa lahat ng nangyari. And I also heard Misha mention revenge about what happened to her bestfriend named Sofia."
"S-Sofia?" sounds familiar.
"Yes. Kung sino 'yon inaalam pa namin. At hindi pa rin kami sigurado kung involved nga si Joshua sa nangyari pero base sa mga nakalap ni Dax na info mukhang wala talaga. Nag-away pa nga daw sina Joshua at Scarlet ng marinig no'n ang usapan nina Serena tungkol doon sa tatlong lalaking inupahan nila na pinabugbog mo. Nakita rin ni Dax si Misha twice na may kausap na 'di pa namin kilalang lalaki. May kasama din siya sa airport no'ng lumuwas siya ng bansa."
"Kay Catleya? Wala bang additional info si Fifth?"
"Kinaibigan niya lang si Miss A dahil kay Boss Keith. Tingin namin isa siyang espeya. Dalawang beses siyang nakita ni Fifth kasama si Devur e."
"F*ck... pupuntahan ko si Keith."
"Hindi ka pa rin ba magpapakita sa mag-ina mo?"
"Papunta siya sa mansyon nila. Sana maabutan ko doon."
"Naku, bilisan mo. Patung-patong ang magiging atraso mo Bro oras na mabuking nila ang lihim niyo. Buti kung ipagtanggol ka ni Miss A e halos isumpa ka no'n dahil sa kumalat na balita at mga pictures mo sa internet noon."
Goosebumps. Halos mabitawan ko ang hawak na baso sa gulat. Bigla rin akong kinabahan. Damn. After all those years simula ng iwan ni Mom si Dad ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganito. Takot na hindi ko mawari.
I gulped. "G-Galit siya sa akin?"
"Galit na galit. She's ranting at me almost everyday inside the car all the way to the office."
F*ck! Tinungga ni Ace ang alak sa kanyang kopita sabay tayo. Naitulos naman ako sa aking kinatatayuan habang nakasunod ang tingin sa kanya. Nakakainis niya akong nginisian.
"Goodluck sa pagpapaamo sa dragon na 'yon. See you around boss." sabay layas.
I massage my temple. "What do I do now? Napasama pa yata tuloy lalo 'yong ginawa kong pag-iiwas at pagpapaselos sa kanya--damn it. Buong akala ko wala siyang paki 'yon pala. . . 'di man lang sinabi sa'kin ng Ace na 'yon. Pati ni Colt!" hindi mapakaling nagpabalik-balik na ako ng lakad. "Pero kung galit na galit siya sa akin meaning. . . hindi kaya nagselos siya? Imposibleng magalit 'yon ng walang dahilan. Or maybe galit siya dahil pwersahan ko siyang pinakasalan tapos iniisip niya na. . . oh dammit!"
Malalaking hakbang na lumabas ako ng opisina. Dumeritso ako sa kotse. I'm about to start the engine ng ma-realize kong dala-dala ko pala 'yong goblet. Malutong akong napamura. Kaya pala pinagtitinginan ako ng mga empleyado at no'ng apat na tauhan ko pagkalabas ko ng elevator.
Kailan pa ako nawala sa sarili?
Kailan pa ako nataranta sa isang babae?
F*ck--This is not me!
Hinugot ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko ng walang humpay na mag-vibrate iyon. Nalukot ang aking noo sa nakita kong nag-pop up na video sa GC namin kasunod ang sangkaterbang kantiyaw. Halos lahat laughing with tears emoji. May gumugulong pa habang tumatawa nakahawak sa tiyan ang kamay. Tapos. . .
THE COLD AND DANGEROUS BILLIONAIRE JOE RYAN ARAGON MAY BITBIT NA GOBLET PALABAS NG AIR VOICE TECS COMPANY. SAAN KAYA MAKIKIPAG-INUMAN 'YON?
Kantiyawan ulit sila. May mga nagsend pang voice clips. At ako ang pulutan.
"Damn you Ace!"
Kaagad kong pinaharurot ang kotse.
Nasa kasagsagan na ako ng byahe ng mapansin ko ang mga naghahabulan sa gilid ng kalsada. Napakunot-noo ako sa aking nakita. Mga pulis kabilang si Sergeant Lopez, hinahabol ang limang miyembro ng Buhawi Gang.
Hanggang sa nakita kong nagpaputok ang mga ito. Gumanti ang mga pulis. Nabulabog ang mga taong nakakita. Nagsipagtakbuhan ang mga nagtitinda sa bangketa.
Nakalimutan kong huminga ng malingunan ko doon si Aishleen na bumibili ng mga prutas. Makailang-ulit pa akong kumurap-kurap baka namamalikmata lang ako pero siya talaga! Parang tangang nakatanaw pa sa mga ito.
"TheFuck--! At nakuha niya pa talagang manood?!" akmang bababa ako ng kotse ng matanaw kong bigla na lang sumulpot si Colt at hinatak palayo si Aish. Hingal na pinakawalan ko ang aking hininga. "Damn... malapit na akong ma-heart attack sa kanya."
*****
AISHLEEN
"Si Ate Cristal 'yon diba?"
Nakatanaw pa rin ako sa mga pulis na naghahabulan habang hatak-hatak ako ni Colt papunta sa sasakyan.
"Yes, Miss A." sagot niya matapos akong papasukin sa loob.
Nagmamadali siyang umikot sa driver seat at pinaandar ang kotse. Inilapag ko ang isang plastik na mga prutas sa tabi ko saka muling tumanaw sa labas.
"Oh, 'yong superhero kong Kuya sumulpot na naman."
Nakangiting turo ko kay Colt sa lalaking nakaitim na overall na damit, may itim din na suot na sumbrero na humarang sa limang lalaking hinahabol ng mga pulis. Mabilis ang mga kilos na napatumba ang apat, 'yong isa nakatakas. Hinabol iyon ng ibang pulis. 'Yong iba pinusasan at dinampot 'yong apat. Si Ate Cristal nakatutok pa rin ang baril kay Kuya habang nakatitig ang dalawa sa isa't isa. Saka dahan-dahan na ibinaba ang baril. Nilingon nito ang mga kasamahan na pulis, parang palos na tumalilis naman kaagad si Kuya. Sinundan ko ito ng tingin. Tumawid sa kabilang kalsada at pumasok sa pulang kotse.
Tinuro ko iyon kay Colt. "Sino 'yong kasama ni Kuya sa kotse na 'yon?"
Nilingon niya iyon saka muli ring binaling ang tingin sa unahan. Mas binilisan pa lalo ang pagpapatakbo ng sasakyan.
"One of his Bud Brothers."
"Bud brothers?" parang narinig ko na 'yon noong college ako sa campus.
"Yes."
"Sino?"
"Hindi mo kilala ang mga kaibigan ng Kuya mo?"
"'Yung iba lang na madalas kasama niya sa bahay. . . like Kuya JM, Kuya Wayne. . ."
"Actually they're six. Lahat naman sila pumunta na sa mansyon niyo. 'Di mo lang siguro nakita."
"Six Bud Brothers?"
"Yep."
"Sino-sino sila?"
"Tanungin mo na lang ang Kuya mo, Miss A."
I t'sked. "Big deal ba 'yon? Hindi ba pwedeng ikaw na lang magsabi kung sino sila?"
"Wala pa si Ace. Hindi ako pwedeng masuspende."
Nabuhay bigla ang galit sa dibdib ko sa sinabi niya. "Alam mo 'yang Boss mo sumusubra na; 'wag kamo siyang magkakamaling magpakita sa akin dahil papatayin ko talaga siya!"
"Nagseselos ka pa rin ba kay Farehn? Walang halaga ang babaeng 'yon kay Boss, Miss A."
I scoffed. "Ba't naman ako magseselos sa Farehn na 'yon? Mambababae na nga lang ang Boss mo sa mukhang takong pa ng sapatos ko."
He chuckled. "Believe me Miss A, tanging ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ni Boss."
"Ba't mo ba laging pinagtatakpan ang hinayupak na 'yon?"
"He's my boss kaya--"
"Asawa niya ako!" angil ko sa kanya. "Alam mong pwersahan niya akong pinakasalan tapos nagkakalat siya sa media?! Anong klaseng utak meron siya?"
"It's been a years Miss A, hindi ka pa rin ba maka-move on sa mga stolen shots na 'yon? Media is media Miss A. Gumagawa sila ng hype for entertainment purposes. Doon sila kumikita. And I'm telling you, fake news lahat ng nakita at nabasa mo. Denelete na sa internet diba?"
"'Wag mo ngang bilugin ang ulo ko. Hindi ako tanga. Pinakita mismo sa akin ni Farehn ang engagement ring nila ni Ryan at hindi lang 'yon pinagbantaan niya pa ako doon mismo sa loob ng opisina ko! Ang kapal ng apog ng kabit niya. Can you imagine that? Pagkatapos ng ginawa sa akin ni Bryce gagaguhin din ako ng Ryan na 'yon?! Baka 'di pa siya nadala sa suntok at sipa ko sa kanya." dinuro ko si Colt. "Pakisabi diyan sa Boss mo oras na makita ko siya sisiguraduhin kong hindi niya makakalimutan ang muling paghaharap naming dalawa. Ulit-ulitin mo sa kanya ng maintindihan niya. Sabihin mo 'yan ha!"
Nagdadabog na bumaba ako ng kotse pagkaparada sa loob ng mansyon ng mga magulang ko. Pero kaagad din akong natigilan ng makita ko ang pulang kotse na nakagarahe din doon. Nilingon ko ang gate saka muling tiningnan ang kotse.
"Kapareho 'to ng sinakyan na kotse ni Kuya kanina ah."
Pumasok ako sa loob ng bahay. Nagpalinga-linga ako pagdating ko sa sala. Subrang tahimik. Walang katao-tao.
"Mom? Dad? Nay Gil? I'm home!" tawag ko pero wala ni isang sumagot. "Saan pumunta ang mga 'yon?"
Dumeritso ako sa kusina. Inayos ko ang mga prutas sa lalagyanan na nasa gitna ng mesa, 'yong iba nilagay ko sa loob ng ref.
Engrossed na engrossed ako sa aking ginagawa ng maulinigan ko ang mga yabag at boses na patungo sa kinaroroonan ko.
"Wala na ba talagang atrasan 'yan Bro?" dinig kong pamilyar na boses ng lalaki. "Masyadong delikado ang pinaplano mo."
"Ngayon pa ba ako aatras e nakapasok na nga ako sa kuta nila?" boses ni Kuya. "Kumusta pala 'yong imbestigasyon niyo? May balita na ba?"
"Yan 'yong mga nakalap nila. Sabi ni Ace si Evo daw. Hindi rin ako sigurado kung tama ang iniisip ko pero tingin ko mukhang planado ang lahat. May kaugnayan sila kay Sofia. And they're after us for revenge."
"Sofia?"
"I guess its Sofia Collins. Wala naman akong maalalang ibang pangalan maliban sa babaeng 'yon ni JM."
"Nasabi mo na ba 'to kay JM---Aish? What are you doing here? Wala ka ba ngayong pasok sa opisina?"
Nakangiting nilingon ko si Kuya ng pumasok ito sa kusina ngunit unti-unti rin naglaho ang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang mukha ng lalaking kasama nito. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Nanlalaki naman ang aking mga matang napatitig sa kanya. Bahagya pang nakaawang ang aking mga labi sa subrang gulat.
Oh gosh, its him! What the hell he's doing here?! Magkaibigan sila ni Kuya?
____________________
@All Rights Reserved
Chrixiane22819
2023