Ilang minuto pa kami sa ganoong puwesto bago siya bahagyang umangat at tiningnan ang mukha ko. Iniiwas ko naman ang paningin ko sa kaniya kasi masama pa rin ang loob ko. Sinaktan na naman niya ako. “Zairah… please look at me…” mahina at puno ng pakikiusap na sambit niya. Walang galit o anumang dahas. Gayunpaman ay hindi ako makatingin sa kaniya. Sa halip ay kusang umagos sa gilid ng mga mata ko ang mga luha ko. Kumikirot ang dibdib ko, ganoon din ang lalamunan ko. Dahil sa mga ginagawa niya sa akin, pakiramdam ko ay isa na akong marumi at mababang uri ng babae. Kaya naman lalo akong nanliliit sa sarili ko. “Zairah…” muli ay tawag niya sa akin. Lalo lang kumirot ang dibdib ko at napapikit ako. Hindi ko talaga kayang salubungin ang mga tingin niya. Natatakot akong itatwa ako ng aking sar

