“Ano’ng ibig sabihin ng nakita ko?” seryoso at medyo demanding na tanong niya. Napalunok naman ako at parang hindi ko mahagilap ang dila ko. Hindi ko rin alam kung paano sasagot. Kilalang-kilala ako ni Tristan at alam na alam niya kapag magsisinungaling ako. "Tristan? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan habang lumalapit siya sa akin. “Dapat ako ang magtanong sa’yo niyan,” malamig na tugon niya. Hindi maikakaila ang galit at pagtataka sa boses niya. “Ano ‘yong nakita ko?” ulit pa niyang tanong. “Anong–?” Naputol ang sagot ko nang bigla niya akong sigawan. “Zairah, nakita ko! kitang-kita ko! Hinalikan ka niya!” Nanigas ako. Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang tanong niya. Ang galit sa mga mata niya ay ngayon ko pa lamang nasilayan. Kahit m

