Dumating ang araw na puwede nang ilabas ng ospital si Tita Laila. Nagulat pa ako dahil biglang dumating si Christian at sinabing siya raw ang maghahatid sa amin pauwi. Dahil dito ay sumama na naman ang timpla ni Tristan.
“Hija, sino ang lalaking ito?” malumanay na tanong ni Tita sa akin.
Agad naman akong ngumiti sa kaniya kahit na kanina pa parang tinatambol ang dibdib ko. “Ah, siya po si Sir Christian, Tita. Siya po iyong sinasabi ko sa inyong bago kong boss. Siya din po ang tumulong sa atin para makabayad dito sa ospital,” paliwanag ko. Napalunok ako nang mapansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Tristan saka bumuntong-hininga.
“Naku, hijo, ikaw pala iyon. Maraming-maraming salamat sa iyo. Napakalaking halaga ang nagastos namin dito sa ospital. Matatagalan pa bago kami makabayad nang kumpleto sa iyo,” may pag-aalalang sambit ni Tita pagkatapos magpasalamat.
Ngumiti naman si Christian kaya napaawang tuloy ang mga labi ko. Hindi ako puwedeng magkamali, totoo ang nakikita kong ngiti niya ngayon. At hindi ko maiwasang humanga dahil sadyang napaka-guwapo niya talaga.
“I’m glad to help,” tugon niya, saka makahulugang tumingin sa akin. “Sa palagay ko naman ay masipag at maasahan itong si Zairah kaya sigurado akong hindi niya ako bibiguin.”
Napatingin din sa akin si Tita at ngumiti. “Naku, tama ka diyan. Napakasipag at napakabait ng pamangkin kong ito. Hindi mo naitatanong, napakatalinong bata rin niyan, lalo na sa Math. Kaya lang ay hindi na niya naipagpatuloy pa ang pag-aaral niya gawa ng–”
“Tita, huwag ni’yo na pong isipin iyan!” putol ko naman agad sa kaniya. “Tara na po!”
Napapailing naman siya. “Ikaw talagang bata ko, oo…”
Agad na lumapit si Tristan sa kaniya para alalayan siya. “Tara na po, Tita. Hiniram ko po ang tricycle ni Mang Edong para masundo ko kayo.”
“Salamat, Tristan!” sambit ko naman.
“What is a f*****g tricycle?” kunot-noong tanong ni Christian. Napalunok pa nga ako nang tingnan siya ng masama ni Tristan. “Ako na lang ang maghahatid sa kanila.”
“Hindi na kailangan. Nandito na ako, kaya ako na ang bahala,” giit naman ni Tristan.
“Hay, huwag na kayong magtalo,” sabad na ni Tita. Kanina pa kasi nila pinagtatalunan ito. “Christian, hijo, salamat sa pagmamagandang-loob mo. Kaya lang ay masyado na kaming maraming abala sa iyo, kaya hayaan mo nang si Tristan ang maghatid sa amin.”
Natigilan si Christian. Halatang hindi niya inaasahan iyon pero gayunpaman ay napangiti pa rin siya. “Okay. And by the way, I already hired a private nurse who will take care of your aunt while you work,” baling niya sa akin.
Napanganga naman ako. “H-Ha? Naku, hindi na kailangan kasi wala kaming pambayad kung–”
Matiim niya akong tinitigan kaya napatikom ako ng bibig. “I am working until late time, oftenimes. And I need you to be by my side whenever I do that. Besides, there are still enough funds left for you to pay the nurse,” pagbibigay-diin niya.
Mahina lang ang pagkakasabi niya at halatang ayaw niya iyong iparinig kahit kay Tita. Napabuntong-hininga naman ako at tumango. Medyo nakakakaba palang kausap itong si Christian kapag ang seryoso ng mukha niya.
Kaya sa huli ay si Tristan ang naghatid kay Tita at sa nurse na mag-aalaga sa kaniya. Ako naman ay sa sasakyan ni Christian kasi may mga pag-uusapan pa raw kami tungkol sa detalye ng magiging trabaho ko sa kaniya.
“Bakit ba dikit nang dikit sa iyo ang Tristan na iyon? Is he your boyfriend? Siya ba ang sinasabi mong boyfriend mo dati?” seryosong tanong ni Christian. Nasa likod kami at tanging ang driver lang ang nasa harapan.
Nararamdaman ko ang presensiya niya at nalalanghap ang pabango niyang halatang mamahalin. Hindi na nga ako halos humihinga kasi talagang nai-intimidate ako sa kaniya.
“Kababata ko si Tristan. Matagal na siyang nanliligaw sa akin, pero hindi ko pa sinasagot. At hindi totoong may boyfriend ako,” pag-amin ko. Wala na rin namang saysay kung magsisinungaling pa ako.
“Good!” tanging naisagot niya kaya napalingon ako sa kaniya. Pero hindi naman na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa bahay.
“You live here?” tila hindi makapaniwalang tanong niya.
Nagbuga ako ng hangin. “Yes, Sir! Gusto mo bang pumasok?” tanong ko. Sa labas naman ay nakikiusyoso ang nagkukumpulang mga kapitbahay. Malamang ay tinitingnan nila itong magarang sasakyan ni Christian.
“No need. This is a slum area. Paano kayo nakakatagal dito? Look. Everywhere looks so dirty. Maging ang kalsada rito, sira-sira!” pansin niya.
Umikot naman ang mga mata ko at napapailing na lang. “Sanayan lang po, Sir! Sige po, kung hindi na kayo bababa, magpapaalam na po ako.”
Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang pigilan niya ako sa pamamagitan nang paghawak sa braso ko. “I will buy you a new house. Kaya nagkakasakit ang tita mo kasi marumi ang environment. It’s not healthy for her to–”
“Wait lang po, Sir, ha? Ibibili ni’yo po kami ng bagong bahay? Okay lang po ba kayo? Ano’ng akala n’yo sa bahay, candy na gano’n lang kabilis bilhin?” nawiwirduhang tanong ko at pilit na binabawi ang braso ko pero ayaw niyang bitiwan.
“Of course, it’s easy to buy a house! Are you crazy? Just say ‘yes’ and I will call my lawyer to arrange it for you,” matigas niyang saad.
Napanganga talaga ako at hindi nakasagot. Nakatitig lang ako sa kaniya na para bang may kausap akong nawawala sa sarili. At hindi naglaon ay natawa na lamang ako.
“Naku, ikaw talaga, Sir, medyo nakakaloka ka rin, eh! Sige po baba na po ako. Magkita na lang po tayo bukas sa office ninyo. Salamat po pala sa paghatid,” paalam ko nang muli.
Siya naman ngayon ang kumunot ang noo at pinalaya na ang braso ko. Bumaba na ako ng sasakyan niya at kumaway pa sa kaniya. Pagkatapos ay lumakad na ako patungo sa bahay namin. Mas nauna kaming nakarating kaysa kina Tita at Tristan kasi nga mabilis iyong sasakyan ni Christian.
Kalaunan ay dumating na rin sina Tita at inalalayan namin siyang bumaba, hanggang sa makarating sa bahay. Si Tristan naman ang nagbuhat ng lahat ng dinalang gamit sa ospital.
“Naku, Laila, doble ingat ka na ngayon, ha? Kailangan mo nang tamang pahinga,” bilin agad ng Lola ni Tristan. Tumuloy na sila sa kuwarto ni Tita, kasama si Nurse Gia.
“Sigurado ka na ba talaga sa trabaho mo doon sa Christian na iyon? Napakayabang na lalaking ‘yon porke maraming pera!” maya-maya ay asik ni Tristan. Naririto na kami sa kusina dahil kailangan ko nang magluto ng pananghalian.
“May choice ba ako?” balik-tanong ko naman sa kaniya. “Mas mabuti na rin ito. Mas malaki naman ang sasahurin ko. Tapos, makakabayad na rin ako ng utang ko sa mga ginastos ni Tita.”
“Halata namang inipit ka niya at ginamit ang sitwayson mo. Paano kung may masama palang binabalak sa iyo ‘yon? Masama talaga ang kutob ko sa lalaking iyon, Zairah!” tila nanggagalaiting saad ni Tristan. Mababakas pa rin ang galit sa mukha at tono niya.
“Hayaan mo na. Hindi naman siguro gano’n ‘yon. Isa pa, Mabuti na nga lang at mayroon siya. Kung hindi, baka… baka, tuluyan nang nawala sa akin si Tita,” malungkot kong pahayag.
Lumamlam naman ang mga mata niya at halatang na-guilty. “Sorry, Zairah. Sorry, kung hindi ako nakatulong sa iyo para sa pagpapaopera ni Tita Laila. Kaya nga nag-aaral akong mabuti para kahit papaano ay maging maayos ang buhay ko. At mabigyan kita ng magandnag kinabukasan,” seryosong sagot niya kaya napalunok ako.
Lumakad siya palapit sa akin kaya lalong kumabog ang dibdib ko. “A-Ano bang pinagsasasabi mo, Tristan? Mag-aral ka para sa kinabukasan mo. At huwag mo akong alalahanin kasi kaya ko ito,” paniniguro ko naman sa kaniya.
Dumilim naman ang mukha niya. “Huwag kang magkunwaring walang alam, Zairah! Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin!” angil na niya sa akin. Tumalikod ako para harapin ang lutuan.
Naririto na naman kami at wala pa ako sa mood para pag-usapan na naman ito. Ilang beses ko na siyang tinapat na wala talaga akong nararamdaman para sa kaniya na higit pa sa pagkakaibigan. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya kahit ano ang gawin ko.
“Okay, pagod ako at wala akong energy makipagtalo sa iyo ngayon. Magluto na lang tayo para makakain na tayo,” pag-iiba ko sa tinatahak ng usapan namin. Sumimangot siya pero hindi naman na kumontra pa at tinulungan na lamang ako sa ginagawa.
Kinabukasan ay kabadong-kabado ako habang papasok sa lobby ng Château Kristine. Ang main business pala nitong si Christian ay tungkol sa iba’t ibang klase ng wine na ipinangalan daw niya sa Mommy niya. Mas sikat pala ang Château Kristine sa Europe at Amerika at ang main grape farm nila ay wala dito sa Pilipinas kung hindi nasa Greece at Spain.
Ang reception desk ay gawa sa makinis na marmol na may mga inukit na disenyo, napakalinis at modern. Nginitian ako ng receptionist, suot ang isang tailored na unipormeng may embroidered na logo ng kumpanya.
“Good morning, Ma’am! How may we help you?” banayad na bati sa akin ng magandang babae na nasa front desk. Grabe, ang gaganda ng lahat ng nandito.
Pagkapasok ko pa lang sa lobby kanina ay ramdam ko agad ang kakaibang atmosphere ng kumpanya. Parang ibang mundo ito, walang katulad na klaseng karangyaan ang bumalot sa paligid ko. Ang mga marmol na sahig ay tila kuminang sa bawat hakbang ko, habang ang mga pader ay napapalamutian ng mga eleganteng chandeliers na tila kumikislap na ginto at kristal.
Maaliwalas sa mga mata ang mga kulay gintong beige at dark burgundy, na para bang nilikha upang iparamdam sa lahat ng pumapasok na sila'y welcome ngunit sabay na ipinaparamdam din ang kapangyarihan at karangyaan ng lugar na ito. Ramdam na ramdam ko ang pagiging hampaslupa dito.
Ang bawat detalye, mula sa mga bulaklak na maingat na nakaayos sa mga vase hanggang sa malamyos na musika na umaalingawngaw sa hangin, ay nagsasabing ang building na ito ay hindi basta-basta –sadyang napaka-elegante.
“Ah, saan po ang CEO’s office? Doon po kasi ako pupunta?” kabadong sagot ko, pero naka-plaster pa rin ang ngiti sa mga labi ko. Dapat ay confident ako para hindi ako magmukhang timang dito.
“Oh. Do you have an appointment? What is your name, please?” magalang na tanong ulit ng receptionist saka tila may tintiingnan sa screen ng monitor niya.
Agad naman akong tumango. “Yes po. I am Zairah Antonino. Hinihintay na po ako ni Sir Christian. Ako po ang bago niyang personal assistant!” pakilala ko sa sarili.
Sabay naman silang napatingin sa akin ng dalawang kasama niya. Pagkatapos ay hinagod nila ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“New personal assiatant? Ikaw?” tila nanunuyang tanong no’ng isa at muli akong tiningnan pataas at pababa.
Napalunok ako at ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Bakit ba ganito na lamang sila makatingin? Nakakapanliit, eh. “A-Ako nga po… saan po ang opisina niya kasi baka ma-late na po ako,” pakiusap ko na sa kanila.
“You wait. I have to call his secretary first to confirm if you’re telling the truth,” malamig na saad ng babaeng kausap ko kanina. Biglang naging malamig ang trato nito sa akin at panay naman ang irap at palihim na bulungan ng dalawa pa niyang kasama. Ano kayang problema nila?
Maya-maya ay may kinausap na sa telepono iyong receptionist. “Okay. Sige, sige,” sagot nito sa kausap. Nang matapos ang tawag ay muli siyang bumaling sa akin.
“You take the leftmost corner elevator. Tapos pindutin mo ang top floor,” utos nito sa akin.
Marunong ka bang gumamit ng elevator?” nang-uuyam pang tanong ng kasama niya. Nag-uumpisa nang kumulo ang ulo ko pero mas pinili ko na lamang na huwag patulan ang mga kaharap ko.
“Maraming salamat po,” sabi ko na lang at tinungo na ang sinasabi nilang elevator.
“Gosh, sino iyon? Totoo bang kumuha si Sir ng ganoong PA? Walang ka-class-class!” narinig ko pang pahabol na komento ng isa. Ewan ko kung sinadya ba talagang iparinig sa akin iyon.
Sumakay ako ng elevator papunta sa opisina ng CEO. Nang bumukas ang pinto ng elevator sa top floor, sumalubong sa akin ang isang napakalawak na hallway, at ang bawat hakbang ko ay nagmamarka sa makintab na sahig.
Pagdating ko sa opisina ng CEO, huminga ako nang malalim. Ang pintuan ay gawa sa dark wood, may mga ukit na tila bumabalik sa mga sinaunang panahon pero napaka-modenize pa rin ng itsura.
Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang opisina na tila isang art gallery. Ang mga malalaking bintana ay nagpapakita ng tanawin ng malawak na vineyard, habang ang natural na liwanag ay nagpapaliwanag sa bawat sulok ng kwarto.
Napatingin ako sa isang gilid na may lamesa. “Hello, ikaw ba si Ms. Antonino?” tanong sa akin ng lalaking tila secretary yata doon.
Lumapit ako sa kaniya at tumango na nakangiti. “Ako nga po. Good morning po!” bati ko sa kaniya.
“Parating pa lang si Sir, pero puwede ka nang pumasok. Iyong mas maliit na desk ay iyon ang magiging puwesto mo. Ako ngapala si Kevin, ang secretary ni Mr. Ty. Nice to meet you, Ms. Antonino.” Inilahad nito ang kamay sa akin at agad ko namang tinanggap.
“Hi! Zairah na lang ang itawag mo sa akin. Sobrang formal naman ng Miss Antonino,” nahihiyang pakiusap ko.
Mahina naman siyang natawa kaya kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko.
"Okay, Zairah," panimula niya, "bago kayo magkausap ni Sir, gusto ko muna sanang ipaliwanag ang magiging trabaho mo rito bilang Personal Assistant. Maupo muna tayo," alok niya at itinuro ang isang set ng sofa na tila ba nagsisilbing waiting area.
Halos sabay kaming naupo at hinintay ko ang sasabihin niya.
"Alam kong medyo nakakalito kung minsan ang roles ng isang Personal Assistant at isang Secretary, kaya nais kong linawin ito para hindi tayo magkaproblema sa trabaho," sabi niya habang maingat niyang binuksan ang clipboard. Ako naman ay mataman lamang na nakikinig.
"Bilang secretary," patuloy niya, "ang primary role ko ay mag-manage ng mga administrative tasks para kay Sir, kagaya ng pag-schedule ng mga meetings, pagtanggap ng tawag, pag-organize ng mga files, at pagsisiguro na maayos ang flow ng araw niya. Ako ang parang tulay niya sa mga tao at sa mga dokumento na kailangan niyang maasikaso araw-araw."
Seryoso ang titig niya sa akin pero hindi naman intimidating na gaya ng mga babae sa baba. "Pero bilang Personal Assistant, ang role mo ay mas personal at mas malalim. Mas tututok ka sa mga bagay na hindi laging related sa trabaho, kagaya ng pag-aayos ng mga personal commitments, pagiging kasama ka niya sa mga biyahe o high-profile events, at minsan pati mga confidential na projects na hindi ko maaaring pakialaman."
Tumango ako bilang tugon. "So, more likely, I’ll be his shadow?" tanong ko. Sana tama iyong English ko, lintek.
Magaang tumawa si Kevin. "Yes, exactly! You’ll need to anticipate his needs before he even realizes them. Minsan, kahit hindi niya sabihin directly, dapat alam mo na kung ano ang dapat gawin. You're there to make sure he stays focused on the bigger picture while you handle everything else, including personal details like securing reservations, organizing his travel itinerary, and handling sensitive communications."
Napansin kong hindi pala madali ang magiging trabaho ko, pero parang exciting rin ito. "And that’s why it’s different from your work as a secretary," tanong ko, pakitang gilas ulit akong mag-English. Actually, matatas talaga ako. Ako kasi ang panlaban ng school namin sa mga debate at oratorical competetion. Noong nag-work immersion kami ay sinabihan akong impressive daw ang communication skills ko. Mukhang magagamit ko pala iyon dito.
"Tama ka," sagot niya. "Kahit pareho tayong nagtatrabaho nang malapit kay Sir, magkaiba ang focus natin. Ako ay nandito para sa logistical and operational aspects, habang ikaw ay magiging katuwang niya para masigurong walang distractions sa kaniyang mga personal at strategic goals."
Tumayo siya at iniabot sa akin ang clipboard. "Welcome to the team, Zairah. I'm sure you’ll do great. At kung may mga katanungan ka, huwag kang mag-atubiling magsabi sa akin."
Ngumiti ako, at tuluyan na ring nawala ang kabang nararamdaman ko kanina. "Salamat, Kevin. Sana nga magawa ko nang tama ang trabaho ko."
“Ilang taon ka na nga ulit, Zairah?” magiliw na tanong niya sa akin.
“Twenty pa lang ako, Kevin,” kiming sagot ko.
Kumunot naman ang noo niya. “Ibig sabihin, hindi ka pa graduate ng college?” may pagtatakang tanong niya.
Malungkot akong umiling. “Never akong nakatuntong ng college. Pero naka-graduate ako ng senior high. Nagmagandang loob lang si Sir at tinulungan ako kaya ako nagkaroon ng trabaho rito,” paliwanag ko naman.
Tumango-tango siya at tinapik ang balikat ko para palakasin ang loob ko. “Gano’n ba? ingat ka na lang, kasi medyo maselan at perfectionist si Sir Ty. Pero mabait naman siya sa mga empleyado at–”
“What is happening here?”
Ang dumadagundong na boses ni Christian ang pumutol sa pananalita ni Kevin. Tumayo ito nang tuwid at humarap kay Christian.
“Good morning, Sir! I was just explaining to Zairah her role as your Personal Assistant,” magalang na sagot agad ni Kevin.
Ako naman ay nanumbalik ang kaba ko kasi parang galit si Christian dahil ang madilim ang mukha. Pakiramdam ko tuloy ay biglang umurong ang dila ko.
“Pumasok ka na, Ms. Antonino. I hate it when my employees waste their time!” maawtoridad na utos nito at tumango lang kay Kevin. Pagkatapos ay pumasok na sa pintuang salamin papasok sa opisina niya.
“Good luck, Zairah!” pagchi-cheer pa sa akin ni Kevin. Ngumiti ako at tumango sa kaniya saka sumunod na kay Christian sa loob.
Malamig at mabango ang loob ng office ni Christian. Ang desk niya ay gawa sa makintab na kahoy na tila hinubog mula sa isang napakamahal na puno, at may mga exclusive wine bottles na naka-display sa likod, bawat isa ay mukhang isang mamahaling alahas.
“Come here, Zairah!” tawag niya sa akin. Mabilis naman akong lumapit.
“Good morning, Sir!” ninenerbryos na bati ko sa kaniya.
“This will be your desk,” turo niya sa magandang lamesa sa sulok ng office. May isang set ng computer monitor doon, sa bandang likod ay may maliit na cabinet. Maging ang upuan ay napakaganda at halatang masarap upuan habang nagtatrabaho.
“Thank you, Asir! Ang ganda po,” sabi ko, pero iginagala ko pa rin ang mga mata sa paligid.
Pero nagulat ako nang sobra siyang lumapit sa akin at ganoon din ang mukha niya sa akin. “Tandaan mo, susunod ka sa lahat ng gusto ko, and you will be rewarded. Defy me, and you will be punished. Do you understand?”
Sunod-sunod akong tumango pero hindi na ako makahinga. Ang lapit-lapit kasi ng mukha niya at nagugulo ang isip ko. Parang nanlalambot ang mga tuhod ko at nawawalan ng lakas.
“Y-Yes, Sir…” napasinghap pa ako nang biglang umangat ang isang kamay niya at humaplos sa pisngi ko.
“You are so pretty, Zairah. I can’t wait to have my way on you… you’re mine! You are so mine!” pinadaan niya ang hinlalaki niya sa mga labi ko, medyo madiin kaya napalunok na naman ako. “Now, make me coffee. Then later on, I will introduce to you our products.”
Dumiretso na siya ng tayo at doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay parang wala na akong ibang naririnig kung hindi iyon. Ang lamig-lamig ng buga ng aircon pero bigla akong pinagpawisan.
Pagkatapos niya akong i-orient sa mga dapat kong gawin sa buong araw ay dinala niya ako sa tinatawag niyang private room sa office niya. Nanlaki ang mga mata ko kasi literal na puro salamin ang dingding niyon. Sinumang may takot sa height ay hindi puwedeng magtagal doon. Kasi sa pakiramdam ko ay parang literal kaming nakalutang ni Christian sa kalawakan.
Kitang-kita sa baba ang lahat, lalong-lalo na ang napakalawak na ubasan. Ngayon palang ako nakakita ng grape farm at hindi ko akalaing napakaganda pala.
“Mas magaganda ang mga farm natin sa Greece at Spain. One of these days, I will bring you there,” banggit niya habang inihehelera sa glass table ang sampung bote ng wine.
“Talaga? Isasama mo ako sa ibang bansa?” nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang bulalas ko.
Natawa naman siya sa reaksyon ko pero tumango pa rin. “Of course! You are may PA, kaya kung nasaan ako, naroroon ka rin. Iyan ang trabaho mo, hindi ba?”
Sunod-sunod akong tumango, habang nagpatuloy naman siya sa pagsasalita. “Now, come here! You need to learn this.”
Lumapit naman agad ako at namangha sa mga boteng nasa lamesa. Sa hitsura pa lang ng mga iyon ay halatang yayamanin na talaga.
"Zairah," panimula niya. "These are ten of our finest selections, and part of your role is to be intimately familiar with them. You’ll need to know their names, their origins, and of course, their taste profiles."
Tumingin ako sa mga bote, at bawat isa ay parang isang piraso ng sining, eleganteng nakabalot sa mga label na tila minana mula sa mga fine vineyard ng France at Italy.
"Simulan natin sa una," sabi niya at kinuha ang unang bote. "Ito ay ang 'Château Lune d'Or.' Isa ito sa mga flagship wines natin, gawa mula sa isang specific blend ng Merlot at Cabernet Sauvignon." Inabot niya sa akin ang baso at pinahawak ang bote.
“Una pa lang, ang hirap nang i-memorize ang pangalan,” reklamo ko at napakamot sa ulo ko. Inamoy ko ang aroma, may halong fruity at woodsy scents. Tumikim ako nang kaunti, at hindi ko akalaing masarap pala. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti.
"Sunod ay ang 'Rosé de Minuit,'" sabi niya, dinampot ang pangalawang bote, isang malarosas na alak na may mas banayad at floral notes. "This is perfect for our lighter occasions, typically served with seafood."
Isang sip lang ay ramdam ko na ang freshness nito, parang inilulutang ka ng bawat patak. Soju at Mojito pa lang ang natikman kong alak. Masarap pala ang mga wine.
Bawat bote ay may sariling kuwento, sariling identity. Ang pangatlo ay 'Soleil Noir,' isang dark and intense wine na may kakaibang smoky flavor. Sumunod ang 'Fleur de Vigne,' isang mas sweet na white wine, at 'Terra Roja,' na galing sa malalayong bahagi ng Spain na mayrioong robust at earthy flavor.
Habang isa-isa niyang ipinapakilala ang mga bote, sinisikap kong tandaan ang bawat pangalan at karakter ng alak. Sobrang hirap pero kailangan ko itong mamemorya. "Bordeaux de Lumière," maya-maya ay sambit niya sa sumunod na bote, isang classic na French Bordeaux na malalim at complex. Ang mga sumusunod naman ay 'Vino Imperiale,' isang napakabihirang Italian red; 'Côte d'Argent,' isang crisp and clean white wine; at 'Nocturne du Roi,' isang deep, velvety red na sumasalamin sa prestige ng ating koleksyon.”
Sa panghuli ay hinawakan niya ang isang bote na tila pinakamaganda sa lahat. "At ito," aniya, "ang 'Perle des Étoiles.' Isa itong sparkling wine na bihira lang naming ilabas sa merkado. It's like a celebration in a bottle, and a limited edition."
Tumikim ako, at agad akong napangiti sa matamis at lively na lasa ng mga bula sa aking dila.
"Your task," sabi pa ni Sir Christian, "is to not only memorize these names and their profiles but to also understand them. They are more than just products. They represent the soul of this company. Bawat wine na ito ay may sariling karakter, at bahagi ng tungkulin mo bilang Personal Assistant ay maiparating iyon sa ating mga kliyente at partners."
Nagpatuloy kami sa pagtikim at pag-uusap tungkol sa bawat bote, at unti-unti kong nadama ang bigat at halaga ng responsibilidad ko. Kailangang kilalanin ko na hindi lang ang bawat wine, kundi ang art at history na bumabalot sa bawat bote. Pero ang mas namangha ako sa lahat ay sa presyo ng mga iyon.
Iyong pinakamura ay ten thousand pesos isa, habang iyong pinakamahal naman ay 250,000 isa. Grabe! Sino naman ang iinom ng ganoon kamahal na alak? Literal yatang bawat patak ay libo ang halaga.
Lumipas ang dalawang linggo at naging maayos naman ang trabaho ko. Madalas lang ay nagkakaroon ako ng awkward feeling dahil madalas ay ramdam ko ang malalim at matiim na mga titig ng boss ko sa akin.
Kapag nahuhuli ko siya ay hindi man lang niya ibinabaling ang paningin sa iba, bagkus ay para bang ipinararating pa sa akin na binabatayan niya ang mga detalye ng bawat galaw ko.
Hanggang isang araw ay napakainit ng ulo niya at hindi ko malaman kung bakit. Biglang-bigla ay nasa ganito kaming sitwasyon kung saan ipinaalala niya sa akin ang trauma na naranasan ko kay Uncle Sherwin noong bata pa ako.
“Walang babaeng puwedeng mag-inarte sa akin!” galit niyang saad saka ako isinandal sa pader at inipit niya ako roon sa pamamagitan ng katawan niya. He is very tall and a large built. Walang-wala ang height kong 5’2” at manipis kong katawan sa laki niya.
The continuation from Prologue…
“S-Sir, huwag!” ngunit wala na akong nagawa nang marahas niyang paglapatin ang mga labi namin. Pilit akong kumakawala sa kaniya ngunit sadyang napakalakas niya. Ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang gilid ng ulo ko na tila ipinako na niya sa puwesto nito.
“Damn! Ang sarap mong halikan. Dapat talaga ay noon ko pa ito ginawa!” tila gigil na gigil na saad niya saka muling marubdob akong hinalikan. Umagos na ang masaganang luha ko dahil sa matinding takot na nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko pa nararanasang mahalikan o mahawakan ng isang lalaki nang ganito kalapit. Hindi ko rin akalaing ang unang halik ko ay magiging ganito karahas at kahindik-hindik.
“Tama na, please,” umiiyak ko nang pakiusap. Bigla naman siyang natigilan at tila napatda nang makitang luhaan na ako at humihikbi. Ngunit ang totoo ay nanginginig na talaga ang buong katawan ko sa takot.
“I want you now, Zairah! Be an obedient girl or you will suffer my wrath!” banta niya sa akin. Pagkatapos ay hinila niya ako sa loob ng private room niya.
“Take off your clothes!” maawtoridad na utos niya sa akin. Sunod-sunod akong napailing at takot na takot sa kaniya. kahapon pa nagsimula ang init ng ulo niya nang sabay kaming mananghalian ni Kevin.
Nagkaroon kasi siya ng meeting sa Vice President ng kumpanya at hindi ko naman akalaing babalik na siya for lunch. Actually, 20 minutes late na nga akong nakapag-lunch dahil hinihintay ko siya. Akala ko ay hindi na siya darating at magsasabay na silang kumain ni Bise.
“Sir, please… sorry na, hindi ko na uulitin!” pakiusap ko pang muli.
“Do you really want to anger me more? Nakalimutan mo na ba ang kasunduan natin? Susunod ka sa lahat ng gusto ko! O baka naman gusto mong huwag nang makita pang muli ang Tita Laila mo?” pananakot niya sa akin.
Dahil doon ay sinagilihan ako ng matinding takot. “A-Anong ibig mong sabihin?” may nginig ang boses na tanong ko.
“Ipadadala kita sa branch natin sa Ribera del Duero. At doon ka lang mananatili hangga’t hindi kita pinapauwi dito sa Pilipinas. Gusto mo ba iyon?” hamon niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na umiling. “H-Hindi! hindi ako puwedeng–”
“Good!” putol naman niya agad sa akin. “Now, be a good girl ang take off your damn clothes!” mariing utos niya.
Napatitig ako sa kaniya at hinintay kung magbabago pa ang isip niya. Pero sa hitsura niya ay mukhang napakaseryoso niya talaga. Kaya nanginginig ang mga kamay ko habang unti-unting inaalis ang butones ng blouse na suot ko.
Ngunit bakas din ang pagkainip sa mga mata niya kaya mabilis siyang lumapit sa akin at walang awang pinunit ang suot kong damit. Tumalsik pa kung saan ang natitirang mga butones na hindi ko naalis. Mabilis din niyang sinira ang skirt ko hanggang sa ang panloob ko na lang na kasuotan ang matira. Niyakap ko ang sarili ko.
“Don’t do that! I want to see your beautiful body! I know you have that. And I always fantasized to taste every inch of you…”
Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil napakasensuwal ng pagkakasabi niya niyon. Kasunod niyon ay unti-unti na rin siyang naghubad sa harapan ko hanggang sa wala nang matira maliban sa boxer briefs niya.
Napalunok ako dahil sa ganda ng katawan niya na halatang alaga sa workout. Mula sa perfect abs, hanggang sa maskuladong mga dibdib at balikat. Nang bumalik ang tingin ko sa mukha niya ay kitang-kita ko ang matinding pagnanasa sa mga mata niya.
Lumapit siya sa akin at sinenyasan akong humiga sa kama. Kahit labag man saakalooban ko ay sinunod ko siya. Napapalunok ako habang hinihintay ang susunod niyang gagawin. Hanggang sa maya-maya ay kinuha niya ang necktie na suot niya at itinali ang mga kamay ko pataas sa bakal na headboard ng kama.
“A-Ano ang gagawin mo?” nahihintakutang tanong ko.
Ngumisi lang siya sa akin. “You’re going to enjoy this. Ngayon lang ako magiging gentle sa iyo dahil alam kong first time mo pa lang ito. But the next sessions that we will have will be rough and wild…” bulong niya sa akin saka magaang kinagat ang puno ng tainga ko. Kakaibang kilabot ang gumapang sa katawan ko dahil sa ginawa niya.