Flashback… Patuloy na nagdidilim ang paningin ni Christian nang lumabas ng silid. Ni hindi niya inalintanang wala siyang anumang saplot ngayon. Ngunit nahabol niya ang mga kaibigan ni Johanna at parang mga laruan lang na binitbit sa buhok ang mga ito. Panay ang daing nila sa pagkakabanat ng mga anit nila. Ngunit, wala na sa sarili si Christian. Hindi siya nananakit, lalo na ng babae, at mas lalong hindi siya bayolenteng tao. Ngunit ang tingin niya sa lahat ng mga nasa pinagdalhang apartment sa kaniya ay mga demonyo. Kaya walang awa niya silang sinaktan. Wala nang malay-tao ang mga ito nang bitiwan niya. Bumalik siya sa silid at kinuha ang mga damit niya at isinuot. Pagkatapos ay nagtungo sa kusina at kinuha ang pinakamalaking kaserolang nakita niya roon. Pinuno niya iyon ng tubig saka i

