“Are we finally going home?” natatawang tanong ko sa ikaapat na araw namin sa hotel. Hindi naman siya sumagot at nanatiling tahimik lang. Tila ba nasa malalim siyang pag-iisip kaya medyo kumunot ang noo ko. “Christian?” agaw-pansin ko sa kaniya. Doon lang siya lumingon sa akin. Bahagya siyang ngumiti ngunit hindi umabot sa mga mata niya. Hindi pa rin siya nagsalita at tumitig lang sa akin. Kasunod niyon ay tumikhim siya saka dalawang beses na bumuntong-hininga bago nagsalita. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong kinabahan. “Naipadala ko na lahat ng pinamili natin sa bahay ninyo. And this…” huminto siya at may inilabas na mga dokumento mula sa attaché case. Isa sa mga bodyguards niya ang nagdala ng attaché case na iyon kaninang umaga. “Iyan, iyong kontrata natin, hindi ba?”

