Paggising ko kinabukasan, ilang minuto akong tulala sa kisame. Ang lambot at ang bago ng kamang hinihigaan ko. Nang igala ko ang paningin ko sa paligid, saka lang sumilid sa isip ko na nasa bagong bahay na nga pala ako, bahay ni Cavin, ang ika-anim na client ko.
Umupo ako sa kama at kinusot ang kaliwang mata ko. Nag-unat ako ng braso at saka tumayo para mas maunat ang buong katawan ko. Nang tumama ang tingin ko sa bintana, umawang ang labi ko dahil sa pumasok sa reyalisasyon.
Tanghali na!
Nagmamadali akong nag-suot ng bra para makalabas. Nang buksan ko ang pinto ng kwarto, napaatras ako dahil sakto ring bumukas ang kaharap kong pinto— iyong pinto ng kwarto ni Cavin.
Sumalubong ang seryosong mukha niya sa akin. Nakahawak siya sa necktie niya, inaayos ang pagkakaluwag nito. Naka-suit siya at may hawak na bag. Mukhang paalis na siya papunta sa trabaho. Noong magtama ang paningin namin, bahagya niyang tinagilid ang ulo niya.
"Maaga pa, bakit gising ka na?" Malumanay na tanong niya at humakbang palabas. Sinara niya ang pinto ng kwarto niya at saka tumingin muli sa akin.
"Maaga? Tanghali na kaya!"
"Hmm?" Tumingin siya sa relo niya. "Alas otso pa lang. Matulog ka muna, o kung gusto mong mag-almusal, pumunta ka sa kusina. May hinanda ako roon."
"Tanghali na kaya ang alas otso." Napabuntong-hininga ako. "Sorry, magpapa-alarm na ako mamaya para hindi ako matanghali bukas ng gising. Ang lambot kasi ng kama mo kaya napasarap ang tulog ko."
Kumunot ang noo niya. "Ano ba ang maaga sa iyo?"
"Four o'clock ng umaga,"
"Oh..." Ngumiti siya. "Hindi mo naman kailangang gumising ng gano'n kaaga. Feel free to wake up whenever you like."
"P-Pero magtatampo ang grasya kapag tanghali nang gumigising. Isa pa, mas maraming magagawa kung maaga pa lang ay gising na,"
Napatakip siya sa bibig niya at mahinang natawa. "Magtatampo ang grasya?"
Seryoso akong tumango. "Oo, sabi iyon sa akin ng nanay ko."
Natigil ang pagtawa niya matapos kong magsalita. Napahawak siya sa baba niya habang tumatango gamit ang seryoso ngunit kalmado niyang mukha. "Nasa sa iyo naman kung paano mo papalapitin ang grasya. Ngayong nandito ka sa bahay ko, hindi mo kailangang mag-aalala kung magtatampo ba iyon o hindi. Ako ang bahala para lumapit sa iyo ang grasya."
"T-Talaga?"
Tumango siya. "Yeah, kaya ipagpatuloy mo muna ang tulog mo kung inaantok ka pa."
"Uh, okay..."
"Isa pa pala..." Ngumiti siya. "Hindi mo na kailangang gumawa ng kahit ano rito. Just rest yourself."
Oo nga pala, napag-usapan na namin ito kahapon. Hindi ako required na gumawa ng kahit ano. Ituring kong bakasyon ang paninirahan dito. Pero wala naman kaming katulong... sinong gagawa ng mga gawaing bahay? Siya ba?
"Anyway, aalis na ako. Mamayang gabi ang balik ko, ikaw na muna ang bahalang magbantay nitong bahay. 'Wag kang magpapasok ng kahit sino. Kung may gusto ka mang papuntahin, sabihin mo muna sa akin. Ito ang number ko, tawagan mo ako kapag may kailangan ka o may nangyaring emergency rito." Binuksan niya ang isang zipper ng bag niya at may binunot. Isang piraso ng papel, pa-rectangle ang shape. Maliit lang iyon, parang sticky notes.
Kinuha ko iyon sa kanya nang ilahad niya sa akin. May pangalan niya at nakalagay sa ibaba ng pangalan niya ay ang cellphone number at email address niya. "Okay, tatabi ko ito."
"Alright, I will go now. See you later, honey." Ngumiti siya at saglit na kumaway bago tumalikod sa akin.
Ilang segundo akong tulala sa likuran niya. Pina-process ko pa rin iyong mga nangyari. Hindi ko akalaing makakakuha ako ng ganitong client— hanggang ngayon, feeling ko too good to be true pa rin ito.
Ilan pang sandali bago ko ma-realize na nagpaalam na siya sa akin. Mabilis akong tumakbo palabas para habulin siya. Nang makalabas ako, pasakay na siya sa kotse niya.
"Sir— I mean, honey!" Malakas na sigaw ko at nagdiretso sa pagtakbo.
Saktong paglingon niyo sa akin, natisod ang paa ko sa bato, dahilan para madapa ako.
"Arie!" Akmang lalapit siya sa akin pero mabilis akong umiling.
"Ayos lang ako!" Sigaw ko at bumungisngis. "Sige na, pumasok ka na sa work mo! Ingat ka, honey!" Dinikit ko ang palad ko sa labi ko at binigyan siya ng flying kiss saka ako kumaway.
Diretso ang tingin niya sa akin, halatang gulat dahil sa nakaawang niyang labi. Ilang segundo pa, bumuntong-hininga siya na sinundan ng pagngiti. Tumango ito. "Thank you, honey."
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya ng kotse at makaalis. Nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan niya, nakahinga na ako nang maluwag.
Mabuti naman at hindi niya na ako binalikan. Kung sakaling tinulungan niya pa ako rito bago siya umalis, baka nadamay pa siya sa kamalasan ko.
Tumayo ako at pinagmasdan ang tuhod ko na nagdudugo. Kakalagay niya lang ng band-aid dito kahapon pero mayroon na namang bago. Hindi talaga ako gustong layuan ng kamalasan.
Noong papasok na ako sa bahay ni Cavin, sinigurado kong maingat na ako sa paglalakad ko. Mabuti na lang at wala siyang vase na display. Isa iyon sa mga kinatatakutan ko. Sa pang-apat kong customer, limang vase ang nabasag ko.
Ang marami sa bahay na ito ay mga paintings. Kahit saan ako tumingin, may nakikita ako. Sa malayo pa lang, ang gaganda na tingnan. Pang-museum iyong datingan, eh. Gusto ko mang tingnan ng malapitan, pinipigilan ang sarili ko dahil baka kung anong mali ang magawa ko.
Mabait pa naman si Cavin. Ang dami niyang magandang offer sa akin— para ngang ako pa iyong client niya. That's why ayokong masira ang trust niya sa akin.
"Ang tahimik..." Bulong ko sa sarili habang nakaupo sa sofa.
Sinabi niyang pwede akong manood ng TV pero hindi ko balak buksan. Dapat pala bago siya umalis, pinabuksan ko na sa kanya. Idinahilan ko na lang na hindi ko alam kung paano magbukas ng gan'yang TV— which is totoo naman.
Maya-maya pa, pumasok sa isip ko iyong sinabi niyang may iniwan siya sa aking pagkain sa kusina. Nagpunta ako roon para i-check. Nalibot na namin ang bahay niya kahapon kaya nakapunta na ako rito pero ngayon ko lang natitigang mabuti.
Ang ganda ng kusina niya, mukhang hilig niya ang pagluluto. Ganito iyong mga kusinang napapanood ko sa TV sa mga cooking show noong bata ako.
Sa totoo lang, gusto ko ring matutong magluto pero hindi bagay sa akin. Tiyak na papalpak lang din ako.
Bacon, egg, at hotdog ang nakahanda sa mesa nang iangat ko iyong nakatakip. May katabi na rin itong rice cooker. Noong tingnan ko ang loob, may nakalagay ng lutong kanin. Hinanda niya na talaga lahat.
Dati, itlog lang ang inuulam ko. Minsan nga, tuyo o toyo lang, eh. Ngayon, tatlong uri na tapos almusal lang.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Matutuwa ba dahil napunta ako sa ganitong sitwasyon o mahihiya dahil pinaglilingkuran ako ng amo ko?
Kapag nagpatuloy ang ganito, baka ako iyong umalis. Kahit na nasa mabait akong amo, mahihiya at mahihiya ako dahil para akong prinsesa. Walang ibang kailangang gawin kung hindi ang huminga.
Matapos kong kumain ng almusal, nilinis ko ang mesa. Nang iangat ko ang rice cooker para punasan iyong pinapatungan noon, saka ko lang napansin na may katabi pala itong pera at papel. Kinuha ko iyong nakatuping papel at binuklat para basahin ang nakalagay.
Good morning, Arie! Enjoy these foods for your breakfast. For your lunch, just use this money to buy something. : )
- Cavin
Iniwan niya siguro ito dahil akala niya ay hindi kami mag-aabot kanina. Dapat ginising niya na lang ako kung sakali man. Pero imbis na gawin niya iyon, nag-iwan siya ng sulat dito.
He's so kind to me... even though I am a girl. Siya lang iyong taong nakisama sa akin kahit na ayaw ako. Kapag nakita niya kaya kung gaano ako kamalas sa buhay, makikisama pa rin siya?
Binalik ko ang sulat sa mesa. Iyong pera, buong isang libo, hinayaan ko lang din doon. Isang itlog lang naman ang nabawas ko sa almusal. May bacon at hotdog pa, iyon na lang ang ulam ko mamaya.
Nilagay ko sa lababo ang plato, baso, kutsara, at tinidor na pinagkainan ko. Nangangati ang kamay ko na hugasan ang mga iyon pero nag-aalangan ako. Tiyak na mababasag ko ang mga ito once na galawin ko. Tutal sinabi niya namang hindi ako required gumawa rito, hahayaan ko na lang muna.
Bumalik ako sa sala pagtapos kong kumain, nanatili lang ako nakaupo roon at tulala habang hinihintay ang oras na lumipas. Bandang ala una, bumalik ako sa kusina para kumain.
Tulad ng kanina, nilinis ko lang ang mesa at saka nilagay ang pinagkainan sa lababo. Matapos iyon, dumiretso ako sa kwarto para maligo at matulog.
Ala singko nang magising ako. Wala ng araw at dumidilim na ang paligid. Bumalik ako sa sala para hintaying lumipas ang oras. Kaunti na lang at darating na si Cavin.
Dumilim sa loob ng bahay nang mag-ala sais. Kada paglipas ng minuto, mas dumidilim nang dumidilim. Hinanap ko iyong switch ng ilaw para magkaliwanag pero nadismaya ako nang makitang katabi ito ng isa sa mga paintings na naka-display.
Hindi ako pwedeng lumapit doon. Tiyak na may mangyayaring masama.
Nanatili akong nakaupo sa sofa at nakatulala. Mabuti na lang at hindi ako takot sa dilim. Nasanay kasi akong ganito ang paligid. Madalas noon, napuputulan kami ng kuryente. Lagi lang kaming nakakandila. Minsan, dumadating ang oras na wala na kaming pambili kaya walang kaliwa-liwanag iyong bahay namin.
Maya-maya pa, nalingat ang tingin ko sa pinto nang bigla itong bumukas. Hindi ko makita ang mukha ni Cavin dahil sa dilim, pero sigurado akong siya iyan. Naka-lock ang bahay tulad ng sabi niya, siya lang naman ang may hawak ng susi.
Tumayo ako at ngumiti. "Honey, welcome home!" Masiglang wika ko.
"Uh, yeah... bakit walang ilaw? Anong nangyari?" Nagtatakang tanong niya. Sinara niya ang pinto at naglakad papasok. Lumapit siya roon sa switch at saka ito pinindot. Lumiwanag ang loob ng bahay pagbukas niya ng ilaw.
"Hindi ko makita kanina, eh." Alanganin akong ngumiti at kumamot sa batok.
Hindi pa aware si Cavin sa kamalasan ko. Ayokong magkaroon masamang bahid ang pagtingin niya sa akin kaya ayos na ang ganito. Papanatilihin ko na lang ang pag-iingat ko. Wala namang mangyayaring masama kung hindi ako kikilos.
"I see. Tandaan mo na lang na narito para kapag wala pa ako, mabubuksan mo na,"
Tumango ako. "Okay."
"Hindi ka nanood ng TV?" Kumunot ang noo niya nang abutin ang remote.
Saglit akong umiling. "Hindi, eh. Wala naman akong hilig sa mga palabas."
Another lie. Gusto kong manood, lalo na sa gan'yang kalaking TV, pero baka masira ko lang kapag sinubukan kong buksan.
"Magluluto muna ako ng dinner natin. Wait mo na lang ako rito o sa kwarto mo. Tatawagan na lang kita kapag luto na." Iniwan niya ang bag niya sa sofa na kaharap ko. Inalis niya rin ang necktie niya at pinatong sa sandalan ng sofa.
Tumango lang ako bilang pagsagot. Imbis na mag-stay sa sala, bumalik na ako sa kwarto ko. Nanlalata akong humiga, nilubog ko rin ang mukha ko sa unan. Parang hindi ko na gustong magpakita sa kanya mamaya. Tiyak na makikita niya iyong mga iniwan kong hugasin sa lababo.
Ano kayang maiisip niya? Makapal ang mukha ko... sigurado ito. Porket sinabihan na mag-feeling bakasyon, tinotoo na talaga. Ni hindi man lang nagkusa na hugasan ang pinagkainan.
Baka paalisin niya ako kapag nagpatuloy sa ganito...
"Arie." Maya-maya pa, narinig kong tumawag siya sa akin mula sa labas, kasabay ng pagkatok niya sa pinto.
Arie ang tawag niya sa akin. Tama ba ang dinig ko? Hindi niya ako tinawag na honey tulad ng lagi niyang sinasabi. Ibig sabihin ba na-realize niya nang wala akong silbi?
Napalunok ako. Nanlalamig ang kamay ko nang pihitin ko ang doorknob.
"Yes, sir?" Kahit na kabado, pinilit kong patatagin ang loob ko para maharap ko siya nang hindi mukhang ninenerbyos.
"Sir?" Tumaas ang kilay niya. "It's honey."
"Eh?" Gulat na usal ko at bahagyang nanlaki ang mata.
"Anong eh?" Pinagkrus niya ang braso. "Nakalimutan mo na ba? Honey ang napag-usapan nating tawagan. Ayokong tinatawag mo ako ng sir kahit pa na client mo ako. Mag-asawa tayo, 'di ba?"
"U-Uh, oo..."
"Anong tawag ulit natin sa isa't isa?"
"H-Honey," bahagya akong nautal.
"Gusto ko bang tinatawag na sir?"
Umiling ako. "Hindi, ayaw mo noon." Napaiwas ako ng tingin.
Akala ko ay pababalikin niya na ako sa agency...
"Tara na sa kusina, kumain na tayo. Luto na iyong pagkain." Tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad.
"Hindi na ako," wika ko na nagpahinto sa kanya.
Ipinihit niya ang katawan niya paharap sa akin at nangunot ang noo. "Again?"
Lumayo ang tingin ko. "Hindi ako kakain."
"Bakit?"
"Hindi naman ako gutom,"
"Kumain ka ba ng tanghalian?"
Tumango ako. "Oo."
"Bakit walang bawas iyong perang iniwan ko?"
"Hindi ako kumuha roon. Marami na iyong ulam na hinanda mo para sa almusal. Hindi ko naman mauubos iyon ng isang kainan lang kaya iyon na lang din ang inulam ko noong tanghali,"
"Anong oras ang last na kain mo?"
"Ala una,"
"Gutom ka na niyan. Tara na sa kusina,"
"Hindi pa." Ilang ulit akong umiling. "Matutulog na ako. Sorry, honey."
Tumalikod ako sa kanya at naglakad papasok sa kwarto ko. Sinara ko rin ang pinto at saka nahiga sa kama. Saktong pagbagsak ng katawan ko, kumulo ang tiyan ko. Hindi ko maiwasang matawa hanggang sa mapabuntong-hininga. Mabuti na lang at hindi ito kumalam ito kanina noong kaharap ko siya, kung hindi lagot ako.
Niyakap ko nang mahigpit ang katabing unan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Napansin ko lang noong maramdamang basa ang pisngi ko.
Ito na naman ako, umiiyak sa mga bagay na wala namang kwenta. Kahit kailan, hindi na ako nagbago. Ang hina ko pa rin, ang bilis kong magpaapekto sa nangyayari sa paligid ko.
"Gusto ko nang umuwi..." Humikbi ako at hinayaang tumulo ang luha ko.
"Honey!" Sinundan ng mga ingay ng pagkatok ang tawag na iyon.
Napatayo ako sa kama at mabilis na pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata ko. Nang buksan ko ang pinto, bumungad sa akin si Cavin na may hawak na tray. Nakalagay roon iyong pagkain na niluto niya, pati kanin, baso na may tubig, kutsara, at tinidor.
"B-Bakit?" Bumalik ang tingin ko sa mukha niya.
"Kain tayo,"
"H-Huh? Ayoko. Sabi ko, 'di ba? Hindi naman ako—" nahinto ako dahil sa biglang pagkulo ng tiyan ko. Nagkatinginan kaming dalawa. Mabilis kong iniwas ang tingin ko, siya naman ay mahinang natawa.
"Hindi ka gutom? Ayan na ang patunay, sinagot na ng tiyan mo mismo." Bahagya niyang sinipa ang pinto para lumaki ang pagkakabukas. Pumasok siya sa loob at pinatong ang tray sa mesa na katabi ng kama ko. "Kumain ka na muna, masama ang nagpapalipas ng gutom. Baka bumagsak ka bigla, tiyak na mag-aalala sa iyo ang pamilya mo."
Mag-aalala ang pamilya ko... hindi naman mangyayari iyon. Kaya nga pinadala ako ni nanay sa ganitong trabaho ay dahil wala siyang pakialam sa kahit anong mangyari sa akin. Pabigat lang naman ako sa kanila. Walang mababago kahit na mawala ako.
Tipid akong ngumiti. "Salamat."
"Anong salamat? Kumain ka d'yan. Dito lang ako hangga't hindi ka tapos." Naupo siya sa kama ko at kinuha iyong libro na nakapatong sa table.
"Ikaw ba? Hindi ka kakain?"
Ngumiti siya. "Kumain na ako."
"Tapos ka na pala," mahinang banggit ko.
Naupo ako sa upuang kaharap ng mesa at sinimulang tikman ang niluto niya, sinigang na hipon. Tamang-tama lang ang pagkakaasim.
"Ang sarap ng..." Napatigil ako nang makitang nakapikit ang mata niya. "Honey?" Tawag ko rito.
Ilang segundo akong lumipas at wala akong natanggap na kahit anong sagot sa kanya. Nakatulog siya... habang nakaupo at may hawak na libro. Kinuha ko ang libro sa kamay niya at ibinalik sa mesa. Gusto ko siyang ihiga pero baka magising lang at masira ko ang pagpapahinga niya.
Noong makatapos akong kumain, inayos ko sa tray ang mga pinagkainan ko at saka naisipang ibalik sa kusina. Hindi ko na ginising si Cavin, mukhang masarap ang tulog niya. Maingat akong lumabas ng kwarto habang hawak ang tray.
Pagdating sa kusina, nakahinga ako nang maluwag. "Buti naman." Mahinang bulong ko sa sarili at ngumiti. Kabado ako na baka may mangyari na naman at mabitawan ko itong tray. Since nandito na ako sa kusina, safe na ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagtapat ko sa mesa, huli na noong mapansin kong may basang tiles. Pagyapak ko roon, dumulas ang paa ko. Sinubukan kong i-save iyong tray pero nabitawan ko ito. Umalingawngaw ang tunog ng nabasag na pinggan at baso.
Nagmamadali akong tumayo para linisin ito. Mabilis ang t***k ng puso ko habang isa-isang pinupulot ang mga nabasag na parte.
"Arie! What happened?"
Tila tumigil ang paghinga ako nang marinig ang boses ni Cavin. Gising na si Cavin. Napalunok ako at mabilis na pinagpatuloy ang pagpupulot.
"'Wag mong pulutin iyan." Natigil ako sa ginagawa ko nang hawakan niya ang braso ko. "Dumudugo ang daliri mo." Pinakita niya sa akin ang index finger ko na may sugat. Probably, dahil sa mga nabasag.
"S-Sorry!" Yumuko ako. Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko pero unti-unti na naman silang lumalabas. "Uh, ano, p-papalitan ko na lang i-itong nabasag ko. I-Ikaltas mo na lang sa... uh, sa ano, sa sweldo—"
"You're shaking." Hinawakan niya ang kamay ko, pinag-intertwine niya ang mga daliri namin. "Calm down, it's okay."
"I-It's not... I... I broke—"
"No." Humigpit ang hawak niya sa akin. "Remember what I said last time? It's okay to make mistakes. When I was a kid, I used to—"
"But I am not a kid anymore," pagputol ko sa kanya. Hindi ko na maiwasang humikbi. Pangalawang oras ko pa lang ito sa kanya pero ito na ang nangyari.
Paano kung araw-araw akong ganito? Tiyak na mananawa siya sa akin.
"Are you crying?" Hinawakan niya ang baba ko. Akmang iaangat niya ito pero tinabig ko ang kamay niya.
"S-Sorry, pero hindi ako umiiyak. Okay lang ako. Tatapusin ko lang linisin itong nabasag ko tapos matutulog na rin ako. Ikaw, matulog ka na. May trabaho ka pa bukas, 'di ba?"
"Uh, yeah,"
"Sige na. Ako na ang bahala rito,"
"Dito lang ako,"
"Huh? Ako na nga,"
"Hindi ako makakatulog kapag alam kong gising ka pa. Gusto kong sabay tayo magpahinga,"
O siguro natatakot lang siya na baka may magawa na naman akong palpak.
"Okay,"
Binitiwan niya ang kamay ko. Tumayo rin siya pero hindi ko na sinundan ng tingin.
"'Wag mong pulutin, kukuha ako ng panlinis," aniya nang akmang pupulutin ko muli. "Lagyan natin ng band-aid mamaya ang daliri mo, pati iyong tuhod mo. Nadapa ka kanina, 'di ba?"
"Uh, oo..."
Naalala niya pa pala...
Tulad ng sabi niya, kumuha siya ng panlinis, walis at dustpan. Nilinis niya iyong mga bubog at tinapon sa basurahan. Pinulot niya rin iyong tray, kutsara, at tinidor para ilagay sa lababo. Nang magbasa siya ng basahan, lumapit ako sa kanya at nilahad ang kamay ko.
Kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Ako na ang magpupunas ng sahig,"
Kapag gan'yan, tiyak na wala na akong maling magagawa.
"Ako na," pero hindi siya pumayag.
Sinubukan kong makiusap na ako na pero paulit-ulit ang naging sagot niya— ako na. Nang malinis niya iyong sahig, nag-unat siya ng braso at bumalik ang tingin sa akin.
"Inaantok ka na?" Nakangiting tanong niya.
Iyan na naman siya. Umaakto na parang walang nangyari.
Umiling ako, dahan-dahan. "Hindi pa naman."
"Tara sa sala, lagyan natin ng band-aid para hindi na magdugo at hindi mapasukan ng dumi,"
"Hindi na." Muli akong umiling. "Maliit na sugat lang naman."
"Kahit na." Nilahad niya ang kamay sa akin. "Tara?"
"Kailangang hawak-kamay papunta roon?" Bahagyang tumagilid ang ulo ko.
"I like your hand, so yeah..." Lumambot ang pagngiti niya.
Para bang kusang gumalaw ang kamay ko nang tinanggap ang kamay niya. Hindi ko siya maintindihan... ang bait niya sa akin.
"Hindi ka ba magagalit sa akin dahil sa nabasag ko?" Mahinang tanong ko. Pinagmamasdan ko siyang ilagay ang band-aid sa daliri ko.
"Hindi, bakit ako magagalit?"
"Eh, sa katamaran ko?"
Umangat ang tingin niya sa akin. "Katamaran?"
Tumango ako. "Kanina, ikaw iyong naghugas ng pinagkainan ko mula umaga hanggang tanghali, 'di ba?"
"Ah, iyon ba ang dahilan kung bakit hindi mo gustong kumain ng hapunan?"
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Hindi ka ba roon nagagalit?"
"Hindi," seryosong sagot niya.
Napabuntong-hininga ako at napahilamos sa mukha ko. "Bakit ka gan'yan? Hindi ka dapat maging sobrang bait. Alam mo bang aabusuhin ka kapag gan'yan ka?"
Umayos siya ng upo at ngumiti. "You won't do that, though."
Umawang ang labi ko. "Paano mo nasasabi iyan? Dalawang araw pa lang tayong magkasama."
"Does it matter? If you abuse me or not? The only thing that matters is having a wife for the sake of my father. As long as I have that... I have you... whatever you do is fine,"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Kahit magkamali ako ng paulit-ulit?"
"Yeah, I still have you as a wife even if that happens, right?"
Tumango ako. "Oo, pero—"
"That's good,"
I couldn't believe him. He would do anything for a wife.
Partida at acting lang ito. Paano kaya kung totoo ng asawa niya? Kung may real feelings nang involve?
"Tigilan na natin ang pag-uusap about dito, paulit-ulit lang, eh. Sapat na naman siguro ang mga sinabi ko, 'di ba? Kahit anong gawin mo, ayos lang. Kaya tigilan mo na ang pag-aalala,"
Iyong boses niya ngayon, katulad ito ng boses niya kagabi, noong pinapaliwanag niya ang hatred niya sa mama niya.
Yumuko ako at tumango. "O-Okay."
Tumalikod siya sa akin at naglakad papunta sa kwarto. Sumunod naman ako sa kanya. Nang nasa hallway kami, tumigil siya kaya natigil din ako.
"Another thing if you're still overthinking things..."
"Uhm, ano iyon?" Kinakabahang tanong ko, sana lang at hindi niya naririnig ang malakas na t***k ng puso ko.
"I will stick with you until the end,"