Bumaba ang tingin niya sa sobre na pinatong ko sa harap niya. Ilang segundo na stuck ang tingin niya roon bago niya ibalik ang tingin sa akin. "So, you really did what I thought you would do." Wika niya, tunog inaasahan ang pangyayari. "In-expect mo?" Pinakawalan ko ang malalim na hiningang kanina ko pa pinipigilan. "Sorry, hindi ko lang talaga kayang kuhanin iyan sa iyo." "Why? What's the reason?" "Hindi ba obvious?" "Magtatanong ba ako kung obvious?" He arched his left eyebrow. "Alam mo naman..." Lumayo ang tingin ko, dinirekta ko sa dagat. "Wala akong napakinabang sa iyo." "Anong—" "Mayroon pero hindi sapat para bigyan mo ako ng gan'yan kalaking pera. Isa pa, kahit na may cinontribute ako sa relationship natin, ang dami ko namang pang-aabalang ginawa. Quits lang tayo, kaya hi

