bc

I Know You Were Trouble

book_age16+
889
FOLLOW
3.7K
READ
age gap
heir/heiress
bxg
lighthearted
small town
naive
like
intro-logo
Blurb

I wish I could go back to the day I met you and just walk away. Honestly, it would've saved me so much hurt and pain.

I think that the worst part of it all wasn't losing him. It was losing me.

Sydney Blaire Del Rio is always been an obedient daughter. She truly believed that 'Children obey your parents in the Lord for this is right'.

Not until he came.

chap-preview
Free preview
Simula
"Are you serious? Ikaw, maninirahan sa bukid? I mean, anong gagawin mo dun? Magbubungkal ng lupa at magtatanim ng palay?" sunod-sunod na bulalas sa akin ni Debbie. Nakadikit ang noo nito habang nakaduro sa akin. Sinabi ko kasi sa kanya ang isa sa mga weirdest thoughts ko. Bakit sino ba naman ang maniniwala sa akin na mas pipiliin kong mabuhay sa isang tahimik na kabukirin kesa sa makipagsosyalan sa mga class kong kaklase sa college? Ako si Sydney Del Rio, anak ng isang makapangyarihang tao sa mundo ng negosyo. Galing sa mayamang pamilya. Pero mas pipiliing mamuhay ng tahimik kasama ang mga itik, manok, kambing, at kabayo sa rancho ng daddy ko. "Mukha ba akong nagbibiro, Deb? And besides, hindi naman 'to forever noh? Gusto ko lang maranasan ang naranasan ng nga taong nagbibilad sa araw." sagot ko sa kanya at inaayos ang gamit kong dadalhin sa probinsya. "Kung pagbibilad lang pala sa araw ang gusto mong maachieve. Bakit di ka nalang pumunta ng beaches, mas maenjoy mo pa yun." anya habang tinitingnan ang bag kong dadalhin. Andito kami ngayon sa kwarto ko dahil nga nag aayos ako ng gamit ko. Isa-isa kong pinasok ang nga simpleng damit ko sa hand carrying bag ko, no need for classy dress. Wala naman akong papasexyhan doon. Hindi naman siguro maappreciate ng mga hayop ang skirts, dresses at crop tops ko. "Di naman sa ganun. Gusto ko lang talaga ng mga bagong adventure ngayon at ang maging isang simpleng country girl ang gusto kong maranasan." kindat ko sa kanya pagkatapos isara ang bag ko. Narinig ko ang malutong na ungol nito at padabog na tumayo. "You're weird." "I know and I love being weird." "Buti naman pinayagan ka ng Daddy mo?" tanong niya na naman habang nakasunod sa akin. Namimili kasi ako ngayon ng mga sapin sa paa na pede kong magamit sa Rancho. Di naman kasi ako pedeng mag pumps at stilleto sa bukid di ba? "He loves me so much to stop my ass from leaving. Hindi rin naman kasi ako kailangan sa kompanya dahil nandyan naman si Cloud para tulungan ang Daddy." sagot ko sa kanya at hinila ang isang kulay abong Keds footwear. Bumaling ako sa kanya, nakaismid ang labi nito habang nakahalukipkip. Piningot ko ang ilong niya dahilan para mas lalong ngumuso ito. "Stop acting as if you missed me so much. You can't stop me." bumingisngis ko at bumalik sa kinalalagyan ng gamit ko. "Mamimiss naman talaga kita eh. How about Tita Autumn? Papayag din siya sa gagawin mo?" humahanap talaga ang babae 'to ng lusot. I will miss her that for sure pero hindi na ako magpapapigil. Minsan lang ako payagan ng magulang kong mawalay sa kanila. At ito ay isa sa mga minsan na yun. Kailan ba ako nagsimulang magkagustong mamuhay sa isang probinsyang malayo sa kabihasnan? Though di naman ganun kalayo sa kabihasnan ang Rancho namin dahil sinabi naman ng Mommy ko na kompleto naman daw sa makabagong technology ang lugar na pupuntahan ko. "She already agreed. Ikaw lang ang hindi." sabi ko sa kanya. Hindi naman mahirap kumbinsihin ang parents ko eh. Dalaga na ako at hindi naman ako yung tipo ng babaeng kinukulong ng bahay talaga. I go out with some friends basta walang lalaking kasama. "What are your plans this summer?" napabaling ako sa Daddy ko mula sa pagkain. It's our typical family dinner. Kompleto kaming pamilyang nagsalu-salo sa hapunan, walang palya. Ayaw nang mommy ko na hindi kami magkakasabay sa pagkain. Kahit gaano pa kabusy ang daddy ay hindi pedeng hindi siya maagang umuwi para magkasabay kaming lahat. Kahit si Cloud na laging subsob sa trabaho kahit nasa kolehiyo palang ay hindi pedeng mawala. Simula pagkabata pa lang namin ay ni minsan hindi ko na ulit nakitang na aaway ang mga magulang ko o talagang di lang nila pinapakita sa amin. Puro pagmamahal lang ang pinapakita at pinaparamdam nila sa amin. Uminom muna ako ng tubig bago ito sinagot. "I want to stay at the ranch po." nakangiting sagot ko sa ama ko. Biglang tumaas ang kilay nito at bumaling sa mommy ko. Tumingin ako sa mommy kong nag aasikaso sa bunso naming kapatid na si Amerika. She's 2 years old. Medyo matagal din bago kami ni Cloud nasundan 9 years old kami ng sinilang si Talon, ang kasunod sa amin ni Cloud. "Are you sure? Wala ka bang planong mag out of town with your friends? Magbeach o di kaya magbakasyon?" sunod-sunod na tanong ng mommy ko. Agad akong umiling, halos every summer ko nalang atang ginagawa yan at nakakasawa na din. "I want something new po and I want to experience life at the country side po." sagot ko sa mommy ko. "At anong gagawin mo dun maging pastol ng mga kambing?" seryosong singit ni Cloud at bumaling sa akin gamit ang walang emosyon niyang mata. Napanguso ako. "Eh ano naman sayo? Hindi naman masama maging shepherd ah." singhal ko sa kanya. Ngumisi ito ng nakakainsulto at umiling-iling. "Oh really? Ang sabihin mo may tinatakbuhan ka na naman? Is it because of a guy you dumped last week?" taas kilay nitong usal sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. Paano niya naman nalaman ang tungkol sa buhay ko eh wala naman pakialam yan sa akin. "At saan mo naman nakuha ang information na yan, aber?" napatigil na talaga ako sa pagkain samantalang si Cloud naman ay tuloy-tuloy lang ang subo. Sarap bigwasan. "What do you mean, Cloud?" singit ng mommy ko. Ngumisi lang ito sa akin pero nananatiling walang emosyon ang mata. Ang plastik talaga ng kumag na 'to. "Why don't you ask Blaire about it? It's her problem anyway. I'm done." anya at agad na tumayo. Bumaling sa akin ang mommy at daddy ko. Seryoso, bakit niyo ako binibigyan ng tahimik na paligid? "What did Cloud talking about Sydney?" balik tanong nito sa akin. Ni hindi man lang nagsasalita ang daddy ko nanatiling tahimik lang ang pagnguya nito pero alam kong nag iintay lang siya sa magiging sagot ko. "Mom, it's girl thing. Natural lang naman sigurong di ko sasagutin ang taong di ko naman gusto." sagot ko sa kanya. Naningkit ang mata nito sa naging sagot ko. "So, nagpapaligaw ka na pala ngayon?" maawtoridad na tanong ng daddy ko. Sabi ko nga di ko na dapat sinakyan ang sinabi ng kakambal ko dahil ipapahamak lang ako non. "Dad?" napalunok ako, I know ayaw ng daddy kong magpapaligaw ako hanggat di pa ako nakatuntong sa edad na 18. "Sean." malambing na tawag sa kanya ni mommy. Bumaling ito dito gamit ang mapupungay niyang mga mata. "H-Hindi po. Kaya ko nga siya di sinagot eh. D-dahil bawal pa akong magbo boyfriend." nauutal kong sagot. Tuluyang nawala na talaga ang gana ko sa pagkain. "Pinaasa mo ba siya?" tanong ng mommy kaya agad akong umiling. "Of course not po. Simula't sapul pa lang po I reminded him to stop bugging me pero...makulit siya." tanggi ko sa naging tanong ng mommy. "Then, what's the problem? Sean, hindi naman pala siya nagpapaligaw eh." baling ng mommy ko sa daddy ko. "Talaga bang wala kang tinatakbuhan, Sydney? Why don't you tell us the truth?" parang gusto kong irapan ang daddy ko. Wala naman talaga akong tinatakbuhan and besides kung meron man, hindi ako tatakbo nakakapagod. "Dad, wala po. Hindi ko lang alam paano nakuha ni Cloud ang ganung kaisipan pero wala po talaga." sagot ko kanya. Inabot ko ang lemonade ko at sinimsim bago tumayo. "I'm done na po. Aakyat na po ako sa kwarto." sabi ko at agad na umalis. Strict ang daddy ko lalo na sa akin, siguro dahil teenager palang ako at natatakot lang syang masangkot ako sa anumang gulo. I fully understand his concern pero paano ako matuto kung lagi akong bantay sarado. Bago tuluyang pumasok sa kwarto ko at dumeritso ako sa kwarto ng magaling kong kakambal. Magkakambal nga kami pero lagi naman kaming nag aaway. Paano naman kasi sa sobrang protective kuya niya ay nasasakal na ako. Halos lahat ng lalaki ilag sa akin dahil tingin niya palang nakakatakot na. "Bakit mo sinabi yun sa harapan nina mom, Cloud?" sinapak ko siya sa likod niya habang nakatunganga sa laptop niya. "What the f**k are you doing here?" hiyaw ni Cloud dahil sa gulat ng ginawa ko. Nanlilisik ang kanyang mga matang nakatingin sa akin na para bang badtrip na badtrip sa ginawang pandidisturbo ko sa kanya. "That's not the answer I want to hear you jerk." I scoffed at sinilip ko sa screen ng laptop niya. Agad niya namang hinarang ang katawan niya. Sinamaan ko siya ng tingin, hindi ko alam kung anong ginagawa nito sa harapan ng computer niya. "Can you get out from my room, Sydney? You're disturbing me." aniya at agad akong tinulak palabas ng kwarto. Nagmamatigas pa akong kung di niya lang hinawakan ang magkabilang braso ko at patalikod na tinulak. "Not until you tell me about your words in mom and dad's face awhile ago." bumaling ulit ako sa kanya. Umikot ang kanyang mata sa sobrang irita. "I didn't mean anything. Tsk. Ang kulit. And besides, wala namang nangyari sa sinabi ko di ba?" "Anong wala? Wala ka lang alam dahil agad kang umalis. Pinagalitan ako ni dad dahil akala niya nagpapaligaw na ako." singhal ko sa kanya at namewang. "Nagpapaligaw ka naman talaga ah. Kaya ka nga may binasted di ba?" "Hindi ako nagpapaligaw at isa pa sino ang maglakas loob manligaw sa akin eh hinaharangan mo." "Tsk. I don't want to argue with you anymore kaya ang mabuti pa ay umalis ka na sa kwarto ko. Alis." anya at hinawi ako palabas ng kwarto niya. "Bakit, ano ba kasing ginagawa mo? Nanonood ka lang ata ng p**n eh." tukso ko sa kanya. Nanlaki ang mata nito sa paratang ko dahilan para natawa ako ng malakas. "You're talking nonsense. Tsk. Bakit di mo nalang kaya simulang mag impake at nang magawa mo na yang mga gusto mo. And stop disturbing my privacy." And with that he closes his door on me. Umirap ako at nagmartsa papunta sa kwarto ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook