Maaga palang ay tumulak na ako papuntang rancho dahil ayokong gabihin sa daan. Halos walong oras din ang byahe papunta ng rancho.
Gustuhin mang ihatid ako ng mommy ko pero tumanggi ako dahil ayoko silang abalahin lalo na at maliit pa ang bunso namin.
Kasama si Cloud sa paghahatid sa akin na puro ang reklamo dahil bakit daw kailangan pa siyang isasama.
"Bakit ba kasi kailangang kasama pa ako? Tsk. You are only wasting my time, Blaire." reklamo nito habang inaayos ang gamit ko sa likod ng sasakyan.
"Bakit? Pinilit ba kitang sumama? Hindi naman di ba?" ismid ko dito at naunang binuksan ang pintuan ng sasakyan para ipasok ang ilang gamit ko.
Bumaling ako sa hamba ng pintuan kung nasaan nakatayo ang mommy at daddy ko habang buhat si Amerika samantalang nakatayo naman si Talon sa tabi ni mommy habang nasa Ipad ang mata nito. Batang walang pakialam sa earth.
Lumapit ako sa kinaroroonan nila para magpaalam. "You take good care." niyakap ako ng mommy ko. I hugged her back at marahang tumango.
"I will mom. I promise to be good girl." sabi ko sa kanya. Bumaling ako kay dad at inabot si Amerika mula sa kanya para buhatin. Amerika giggled when I showered her with my kisses.
"You little angel, ate gonna missed you." sabi ko sa kanya, tumawa ito na para bang naintindihan ang sinabi ko sa kanya. Ang ganda talaga ng kapatid ko, syempre mana sa mommy ko.
"How about me miss will you missed me?" napayuko ako sa kapatid kong si Talon ng bigla itong nagsalita.
"Oh, andyan ka pala buddy?" tukso ko sa kanya sabay gulo ng buhok niya. Inabot ko si Amerika kay mommy at yumukod para magkapantay kaming dalawa.
"Oh! Stop it. You're still ugly." ngumiti ako ng malaki sa inasta niya. Kahit kailan talaga never niya akong pinuri na maganda at yun ang way niya ng paglalambing sa akin.
"Blaire, we're running out of time. Will you hurry your ass right there?" sigaw ni Cloud mula sa sasakyan. Bumaling ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Will you wait for a minute, Cloud. Bakit ka ba nagmamadali?" sigaw ko pabalik at tumayo para harapin ang daddy kong nanatiling tahimik lang. Hindi ko na maalala kung kailan naging madaldal ang dad.
"So, paano aalis na po ako." isa-isa ko silang niyakap at nang yumakap ako sa daddy ko.
"Magpakabait ka doon. Wag na wag mong bigyan ng sakit sa ulo ang mga tao doon. Alam kong mabait kang bata at masayahin.
Make sure that you will come home safe and sound." anas ng daddy ko habang yakap-yakap ako.
Napanguso ako at kumalas mula sa yakap niya. "Opo. Wala naman sigurong mangangain sa akin doon di ba?" narinig ko ang mahinang nahighik ng bunso namin dahilan para kurutin ko ang magkabilang pisngi nito.
"Aalis na po ako." pag uulit at sumulyap sa iritadong mukha ni Cloud mula sa sasakyan. "Mukhang kakainin na ako ng buhay ng isang yun eh." nguso ko sa kakambal ko habang pinaglalaruan ang susi gamit ang daliri.
For the last time ay hinalikan ni Dad ang noo ko at yumakap sabay halik din ako kay mommy at Amerika samantalang ginulo ko naman ang buhok ng supladong si Talon.
"You ugly not my hair." iniwas ni Talon ang ulo niya habang nakanguso.
"Magpakabait ka, sungit." pahabol ko at nagmartsa na pabalik kay Cloud. Sinamaan niya ako ng tingin at naunang pumasok sa sasakyan. Umirap ako at sumakay na din sa likurang bahagi.
"Mag iingat kayo. Cloud dahan dahan ang pagpapatakbo at manong mag iingat kayo sa byahe." sigaw ni mommy. Nakita kong tumango si manong Danny sa mommy ko bago sinara ang pintuang pinasukan ko.
Agad kong hinagilap ang headset at phone ko para magpatugtog. Alam kong magiging boring ang buong byaheng 'to dahil si Cloud ang kasama ko. He is the most boring man to be with, I am telling you.
"Manong, pede ba tayong dumaan ng convenience store saglit lang po may bibilhin lang ako?" tawag pansin ko sa driver. Bumaling sa gawi ko si Cloud dahilan para taasan ko siya ng kilay. "What?"
"Nothing. Mamimiss lang kita." anya at piningot ang ilong ko bago binalik ang mata harapan. Umismid ako.
"That's so sweet twinny." sagot ko in sarcastic way. Humalaklak ito dahil sa naging reaksyon ko. Abnormal talaga.
Tinaasan ko ang volume ng music ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong mangyayari sa magiging bakasyon ko sa rancho pero I am looking forward for an extraordinary vacation of my life. I want to experience something new. Napangiti ako, this gonna be a vacation to remember.
Pinikit ko ang mga mata ko hanggang sa maramdaman ko ang marahang pagtapik sa pisngi ko. Marahan akong dumilat ang nakataas na kilay ni Cloud ang sumalubong sa akin. "What?" singhal ko.
"We're here mahal na prinsesa kaya ano pang inaantay mo? Di ba bibili ka sa convenience store." agad kong inayos ang sarili ko at bumaba ng sasakyan. Inirapan ko siya bago bumaba.
Tuloy-tuloy lang akong pumasok ng store at agad na dumeritso sa kinalalagyan ng nga books. Hindi ko kasi pedeng dalhin ang koleksyon kong books sa bahay dahil baka maiwan ko lang siya sa rancho kaya bumili nalang ako ng bago. Kanina ko lang din kasi naalala kaya wala akong choice kundi ang magtyaga sa librong mabibili ko.
Malayo na din kasi ang bookstore kung sa NBS pa ako bibili at may possibilidad na mas lalo kaming gagabihin pag dumaan pa ako ng mall kaya ang pinakamalapit na convenience store nalang ang napili kong pagbilhan.
Kumuha na din ako ng ibang chichirya para babaunin habang nasa byahe pagkatapos ay binayaran.
"Sana binili mo nalang ang buong store." bulalas ni Cloud ng makita niya ang dala ko. Hindi naman ganun kadami ang binili ko ah, tama lang 'to para sa mahabang byahe.
"I was planning to but not now, may lakad pa tayo." sagot ko sa kanya at inayos ang dala ko.
Mahaba ang naging byahe, papalit palit sina manong at Cloud sa driver's seat every two hours ride. Kaya lagi din kaming nag e-stop.
Napangiti lang ako ng makita ko na ang malaking karatulang nagsasabihing nasa San Lukas na kami ang lalawigan kung saan makikita ang biniling rancho ng daddy ko. Hindi naman mahilig si Dad sa rancho, actually, it's my wish to have our own ranch.
Tuwing manonood kasi ako ng telenobela naaamazed ako sa nga haciendang nakikita ko. Isa akong certified city girl at isa sa mga bagay na gusto kong maexperience ang ang buhay probinsya. I want to experience how does it feels to ride a horse, to swim on a river, and to harvest fruits.
"Finally, we're here." masayang hiyaw ko. Binuksan ko ang bintana at nilabas ang ulo ko para damhin ang hangin ng probinsya napapikit ako sa lamig at sarap ng simoy na dumadampi sa balat ko.
Hindi ito ang first time kong makapunta ng rancho pero ito ang unang beses na magstay ako dito ng matagal na panahon, nang nag iisa. Noong unang punta ko dito ay 10 years old palang ako. Ni hindi ko na nga maalala ang pakiramdam noong una akong nakaapak ng lupa, I mean, malawak na lupain.
Masaya kaming sinalubong ng mga katiwala ng bahay namin. Hindi naman kasing laki ng mga mansion nang mga haciendero ang bahay namin dito sa rancho dahil di naman kami dito nakatira at hindi din ganun kalaki ang rancho namin, kung baga conpared sa mga taga dito na talaga kalahati lang ata ang laki nitong lupain namin.
"Maligayang pagdating senyorita Sydney." nakangiting salubong sa akin ni Aling Beth. Ngumiti ako sa kanya at yumakap.
"Dalagang dalaga ka na. Noong unang punta mo dito ay nakikipaghabulan ka pa sa mga tutubi ngayon ang laki-laki mo na."
"Maraming salamat po." sagot ko habang nakangiti. Hindi ko na alam kong anong sasabihin ko sobrang overwhelmed lang ako dahil pakiramdam ko ay ang saya-saya ng puso ko.
"Kasama ko po pala si Cloud pero di din yan magtatagal."
"So, paano we'll go ahead. Hindi kami pedeng gabihin ni mang Danny." paalam ng kapatid ko.
"Hindi man lang ba kayo kakain sir bago tumulak pabalik?" tawag pansin ni Aling Beth dito. Agad na umiling si Cloud.
"I'd love to Manang pero magdadapit hapon na din. Hinatid ko lang talaga si Blaire dito dahil inutusan ako ni Mom."
"Oh sya, kung ganun ay magbaon nalang kayo ng di kayo gutumin sa daan."
"Wag na kayong mag abala manang, we're good." pero hindi ito pinansin ni Manang Beth umalis pa din siya para ikuha ng babaonin sina Cloud.
"Ang dami mong arte Cloud, ikaw na nga ang binibigyan ikaw pa ang tumatanggi." anas ko dito at pumasok na ng bahay pagkatapos maibaba ni manong ang gamit ko. Kinuha naman ito ng ibang katiwala at dinala sa kwarto ko.
Excited akong pumasok sa kwarto at binagsak ang likod ko sa malambot na kama. God, I can't believe I am here. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit ako naeexcite sa magiging adventure ko sa lugar na 'to.
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako bandang alas syete na ng gabi, ni hindi ko na nga nakita ang pag alis nina Cloud. Ang lalaking yun di man lang nagawang magpaalam sa akin.
Naghalf bath ako bago lumabas ng kwarto at naabutan ko silang sobrang abala sa kanilang ginagawa. "Pedeng tumulong?" sabay-sabay silang lumingon sa akin. Malaki ang ngiti ko habang papalapit sa niluluto nina Aling Beth.
"Senyorita, gising na pala kayo. Magandang gabi po."
"Wag niyo na po akong tawaging senyorita, Sydney nalang po." sabi ko sa kanila. Tiningnan ko kung anong niluluto nila dahil amoy palang ay masarap na.
"Anong niluluto niyo?" tanong ko. "Wow, buong manok na may sabaw? Anong tawag dito?"
"Tinolang bisayang manok." sagot ng isang mas batang katulong. Manghang-mangha talaga ako dahil ngayon lang ako makakatikim ng ganitong klaseng recipe ng manok.
Tinikman ko ang sabaw. "Ang sarap!" bulalas ko pagkatapos humigop.
Ang dami ng kinain ko nang dinner na yun, pakiramdam ko nga ay bibitayin na ako pagkatapos kong maubos ang hinain ko para sa sarili ko. Simula palang ito ng magiging adventure ko. At naniniwala akong marami pa ang mangyayari.