Maaga akong nagising kinabukasan. Ang sarap ng naging tulog ko, dahil na din siguro ay napakapeaceful ng paligid at kahit walang aircon ay malamig pa din ang kwarto ko.
Habang nasa lungsod pa ako ay ang dami ko nang gustong gawin dito sa rancho. Agad akong tumayo para na din maligo dahil ang gusto kong gawin sa pinakaunang araw ko dito ay ang libutin ang buong kaparangan habang sakay ang kabayo.
Kaya lang ay hindi ako masyadong marunong sumakay, dahil bata pa ako noong unang sakay ko ng kabayo. Basta gusto mong gawin ang isang bagay, gaano man ito kahirap gawin ay matutunan mo din basta ilagay mo lang ang puso mo sa bagay na gusto mong gawin. Naniniwala kasi akong mawala ang takot basta may pagmamahal sa bawat gagawin mo.
Pagkatapos kong maligo at makapagbihis ay bumaba na din ako para makaalis na. Naabutan ko na naman silang abala na para bang may pinaghahandaan.
"Good morning." bati ko sa kanila. Bumaling sila sa akin at ngumiti pabalik. "Anong meron bakit parang abala ata kayo?" tanong ko habang ginagala ang mata sa kanilang ginagawa.
"Ahm. Meron po kasing pagtitipon mamaya sa mansion ng mga Villacruz, dahil darating na daw ang bagong tagapagmahala ng buong lalawigan. At imbitado po ang lahat ng mga mamamayan ng San Lukas." pagkukwento ni Shinna isa sa nga katiwalang kasama ni Aling Beth dito sa bahay.
"Mawalang galang na po pero sino po ang mga Villacruz?" kuryos kong tanong dito. Nanlaki ang mata nito at napasinghap.
"Ayy! Nakalimutan kong ngayon lang pala ulit kayo napunta dito sa probinsya." napakamot ito ng ulo. "Si Don Eduardo Villacruz ang isa sa may pinakamalaking lupain ngayon dito sa San Lukas, mula ng bininta sa kanila ng mga Montenegro ang lahat ng nga lupain ng mga ito. Halos hawak nila ang buong lalawigan, mula sa mga malalaking plantasyon na pinagmumulan ng hanapbuhay ng mga mamamayan ng San Lukas. Sila din ang may ari ng napakalaking wet and dry market kung saan galing mismo sa farm nila ang mga prutas, gulay, karne at iba't ibang produkto."
"At kaya sila sobrang maunlad at yaman dahil na din sa hindi matatawarang kabaitan ng Don. Mabait at matulungin si Don Eduardo kaya maraming gustong magtrabaho sa kanila. Pero may narinig akong balita na masungit at istrikto daw ang panganay nitong anak. Pero hindi pa naman namin siya nakikilala dahil sa ibang bansa daw lumaki." singit naman ni Dessa. Mas matanda lang ata sila sa akin ng tatlong taon. Kung seventeen lang ako siguro ay mga twenty or more naman itong dalawa pero mas matangkad ako sa kanila.
Hindi naman kasi ako akalain disi-syete palang dahil matangkad ako sa edad ko at sabi nila mas matured daw akong kumilos sa totoong edad ko. Siguro dahil na din sa environment na kinalakihan ko.
"Marami bang anak ang Don?" di mapigilang itanong ko at naupo sa high chair na nandito sa kusina. Inabot ko ang pinakamalapit na lagayan ng prutas at kinagatan ito.
"Ang alam ko ay may tatlo siyang anak na puro lalaki, si Sir Dave na siyang namamahala ngayon ng plantation nila ng mga prutas, pangalawa siya sa kanilang tatlo at si Sir Alden, yung bunso nilang isang kapatid na isang veterinarian kung saan siya ang personal doctor ng mga alaga nilang hayop mula sa mga manok hanggang sa mga kabayo at panghuli pero hindi nahuhuli, si Sir Gaven, ang panganay sa kanilang magkakapatid." kinikilig na kwento si Myra. Napangiti nalang ako, mukhang gustong gusto nila ang tres romeo's ng don ah.
"Paano mo nalaman ang lahat ng iyan, Myra?" tanong ni Dessa dito. Bumaling si Myra sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Narinig ko minsan sa palengke habang namimili ako ng mga kakailanganin dito sa bahay."
"Wow. Astig naman ang pandinig mo, as in lahat ng informasyon nasagap mo." sarkastikong turan ni Dessa dito. Sumulyap sa gawi ko si Myra at ngumiti ng tipid.
"Hehe. Syempre di naman pedeng di ako magtanong pa, sinong bang hindi ma curious sa mga anak ng Don." nagpeace sign pa ito kay Dessa. Inismiran naman ito ng huli.
Pero imbis na pansinin si Myra ay bumaling sa akin ni Dessa. "Bakit nga pala ang aga mong nagising Senyorita?" tanong nito sa akin habang nagpupunas ng pinaghugasang gamit para ibalik sa kabinet.
"Gusto ko kasing igala si Gabby ngayon. Namimiss ko na din kasing maghorse back riding, susubukan ko kung marunong pa ba akong sumakay ng kabayo." sabi ko sa kanya at ininom ang gatas na inabot nito sa akin. Alam ko, fresh milk 'to na galing talaga sa baka kaninang umaga.
"Tamang-tama dahil hindi na din ata masyadong nasasakyan si Gabby ngayon senyorita dahil ayaw ni Tita Beth." kwento ni Dessa.
Tumango-tango ako, mabuti na din pala kung ganun, habang nandito ako mas mainam na isanay ko na naman ang paborito kong kabayo dito sa rancho.
Inabutan na din nila ako ng almusal at agad ko namang nilantakan at ang maubos ay nagpasya na din akong gumayak. Nakakatuwa lang dahil kahit medyo matagal akong di nakadalaw dito ay parang di naman sila naiilang sa pakikisama sa akin at yun ang gusto ko. Ayokong itetreat nila ako na sobrang taas kesa sa kanila, dahil anak ako ng amo nila. Sinabi ko na din naman kasi sa kanila na wag silang maiilang sa akin dahil di naman ako katulad ng ibang mayayaman na masyadong matapobre.
Pagkatapos kong mag almusal ay nagpaalam na din ako sa kanila para puntahan ang kabayong gagamitin ko. Nagsuot din ako ng ball cap bilang sombrero na babagay sa suot kong fitted jeans, racerback top at ankle boots.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok kong lagpas balikat ang haba na kulay semi-blonde na bumagay sa maputi kong balat. Mahilig ako magsuot ng makabagong damit ngayon pero hindi ko naman maisusuot yun dito sa bukid kaya halos fitted shirt and jeans ang dala ko.
Sinamahan din ako ni Dessa papunta sa kwadra ng mga kabayo, binati din ako ng iilang tagapamahala doon. Hindi din sila makapaniwalang napadalaw daw ako na hindi kasama ang mga magulang ko. Kahit naman ako eh, nasanay na din naman akong maglayag mag isa simula ng nag edad ako ng kinse pero ang kasama ko noon ay nga kaibigan ko.
"Mang Boy, magandang umaga po, andito po si Senyorita Sydney para sana sakyan at igala si Gabby sa parang." pagbibigay alam ni Dessa. Agad naman akong hinarap ni mang Boy at nabibigay galang pa.
"Nako, nandito pala kayo senyorita. Kailan po kayo dumating?" tanong nito.
"Kahapon pa po kaso di ako nakalabas agad ng bahay dahil nakatulog po ako." sagot ko dito.
"Ahh. Ganun ba? Pero masaya po kaming napadalaw kayo. Nako, alam mo bang miss na miss ka na din ng paboritong kabayo mo. Lagi ngang nanghihina yun dahil hindi na masyadong nakakalabas at siguro dahil tumatanda na din." pinuntahan namin ang kwadra kung saan nakahimlay si Gabby. Isang malusog na kulay puting kabayo ang nakita kong kumakain ng dayami.
Excited akong binuksan ang pintuan nito at niyakap ito. Napapitlag ang kabayo sa ginawa ko na para bang naramdaman niya din na yakap siya ngayon ng nagmamay ari sa kanya.
"Namiss kita Gabby ko. Matagal-tagal din tayong di nagkita. Namiss mo din ba ako?" kinakausap ko ang kabayo kahit alam kong di naman ako kayang sagutin nito habang hinihimas himas ang leeg nito. Nagsalita ito sa sarili niyang lenggwahi na tanging siya lamang ang nakakaintindi.
Napangiti ako at sinimulang kalagin ang pagkakatali sa kanya. Tinulungan ako ni Mang Boy na ilabas ito sa kwadra at nang makalabas.
Agad akong sumampa dito at muntik pa akong mahulog ng gumalaw ito. "Hey! Calm down, baby. I'm not going to harm you." natatawang sabi ko dito.
"Mukhang na miss ka ata niya, Senyorita, nagwawala eh." natatawang komento ni Dessa.
"Kaya nga eh." tawa ko.
Nang maging kalmado na ang kabayo ay sinimulan ko ng palakarin ito.
"Sigurado ba kayong kaya niyo nang mag isa, senyorita?" tanong sa akin ni Mang Boy.
"Sa tingin ko, I can handle Gabby naman po. Wag po kayong mag alala sa akin medyo kabisado ko naman ang buong rancho." sagot ko naman dito.
"Papasundan ko nalang kayo sa kay Cedie sakaling maliligaw kayo. Basta wag lamang kayong lumayo at lumampas sa may hangganan, baka mapahamak po kayo." paalala nito na agad ko namang tinanggihan.
"Nako, di niyo na pong kailangang pasundan ako, I have my phone with me. Tatawag agad ako kung may problema." kahit naman probinsya na itong San Lukas ay may signal pa din naman. "Don't worry po hindi po ako lalampas sa hangganan."
And with that, umalis na din ako kasama si Gabby pero alam kong hindi pa din makakalmante ang mga tao sa bahay kaya alam kong ipapasundan pa din nila ako. Nang makarating ako sa malawak ng kaparangan ay sinimulan kong patakbuhin ang kabayo ko.
Hindi mawala ang ngisi sa labi ko habang sinasalubong ang malamig at sariwang hangin halos liparin na din ang cap na suot ko kung di ko lamang ito nahawakan kaagad. Nakikisayaw din sa hangin ang buhok ko.
Tumigil ako sa isang overlooking na bahagi kung saan kitang kita ang napakalawak at napakagandang lalawigan ng San Lukas. Mula sa kinatatayuan namin ng kabayo ko ay kitang kita ang maunlad na bayan kung saan may naglalakihang gusali. At mula din sa kinatatayuan ko ay makikita ang napakalawak na hacienda ng mga Villacruz.
Matapos pagsawain ang mata ko sa maganda view ay pumihit ako para bumalik sa pinanggalingan ko. Dahan-dahan ang paglalakad ng kabayong sinasakyan ko nang marinig ko mula sa malayo ang lagaslas ng tubig mula sa batis.
Bigla akong nauhaw dahil sa tubig na naririnig ko. Bumaba ako mula sa kabayo ng makalapit na ako pero hindi ko pa din nakikita ang batis dahil sa nakaharang na halaman.
Pagkatapos itali ng mahigpit si Gabby ay naglakad na din ako at dahan-dahang hinawi ang halaman. Nanlaki ang mata ko sa ganda ng tubig na umaagos mula sa talon na hindi naman ganun kataas. "Wow!" tanging nabulalas ko sa napakagandang view na nasa aking harapan.
Mas lalo pa akong lumapit para hawakan ang tubig ng may bigla akong narinig na kung anong ungol mula sa malayo. "Uhhhggh." Biglang nataasan ang balahibo ko, anong ungol yun?
Pero imbis na matakot at tumakbo ay mas lalo pa akong lumapit sa pinanggalingan ng ungol.
"s**t! Baby! I'm coming. You're too good. Oooooohhh!"
Nanlaki ang mata ko at agad na tumalikod. Oh my God! What did just I saw? Nakita ko ang hubad na lalaking gumagalaw sa harapan ng isang babae. Oh my God. My virgin eyes and ears.
Nagmamadali akong tumakbo ngunit sa pagtakbo ko ay bigla nalang akong natapilok dahilan ng pagsigaw ko. "OUCH!"
"Ano yun?" rinig kong tanong ng babae. Pinilit kong tumayo pero hindi ko magawa, pakiramdam ko ay may naipit akong ugat. s**t! Bakit ngayon pa?
Lumingon ako sa pinanggalingan ko at sinalubong ako ng isang mapanuri at matalim na mga mata ng lalaking hubad at tanging cowboy cap ang nakatakip sa ibabang bahagi nito. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. Gusto kong iiwas ang tingin ko pero mapako ang mata ko sa perpektong katawan ng taong 'to. Is he a God from a city of Olympus?
"What the hell are you doing here, little miss?" tanong nito gamit ang matigas na boses nito na kahit sinong tao ay luluhod at humingi ng kapatawaran sa kapangahasang nagawa nito. Napalunok ako ng ilang beses.
Kumurap kurap ako kung dinadaya lang ba ako ng paningin ko. Unti-unti itong lumapit sa kinaroroonan ko. "W-Wag kang lumapit." takot na takot ang boses ko. Sino bang hindi matatakot kung sinong hubo't hubad na lalaki ang lalapit sayo? Diyos ko dise-syete palang ako.
"Why? Are you scared? After you intruded our moment now you're scared?"
"H-hindi ko naman sinasadya eh."
"To hell I care about your reasons. And why the hell are you here in a first place? Why did your parents let a little girl like you to wandered this place? Do you know how risky it is?" kinakausap niya ako na parang bata.
Yumuko ako dahil biglang pumitik ang ugat kong naipit dahil sa pagkakatapilok. Parang gusto ko nang maiyak sa halo-halong nararamdaman ko ngayon.
Naiilang ako sa presensya niya dahil ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan niya. Bakit kasi di muna siya nagsuot ng kahit boxers man lang bago ako kinausap di ba?
"Dave, who's there?" iritadong sigaw ng babae. Lumapit siya sa amin at nilagay ang jacket ng Dave sa likod nito. Dumungaw ito sa akin at halos manlaki ang mata nito. Nakadamit na ito ngayon.
"Oh my goodness! What are you doing here?" singhal nito sa akin. Napalunok ako, nandito lang naman ako para makita ang batis pero ibang batis pala ang maaabutan ko.
"Dave, magbihis ka na muna. For heaven sake, shes a kid." utos nito. "Ako na ang bahala dito." Agad namang tumayo si Dave pero nag iwas ako ng tingin. Baka kasi makita ko pa ang di dapat makita.
"Now, who are you and what are you doing here?" tanong ng babae.
"I'm Sydney. I didn't mean to intrude or disturbed your privacy. Hindi ko naman kasi alam na may tao pala." Sino ba naman kasi ang mag iisip na sa dinami dami ng lugar dito pa talaga sa batis gagawa ng milagro.
Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. "I'm sorry for what you saw. I'm Alyssa, Dave's girlfriend. How old are you and why are you here? This is a private property of Villacruz. Wala pang may naglakas loob na pumunta dito. Are you here for a vacation? Where you from?" sunod sunod na tanong nito.
"Anak ako ng may ari ng Rancho Del Rio. I'm 17 and yes I am here for a vacation. I didn't know na nakalampas na pala ako sa hangganan." Yumuko ako.
"Are you alright? You seems hurt? Narinig kitang sumigaw kanina." may halong alala nitong tanong.
"My ankle is in pain. Natapilok kasi ako." pagtatapat ko. Mukha naman siyang mabait eh at parang nawala na din ang ilang ko dahil sa nakita. Parang wala lang naman kasi sa kanya kung may makakita sa kanila at isa pa magsyota naman pala sila.
"Ganun ba? Kaya mo bang tumayo?" Umiling ako. Inalalayan niya akong tumayo. "Ang mabuti pa ay dalhin ka muna namin sa bahay para mahilot. Dave, are you done? We need to help Sydney, she sprained her ankle and it's your fault."
"How it was me? It's her fault she don't stay at home." sagot naman ng Dave. Parang bulang nawala ang pagkakailang ko sa kanila. Sinasapak siya ni Alyssa.
"Oh! Shut your reasons. Kargahin mo siya. Dalhin natin siya sa bahay ni Gaven para magamot." tumalima naman ang boyfriend nitong buhatin ako noong una ay nahihiya pa ako dahil nga nakitaan ko na siya ng katawan. Pero ng tumingin ako sa girlfriend niya ay wala na din akong nagawa kundi ang magpabuhat di ko na din kasi kaya.
"Don't worry Sydney, mukha lang manyak yan pero mabait naman. Subukan niya lang manyakin ka at mapuputulan ko siya ng kinabukasan." ngisi ni Alyssa sa akin.
"Baby naman. Paano kita mapapasaya kung puputulin mo si junior."
"Don't call me baby. And stop talking, may bata kang dala."
"Open minded ka naman, di ba? Pero, wag mo munang gagawin yung nakita mo hah. Bad yun." Sabi ni Dave sa akin.
"Alam ko na po ang tama at mali." sagot ko sa kanya. Tumigil kami sa isang maliit na bunggalow house na sa tingin ko ay pedeng tirhan ng isang buong pamilya.
"This is Gaven's house. Since wala pa naman siya dito sa Pilipinas ay ako muna ang nag aalaga dito. Minsan dito din kami tumatambay ng baby ko." pagkekwento sa akin ni Dave habang binubuksan ni Alyssa ang pintuan.
Nilapag niya ako sa sofa at agad na nag stretched. "Ang bigat mo." sinapak naman siya kaagad ni Alyssa. Kumuha ka ng malamig na tubig don para dito sa namamaga niyang paa at bimpo na din.
"Yes boss." sumaludo pa ito kay Alyssa bago tumalikod.
"Pagpasensyahan mo na ang boyfriend ko ha. Ganun talaga ugali noon, medyo abnormal pero normal pa naman. Kung ano-ano pa ang lumabas sa bibig. And by the way you can call me Ate since mas matanda ako ng 5 years sayo. 22 na ako at 25 naman si Dave. May kapatid siyang si Alden, he's 21 and an older brother who's Gaven, he's 28. Siya ang nagpatayo nitong bahay."
"Okay lang po. Ako nga dapat ang humingi ng sorry. Sorry talaga sa nangyari, pero hindi ko naman nakita lahat eh." pagtatapat ko sa kanya.
"It's okay. Wala na din naman tayong magagawa dahil tapos na yun. Let's moved on nalang. Basta, kahit anong mangyari wag na wag mong ipagsabi ang nakita mo." banta niya habang nakaduro sa akin. At sya namang pagdating ni Dave.
Habang ginagamot nila ako ay bigla ko nalang naalala ang kabayo ko. "Hala! Ouch!" bulalas ko.
"Wag ka munang gumalaw. Bakit ba?" nag aalalang tanong nilang dalawa.
"Si Gabby naiwan ko doon sa tabi ng batis." halos bulong kong sabi.
"May kasama ka pa?" biglang tumaas ang boses ni Dave. Marahan akong tumango.
"Oo. Yung kabayo ko."