Sabay kaming tatlong bumalik sa batis para balikan ang kabayo ko. Kahit paika-ika pa ang lakad ko ay pinilit ko pa ding makarating. Mawala na ang lahat ng collection kong books sa bahay wag lang si Gabby. Ganun siya kaimportante sa akin.
Huminga ako ng maluwag ng makita ko siya habang kumakain ng d**o. Patakbo akong lumapit dito sabay yakap. "Thanks God, you're safe. I'm sorry ha kung muntik na kitang makalimutan."
"Seriously? You're talking with your horse?" biglang bulalas ni Dave. Napatingin ako sa kanila ang ngumiti. Pero imbis na sagutin ang tanong nito ay di ko nalang pinansin.
"Thank you nga pala sa tulong niyo sa akin at sa paghatid na din pabalik." utas ko sa kanila. Kahit naman nagkakilala kami sa unexpected situation masaya pa di ako dahil kahit papano sa sitwasyong yun nagkaroon ako ng kaibigan.
"No worries." maikling sagot ni Dave. Lumapit naman sa akin si Alyssa at niyakap ako. Nanlaki ang mata ko pero yumakap din ako pabalik.
"Sa susunod wag ka nang maglulusot kung saan saan para hindi maabuso yang mata mo. Bata ka pa para makakita ng ganung eksena. Kahit malaking bulas ka, pero ang inosente mong mata ang nagsusumigaw na bata ka pa." mahabang lintyana nito pagkatapos kumalas.
"Sorry ulit. Di na mauulit. Kahit na gustong gusto ko sanang bumalik ulit dito para maligo." nahihiyang sabi ko sa kanya. Tumawa naman ito dahilan para madepina ang dimple nito. May dimple pala siya?
Hindi ko kasi masyadong napansin kanina ang mga itsura nila dahil na din siguro sa eksenang naabutan ko kaya di ko naappreciate kung gaano siya kaganda lalo na sa suot niyang floral spaghetti strap dress. Mahaba ang buhok niya na medyo curly.
At ang boyfriend niya na naman na si Dave ay sobrang gwapo, pede na nga siyang mahanay sa nga modelong hinahangaan ko. Pero hindi lang ganun kalakas ang s*x appeal kahit na nakita ko pa siyang nakipagsex. Ang sagwa talaga.
"If you want to come back, pwede ka namang bumalik eh. You have my permission." ngiti sa akin ni Dave.
"Talaga po?" di mapigilang naibulalas ko.
"Oo naman. Bukas, wala kami dito, kung gusto mong pumunta, punta ka lang basta mag iingat ka lang sa buwaya."
"May buwaya?" nanghihina kong tanong. Sino ba naman ang hindi manghihina, eh ang kagustuhan mong lumangoy sa malinis at mukhang malamig na batis ay may buwaya pala.
"Hindi totoo yan, Syd. Walang buwaya, pero mag iingat ka pa din lalo na baka may iilang mapanganas na dayong pupunta dito. Marami na din kasing naglakas loob na pasukin ang Hacienda Villacruz at malimit silang dumadaan dito. Pero ngayong bumalik na si Gaven baka madalang na din dahil siya na mismo ang nagbabantay sa mga mapangahas na stranger." mahabang paliwanag ni Alyssa.
"Sige po. Gustong gusto ko lang kasi talagang masubukan kung gaano kasarap ang lumusong sa malinis at malalim na tubig niyang batis." utas ko habang pinapanood ang malayang pagdaloy ng tubig na para bang walang katapusan.
"Oh, paano malapit nang mananghalian at nagsimula nang sumasakit ang sinag ng araw, uuwi ka na ba? Kung gusto mo, sama ka muna sa amin para dun na makaoagtanghalian." agad akong umiling sa anyaya ni Ate Alyssa. Sobra-sobra na ata ang pabor na binibigay nila sa isang ekstrangherong katulad ko. Ayoko namang abusuhin ang kabaitan nila.
Tama nga sina Dessa, mabait nga ang mga Villacruz, mukha lang silang intimidating pero pagnakilala mo na pala sila, mababait pala. Kahit ang isang Villacruz palang ang nakakasalamuha ko at ang girlfriend nito.
"Nako, maraming salamat nalang po pero kailangan ko na din kasing umuwi dahil baka nag aalala na ang mga tao sa bahay. At kailangan ko na ding ipagpahinga itong namamaga kong paa, sakaling gunaling na ito bukas ay makapagswimming na ako." sagot ko at inayos ang pagkakatayo ni Gabby para sakyan.
Tinulungan pa akong sumampa ni Dave dahil biglang namilipit ang paa ko sa sakit. "Mag iingat ka, mukhang napupuruhan ata yung paa mo." aniya sa akin.
"Salamat po."
"Kuya nalang. Mas matanda ako sayo kaya tawagin mo nalang akong kuya."
"Sige po kuya. Maraming-maraming salamat ulit sa paggamot niyo sa paa ko at sorry talaga sa nangyari."
Pagkatapos non ay umalis na din ako para makauwi na. Sabay silang kumaway sa akin ng pumihit na ako patalikod.
"Ayy. Oo nga pala, Sydney." napatigil ako at lumingon sa kanila.
"Bakit po?"
"May pagtitipon mamaya sa bahay, kung di na masyadong masakit ang paa mo pede kang sumama sa mga kasama mo sa bahay na dumalo sa party. Para makilala mo na din ang iba ko pang kapatid."
"Pinag uusapan nga yan ng mga kasama ko sa bahay pero sa tingin ko po, pass muna ako dahil maga pa din itong paa ko. Ayoko namang magmukhang ewan doon sa party niyo dahil sa paa ko." tanggi ko sa sinabi nito. Kahit curious ako sa magiging takbo ng party at makakilala ng bagong panauhin ng San Lukas pero hindi ko talaga kayang maglakad ng maayos. Nakakahiyang nakisama ka sa kanila habang paika-ika ang lakad mo.
"But if you want to go, just go and look for me, okay?" tumango ako at ngumiti. Hindi ko talaga inakala na maging kaibigan ko sila sa napakaiksing panahon.
"Paano po, mauuna na ako sa inyo. Nice meeting you po kahit na not in a right situation." yun lang at umalis na din kami ni Gabby.
Pagdating ko ng kwadra ay nakaabang na silang lahat na pano ng alala ang kanilang mga mata.
"Diyos ko. Buti naman at nakauwi ka na." agad akong inabutan ni Aling Beth ng pamunas sa pawis ko. Tinanggap ko din ito at nagpasalamat. "Anong nangyari sa paa mo?" nag aalalang tanong nito ng makita ang benda sa paa ko.
Inalalayan ako ni Cedie para bumaba. "Natapilok po ako kanina sa tabi ng batis." maingat kong sagot. Di ko pedeng sabihin na dahil nakakita ako ng live show kaya ako natapilok dahil sa pagkakatakbo at namali ng hakbang.
"Saang batis? Napunta ka sa lupa ng mga Villacruz?"
"Opo. Hindi ko naman kasi alam na lumampas na pala ako. Habang pabalik po kasi ako kanina ay narinig ko ang lagaslas ng tubig at dinala kami ni Gabby sa lugar na yun." pagkukwento ko. Inabotan niya din ako ng tubig. "Salamat po."
"Eh, sinong naglagay ng benda dyan sa paa mo?" biglang tanong ni Dessa. Bumaling ako sa kanya at ngumiti.
"Si Dave Villacruz po." sabay-sabay silang napasinghap dahil sa narinig.
"Si S-Sir Dave? Nakita mo siya?" excited naman na tanong ni Myra at tumabi pa sa akin para alalayan ako. Natawa nalang ako ng mahina.
"Oo at ang girlfriend niya."
"Si Miss Alyssa?" tanong ulit nito. So, alam din pala nila ang tungkol kay Ate Alyssa.
"Kilala mo din si Ate Alyssa?" tanong ko dito.
"Sino bang hindi makakilala, eh siya lang naman ang pinakamaswerteng babae sa buong San Lukas dahil siya ang kauna-unahang babaeng napansin ng isang Villacruz." singit naman ni Shinna na siyang sinang ayonan ng lahat. Wow. Alam nila ang love story ng dalawa.
"Hindi nga namin akalain na maging sila. Sino ba naman kasi ang mag aakala eh sobrang magkaiba sila. Mayaman si Sir Dave at si Alyssa naman ay nanggaling sa hindi naman mayaman pero nakakaangat na din sa buhay." pagtuloy ni Shinna.
"How did you know everything, Shin?" tanong ko sa kanya habang pabalik kami sa bahay.
"Dahil pinsan ko si Aly. Kaya lang hindi kami ganun kaclose pero alam ko mabait siya." may pait niyang dugtong. Bakit parang may inggit ata akong nakikita sa kanyang mga mata o talagang dinaya lang ako ng mata ko. Bakit naman siya maiingit eh pinsan niya yun.
"Kaya nga ang swerte niya dahil siya ang nagustuhan ni Sir Dave. Ang daming babaeng gustong mapunta sa posisyon niya. Pero ganun talaga, minsan may mga bagay tayong gusto pero kung hindi para sa atin, hindi talaga."
"Oyy! Humuhugot si Dessa. May pinagdadaanan ka 'te?" natatawang tukso ni Myra, dahilan ng aming tawanan. Pero napako pa din ang mata ko sa tahimik lamang na si Shinna. Pakiramdam ko kasi may something talaga sa kanila. Pero hindi naman ako pedeng makialam sa problema nila.
"Ewan ko sayo Myra. Ang mabuti pa ay bilisan na natin baka nagugutom na itong si Senyorita Sydney. Malalagot pa tayo kay Sir Sean pag pinabayaan natin ang anak niya." ani Dessa at naunang naglakad.
Pagdating sa bahay ay agad kong pinahinga ang paa ko hanggang ngayon kasi ay kumikirot pa din pero di na masyado. Kailangan ng pahinga, dahil na din siguro sa mahabang lakaran.
"Nakahanda na ang pananghalian, kain ka na Sydney." tawag sa akin ni Aling Beth. Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kusina. Naupo na din ako para makakain niya. Ang sarap tingnan ng malalaking lobster at crabs. Biglang nagwala ang tiyan ko. Hindi naman halata na mahilig ako sa seafoods.
Pagkatapos magpasalamat sa Panginoon ay sinimulan ko ng lantakan ang pagkain. Parang nawala bigla ang pagkirot ng paa ko ng matikman ko ang sabaw na nanggaling sa loob ng crabs.
"Anong oras ba yung pagtitipon mamaya sa mansion ng mga Villacruz, Shin?" rinig kong tanong ni Myra habang nilalagyan ng juice ang baso ko.
"Ewan ko, hindi naman ako pupunta eh. Bakit di mo tanungin si Dessa." sagot naman nito. Nanatili lang akong kumakain pero nasa usapan nila ang tenga ko.
"Dess, punta ka ba sa mansion mamya? For sure madaming cute doon mamaya." kinikilig na utas ni Myra.
"Oo pero di din ako magtatagal. Gusto ko lang makita si Sir Gaven." sagot nito. "Senyorita Sydney, anong dessert ang gusto niyo?" tanong nito sa akin.
"Okay na ako Dess. Pakigawaan nalang ako ng avocado at mango salad. Thank you." sagot ko at pinagpapatuloy ang pagkain. Nakakatuwang isipin talaga na kahit mga maliliit na tao dito sa San Lukas ay imbitado sa nasabing party.
Kung sabagay di naman ganun kalaki ang lalawigang 'to. Hindi din ganun kadami ang mamamayan. At siguro di lang talaga mata pobre ang mga Villacruz na kahit mga katulong ay pupunta para saksihan ang pagdating ng isang importanteng panauhin.
"Kayo senyorita Sydney, di ba kayo pupunta? Para naman makilala mo na din ang nga Villacruz." tanong ni Myra sa akin.
"Namamaga pa kasi 'tong paa ko pero kahit naman wala akong sakit ay ayoko pa din. Di naman kasi ako mahilig sa ganung pagtitipon at hindi naman talaga ako taga rito. Isa lang akong bakasyonista." natatawang sagot ko.
"Yun na nga eh. Minsan ka nga lang mapapadalaw ng dito sa rancho niyo di ka pa pupunta. Malay mo si Sir Alden pala ang destiny mo. Alam mo bang bagay kayo ni Sir Alden, pareho kayong magandang nilalang at may sinabi sa buhay at di ganun kalayo ang agwat ng edad niyo." kinikilig na salaysay ni Myra. Umiling ako at tatawa-tawa.
"That's impossible, Ate Myra dahil bawal pa po akong magboboyfriend. At kung magboboyfriend man ako sa tamang panahon, gusto ko yung lalaking mamahalin ako at hindi sasaktan. At tsaka hindi naman ganun ang basehan pag pumasok ka sa isang relasyon." sagot ko sa kanya.
"Pero bahagi ng pagmamahal ang sakit. Kung magmahal ka masasaktan ka talaga." aniya habang kinukumpas kumpas ang kamay sabay lagay sa tapat ng puso nito.
"Ikaw ata ang hugot queen eh. Pero bata pa po talaga ako para sa bagay na yan. Darating naman yan, in God's time." sagot ko.
"Ito na po ang mangocado salad niyo." singit ni Dessa sabay abot sakin ng pinagawa kong salad.
"Thanks Dessa. Kayo, di pa ba kayo kakain?" sabi ko sa kanila. Hindi kasi uso sa kanila ang kumain na kasabay ang boss. Ewan ko sa mga 'to pero gusto nilang mauuna daw akong mabusog kesa sa kanila.
"Busog pa po kami. Maya-maya nalang po." sagot naman ni Myra.
"Nasaan na nga pala si Shinna?" biglang tanong ko nang hindi ko makita ang bulto ni Shinna. Si Aling Beth kasi ay nasa kitchen lang talaga nagluluto daw ng biko.
"Nasa likod bahay ata. Ewan ko ba sa babaeng yun, simula ng napunta yan dito minsan lang nagsasalita." anas ni Myra.
"Hindi din naman kasi siya mahilig magkwento. Kanina nga yung tungkol kay Sir Dave at Miss Alyssa, hindi ko kaya inaasahang magsalita siya tungkol doon. Pakiramdam ko, may sekreto siyang di natin alam." halos pabulong na sabi Myra.
"Kaya nga sekreto dahil siya lang ang nakakaalam. At kung may problema man siya, sa kanya na yun at di tayo pedeng makialam. Matanda na yun." singhal naman ni Dessa dito. Inikot ko nalang ang mata ko para hanapin ito, pero hahayaan ko nalang muna siya.
Pagkatapos kumain ay umakyat na din ako para magpahinga, dahil sa napilayan ako kaya di na ako makakaalis muna ng bahay ngayong hapon. Kaya binuhos ko nalang ang oras ko sa kwarto habang nagbabasa ng books na binili ko bago ako pumunta dito.
Mahilig akong magbasa, tuwing mag isa lang ako ay ang pagbabasa ang tanging pinagkakaabalahan ko. Kaya nga minsan nagiging hopeless romantic na ako, pero dahil din sa pagbabasa kaya nakontrol ko ang utos sa akin ng Daddy.
Tumataas kasi ang standard ko sa pagpili ng lalaking magugustuhan at halos lahat ng nagtatangkang manligaw sa akin ay hindi abot ng standard na yun. Hindi ko alam kung advantage ba yun o disadvantage pero natutulongan ako nitong pumili ng lalaking mamahalin in a future kahit na puro fiction lamang ito.
Sabi nga nila, reality is too far from fiction. Fiction is better than reality. You cannot really defined love when you don't feel it personally. I don't know, di pa naman kasi ako nagmamahal.