Kabanata 4

1853 Words
Hindi ko namalayan ang oras dahil nawili ako sa binabasa kong libro. Muntik ko ding makalimutang malapit na palang magdinner kung di lang gumalaw ang mga bulate ko sa tiyan. Bumangon ako at nag inat. Pinusod ko ang buhok ko bago lumabas ng kwarto. Gusto ko sanang tulungan sina Aling Beth sa paghahanda ng dinner kung di lang ako late bumangon. Hindi ko alam kung nakaalis na ba sina Dessa at Myra, pero ng nakababa ako ay medyo tahimik na naman ang buong sala. Napatingin ako sa wall clock na nasa taas ang nakasabit na picture frames naming pamilya. Mag aalas sais palang pala at alas otso pa ang party. Mahinang hakbang ang ginawa ko pababa ng hagdan dahil hanggang ngayon ay may kirot pa din akong nararamdaman. Pero hindi na ganun kasakit, siguro ay kailangan lang igalaw lagi para masanay. "Bakit yan ang suot mo? Para kang pupunta sa js prom." napatingin ako sa baba kung saan nanggaling ang boses, mula sa labas ng kwarto ng mga katulong. Sina Dessa at Myra, nakasuot ng pink silk gown si Myra dahilan para sitahin ito ni Dessa. Habang si Dessa naman ay naka long sleeve dress na above the knee. "Eh ano bang pakialam mo eh gusto ko 'to. Bakit di ka din magsuot ng gaya nito. Palibhasa wala kang alam sa fashion." singhal ni Myra dito. "Wow. Fashion, big word. Kung maka fashion ka kala mo bagay sayo yang suot mo. Ang totoo aabay ka ba ng kasal?" "Sumusobra ka na Dess ha. Kanina JS prom ngayon naman abay? Sige ganyan ka. Tingnan lang natin mamaya kung sinong unang makabingwit ng gwapo. Makikita mo." agad na nag walk out si Myra. Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa. "Senyorita, andyan pala kayo." bati sa akin ni Dessa. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Bumaba na din ako sa pinakahuling baitang at tinulungan niya pa akong humakbang nang hindi naminilipit. "Ang ganda mo naman ngayon. Hindi ko alam na may tinatago ka palang ganda." puri ko sa kanya habang papunta kami sa living room. "Thanks." "Minsan lang din naman kasi ang ganitong pagtitipon sa San Lukas kaya di nasanay na ilabas ang nga itinatagong ganda." aniya sabay kindat sa akin. "Oo nga pala, Miss Sydney. Miss Sydney nalang itawag ko sa inyo ang haba ng senyorita eh." "Sydney nalang. Pakiramdam ko tumanda ako sa Miss." "Nakakahiya naman kasi kung Sydney lang, pakiramdam ko close na tayo." napanguso ito. "Bakit? Ayaw mo ba ng ganun? Close tayo?" ginalaw galaw ko ang kilay ko at pinatong ang paa ko sa coffee table. "Nako gusto no. Gustong gusto, isang malaking karangalan para sa isang katulad ko mahal na prinsesa ang maging close sa inyo." aniya na para bang isang tagasilbi sa royal family. "Dessa, tara na. Para di tayo gabihin masyado, maglalakad pa tayo." tawag ni Myra mula sa kung saan. Napalingon ako sa entrance door kung saan kararating lang nito mula sa labas. "Ayy. Magandang gabi po senyorita. Andyan pala kayo? Anong gusto niyong hapunan?" "Don't bother, Myra. Kaya ko na sarili ko. Umalis na kayo ni Dessa, andyan naman sina Aling Beth para maghanda ng kakainin ko eh." sagot ko sa kanya. "Pasensya ka na Senyorita Sydney kung kailangan muna naming lumabas." "It's okay. Minsan lang naman ang party'ng yan eh. Just enjoy the party. Okay?" "Ang bait niyo naman, senyorita. Mana kayo sa mommy niyo." anas pa nito. "Sus, tama na yang bola. Pinayagan na kita baka mag iba pa ang isip ko at di na kayo makaalis niyan. Magdala kayo ng camera, tapos kuhanan mo ng litrato ang makikita niyong gwapo." Biro ko dito. Natawa naman si Dessa sa tabi ko. "Nako, pero walang flash ang camera ng cellphone ko di din makikita ang mukha. Kaya di bali nalang." sagot naman ni Dessa habang natatawa at inayos na ang damit na suot. Pagkatapos noon ay umalis na din silang dalawa. Nang makaalis ang dalawa ay kumain na rin ako ng hapunan kasama sina Aling Beth at Shinna. Marami kaming pinag uusapan ni Aling Beth tungkol sa gusto kong gawin. Gusto ko nga sana kinabukasan ng umaga ay pumunta ng farm ng mangga dahil nagsimula na daw itong nanghihinog. Gusto ko sanang matikman ang unang pitas nito kaso dahil sa paa ko ay hindi ko na ata magagawa yan. "Kung gusto mo padalhan nalang kina Pedro ng mangga bukas kung gusto mo talagang kumain." suhesyon ni Aling Beth na agad kong inilingan. Ayoko na silang abalahin dahil alam kong may mga trabaho din sila. Sabi nga nga daddy ko di ko sila pedeng bigyan ng sakit sa ulo. Gusto ng ama kong maging mabait ako dito, at yun din naman ang gusto ko. Ayokong bigyan sila ng kakamotin sa ulo dahil sa akin. May susunod na araw pa naman eh. Kung di na masakit ang paa ko gusto ko ako mismo ang pipitas ng mangga mula sa puno nito. "May susunod pa naman eh. Gusto ko din kasing maranasang umakyat ng puno." sabi ko sa kanya. "Nako, yan ang pinagbabawal ng daddy mo, Sydney. Kahit ng bata ka pa, kung naalala mo di pumapayag ang daddy mo. Pede ka namang gumamit ng hagdan o kaya panungkit kung gusto mo talaga." Oo, noong bata pa ako gusto ko talagang maranasang nasa taas ng puno ng mangga pero ayaw ng daddy ko dahil delikado daw, kaya bilang isang masunuring anak, never kong ginawa. Dad knows best, daw eh. "Siguro, manunungkit nalang ako." natatawang sagot ko. Pagkatapos naming mag usap ni Alung Beth ay umakyat na ulit ako sa kwarto, mag aalas nwebe na din nama kasi. Pag ganitong oras ay tahimik na ang buong San Lukas. Di din naman kasi uso dito ang party with matching speaker na abot ang buong bayan kung makapagpatugtog. Hindi ko nga alam kung anong ginagamit nila para sa sound nila. O kung meron nga ba silang ginamit. Nang umakyat ako ng kwarto pero hindi ako agad natulog dahil di pa naman ako dinalaw ng antok, dahil na din sa buong araw akong natulog kaninang tanghali. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan ang f*******: ko. Ang daming notification at messages na tinatanong nila ako kung saan daw ako nagspent ng summer vacation ko. Wala akong nireplyan sa kanila maliban kay Debbie. Debbie Santillan : Kamusta ang buhay bukid? :< Ako : Masaya! :) Ang babait nila dito. Parang gusto ko na ngang manatili dito habambuhay. Hihi. Debbie Santillan : Sana pala sumama nalang ako sayo. Ako : Huh? Akala ko ba ayaw mo ng bukid? Anyari? Debbie Santillan : Ayaw ko nga. Pero mas masaya na din siguro diyan dahil ikaw kasama ko kesa sa mga maarteng pinsan ko dito sa Bora. Ako : Hindi ka pa ba sanay sa kanila eh every summer naman kayong nagkasama ah. Debbie Santillan : Ewan. Pero kung may choice lang talaga ako, aalis ako dito. Sige na bye na muna, Syd. Ako : Enjoy mo nalang yan diyan. Babye. :) Pagkatapos magpaalam ay naglog out na din ako at nahiga. Naiisip ko kung anong magandang gagawin kinabukasan, sana di na masakit ang paa ko para naman makalangoy na ako ng batis. Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising dahil maaga din akong nakatulog kagabi. Hindi na din ganun kasakit ang pagkirot ng paa ko kaya napagdesisyonan kong bumaba pagkatapos maligo. Gusto kong pumunta ng farm. "Grabe, ang gwapo-gwapo ni Sir Gaven." yan ang unang narinig ko ng makababa ako ng hagdan. "Gwapo nga ang suplado naman. Ni hindi nga ngumingiti." nakasimangot na utas ni Dessa habang naghihiwa ng sangkap para sa lulutuing ulam. "Eh, ano naman ngayon kung di ngumingiti. Mas lalo nga siyang gumagwapo dahil don eh. Basta, si Sir Gaven na talaga ang crush ko." kinikilig na sabi ni Myra. "Kamusta ang party?" tanong ko ng makapasok ako ng kusina. "Senyorita Sydney? Magandang umaga po. Mag aalmusal na ba kayo?" tanong nito. "Pancake and milk will do. Thank you Dessa." Sagot ko at umupo para makapagbreakfast na. "So, kamusta nga ang party kagabi?" tanong ko ulit ng maihain na ni Dessa ang pagkain ko. "Madaming bisita, pati ang karatig bayan kasi ay invited. Pero umuwi din kami matapos ipakilala si Sir Gaven." sagot nito. "Ang gwapo-gwapo ni Sir Gaven." biglang singit ni Myra. "Puro ka nalang gwapo eh di ka naman mapapansin noon." irap ni Dessa dito. "Eh, ano naman kung di niya ako papansinin, di naman ako umaasa. Humahanga lang." Palipat lipat nalang sa kanila ang mata ko. Nakakatuwa talaga ang dalawang 'to. Hindi ko nga alam paano nila natagalan ang isa't isa eh mukhang di naman sila nagkakasundo sa isang bagay. "Sayang di ka pumunta Senyorita Sydney. Makikita mo na sana si Sir Alden. Ayeeh. Ang cute ni Sir Alden, bagay talaga kayo." patuloy ni Myra. "Ngayon si Sir Alden at Miss Sydney na naman ang nakita mo. Cute lang naman si Sir Alden pero halata naman na di stick to one." "Bat ba ang bitter mo? May karapatan naman atang maging palikero si Sir Alden dahil gwapo naman siya. At mukhang ang mga babae naman ang naghahabol sa kanya." "Di porke't gwapo may karapatan ng maging playboy? At isa pa hindi ako bitter no. Ayoko lang talaga ng mga katulad ng mga Villacruz." "Ayos lang yan di ka din naman magugustuhan ng mga Villacruz." natatawang komento ni Myra. Bigla naman siyang pinalo ni Dessa. Tatawa-tawa lang ako habang inuubos ang kinakain. Ang kukulit. "Pupunta ako ng farm ngayon, sinong gustong sumama?" bulalas ko ng matigil na sila sa bangayan nilang dalawa. Wala din namang silbi ang tanong ko dahil kung ano-anong pinag uusapan ng nga 'to. "Ako." sabay nilang sabi at nagtatawanan. "Sige. Magdala kayo ng madaming food at bagoong na din para sa mangga mamaya." sabi ko sa kanila at tumayo na para makapagbihis. "Pero yung pilay niyo po?" sabay ulit nilang tanong. "Mabuti-buti na siya. Don't worry sasakay naman tayo papunta doon kaya ayos lang. Gusto ko lang talagang gumala para naman masulit ko ang bakasyon ko." Sabay-sabay kaming pumunta ng farm gamit ang owner type jeep. Pinagdrive kami ni Cedie papunta doon. Kaya for the first time in history, nasubukan kong pumitas ng mangga. Nang mag aalas tres na ay ginala ko naman si Gabby papuntang kaparangan. Dahil sa kagustuhan ko talagang maligo ng batis, kaya nagdala na din ako ng damit pamalit. Pagkarating ng batis ay walang alinlangan kong hinubad ang top ko at shorts ko. Ngayon naka two piece nalang ako at dahan-dahang lumusong ng tubig. Ang lamig ng tubig ng dumampi ang paa ko dito. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa excitement na nararamdaman ko. Ang laki pa ng ngiti ko habang ninanamnam ang moment. Nang may biglang umangat mula sa tubig. Isang lalaking nakapikit habang hinahawi ang basang buhok papunta sa likod. Nalaglag ang panga ko, pero hindi ko magawang ilayo ang mata ko sa lalaking nasa harapan ko. Gusto kong sumigaw, pero parang nawalan ako ng dila. Gusto kong tumakbo ngunit parang namagneto ang paa ko sa malamig na tubig ng batis. Nanatili akong nakatunganga lang, hindi ako makagalaw. Para akong naengkanto na ewan. "Who the hell are you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD