Lagi akong lutang at wala sa sarili. Hindi ko alam kung may nagbago ba o akala ko lang. Kahit anong gawin ko ay pilit sumisingit sa isipan ko ang nangyari sa amin ni Sir Damian. Pareho na kaming dalawa ni Doña Dorina na laging nakatingin sa kawalan at tulala kahit wala naman talagang iniisip. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nagkikita kami ni Sir Damian. Samantalang siya ay ganun pa rin naman. Hindi nagbago at parang wala namang nangyari. Pakiramdam ko ay natataranta ang buo kong pagkatao sa tuwing nakikita ko lang ang kanyang mukha. Kung saan-saan ko na rin naaamoy ang partikular na amoy ng kanyang katawan kahit wala naman talaga siya paligid. "Nababaliw na ba ako?" madalas ko na tuloy na tanong sa aking sarili. Hindi rin ako makatulog ng maayos. Kahit anong gawin kong ikot

