"Anong ginagawa mo, Ana Joy?" Napaigtad pa ako ng mula sa kung saan ay may biglang nagsalita at nagtanong sa akin. Narito ako ngayon sa likod ng mansyon kung saan nag sitaasan na naman ang mga damo na binunot ko noong bago pa lamang ako dito sa mansyon. Mabilis kong tinapos ang mga damit na dapat labhan kaninang umaga. Tinanggal ko rin ang lahat ng mga kurtina ng mga malapad na bintana. Mabigat man ang mga nilabhan ko ay kailangan kong mabilis na tapusin upang hindi naman madismaya ang aking amo na si Sir Damian. Hindi ko naman kailangan na mag-agiw o magpunas ng mga alikabok dahil araw-araw ko namang ginagawa ang maglinis sa loob ng mansyon. Ito lang talagang nasa labas ang hindi ko masyadong mabigyan ng pagkakataon dahil hindi ko naman pwedeng iwan si Doña Dorina ng mag-isa. Hindi k

