"Sir, heto na po ang kape niyo." Halos pabulong lang ang aking tinig ng inabot ko ang kape ni Sir Damian habang siya ay kumakain ng almusal dito sa dining area. Abala siya sa kung anong binabasa sa kanyang gadget na hawak. Kunot na kunot ang kanyang noo dahil sa masusing pinag-aaralan niya marahil kung anuman ang nakasulat doon. "Sa uulitin nga ay huwag kang magpapatulong sa kahit sa sino. Gawain mo ang lahat ng mga trabaho rito sa loob ng mansyon kaya dapat lang na gawin mo ng personal. Hindi obligasyon ni Trevor na tulungan ka." Seryong turan ni Sir Damian pero patuloy lang na nakatutok ang mga paningin sa kanyang mga binabasa. Hindi naman ako ng pagtulong kay Trevor. Siya ang kusang tumulong kahit pa panay ang saway ko. "Sir, hindi naman po ako nagpatulong kay Trevor. Siya po kaya an

