"Tao! Po!" Isang malakas na katok sa pinto ng aming bahay ang aming narinig kasabay ng pagtatao po. Wala pang alas-otso ng umaga. Kaya nagkatinginan kami ni Tine kung sino ang taong posibleng nasa labas at may kailangan sa amin ng ganitong oras. Dahil pamilyar na naman ang tinig na aming narinig ay nagpasiya akong tumayo upang makilala na rin kung sino ang nasa labas. Bago ko buksan ang pinto ng bahay ay sumilip muna ako sa maliit na butas ng aming bintana upang makita kung sino man siya. Nagtataka naman ako ng makilala. Ang Kapitan ng aming barangay kasama ang dalawa tanod na kilala rin naman namin ni Tine. "Magandang umaga, Ana Joy." Nakangiting pagbati ng magandang umaga ni Kapitan at ng kanyang dalawang tanod ng buksan ko na ang pinto ng aming bahay. "Magandang umaga rin po, Ka

