Episode 99

1229 Words

Abala kami sa kusina nina Tine at Ma'am Debborah habang ang mga bata ay masayang naglalaro sa loob ng mansyon. "Hindi ko alam kung anu-ano ang mga pangalan ng mga pagkain na hinahanda ng personal chef dito sa mansyon pero ang sarap lagi. Minsan nga gusto ko siyang puntahan sa kusina habang nagluluto siya para makapanood ako kung paano siya magluto. Pero mukhang mataray si Manang Chef. Baka wala pa akong isang segundo sa loob ng kusina ay palayasin na ako." Natatawang sambit ni Tine habang naghihiwa ng mga gulay gaya ng talong, kalabasa, okra, ampalaya at sitaw dahil miss na miss niya na raw kumain ng ordinaryong ulam at gulay na pinakbet. Habang ako naman ay nakatoka sa pagluto ng sinigang na hipon. Hindi kasi nakapasok si Manang Yolly, ang tagapagluto ng mga pagkain dito sa mansion ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD