"Sir, nakaalis na po ba si Trevor papuntang abroad?" Talagang hinintay kong matapos kumain si Sir Damian ng agahan bago ko itanong ang tungkol kay Trevor. Dalawang araw na kasi na hindi ko na matawagan ang kanyang cellphone number at hindi na rin siya sumasagot sa mga text ko. Akala ko pa naman ay magkikita pa kami. "Bakit mo naman tinatanong? Huwag mong sabihin na may gusto ka na kay Trevor? Hindi ba at una pa lang ay binalaan na kita tungkol sa kanya? Hindi ka marunong magseryoso sa buhay lalo na sa isang babae si Trevor kaya kalimutan mo siya." Sagot ni Sir Damian na salubong pa ang makapal na mga kilay. Ako naman ay nagtataka. Bakit ko naman magugustuhan si Trevor? Nakakahiya kayang lumapit sa lalaking 'yun tapos ang pangarapin pa siya? At saka hindi ko siya magugustuhan talaga.

