Nag-uumapaw ang saya ko habang hinihintay na matapos ang pagsusuri ng doctor kay Nelson. Hindi ko nga alam kung ngingiti ba ako o iiyak. Hawak-hawak ko lang ang dibdib ko na kumakabog-kabog dahil sa tuwa. Kanina ko pa siya gustong lapitan; gustong yakapin, pero ayaw ko naman maging sagabal sa pagsusuri ng doctor. Kaya heto, at nasa gilid lang ako, tahimik na pinapanood siya na ginagawa ang utos ng doctor sa kanya. At ngayon nga ay ang ngiti ko, hindi ko na maawat. Mas lalo pa akong nakaramdam ng tuwa, lahat kasi ng pinapagawa sa doctor ay ginagawa niya. Mabagal pero nagagawa naman niya. “Kumusta na po ang asawa ko, doc? Wala namang problema? Walang komplikasyon?" tanong ko nang matapos ito sa pagsusuri at humarap sa akin. “Asawa?" Sasagot na sana ang doctor kaya lang hindi natul

