Parang nabilaukan sa sariling laway si Tito Hernan. Napalunok siya nang paulit-ulit at napatikhim pa. Niluwagan din nito ang necktie niya na ikinangisi ko. ‘Yan ang napapala ng mga pakialamero na gaya niya. Sapol ang ego! “‘Wag kasing makialam kung wala ka namang kinalaman.” Dagdag ko pa, na nagpakuyom ng kamao niya. “Everyone, enjoy the party.” Dahil sa epal na si Tito Hernan, hindi ko na tuloy narinig ang minadaling speech ni Tita Norma. “Hernan…” Nakangiti ngunit matalim ang tingin niya sa asawa, na agad namang kumalma at ngumiti. Magpamilya talaga ‘to sila. Pare-parehong mga plastic. Ang dali lang para sa kanila ang magpanggap. Magpanggap na mabait. Magpanggap na mabuting tao. “Nelson, come with me.” Lumingkis ang kamay niya sa braso ko at sapilitang hinila ako pap

