“Sir Nelson, good luck. Make sure na ikaw ang magiging highlight ng party ngayon. Sapawan mo ang Tita Norma mong feeling entitled.” Naririnig ko ang sinasabi ni Jac, pero hindi ko magawang sagutin. Lutang pa rin ako hanggang ngayon dahil sa sinabi niya sa akin; ako ang tagapagmana ng ari-arian ng yumao kong Lolo. At ngayon nga, nandito na kami sa labas ng mansion ng mga De Vedra—ang mansion na dati ay naging tirahan ko rin kasama ang mga magulang ko. Sa tanang buhay ko, hindi ko na naisip na muli pa akong aapak sa tahanang hindi naman ako tanggap, at muling makahalubilo ang mga taong walang puso na walang awang pinagtabuyan ako noon, ilang araw matapos ang libing ng mga magulang ko. Maging si Lolo ay hindi nagawang pigilin ang bunso niyang anak na siyang atat na mawala ako sa landas ni

