Bago pa man lumingon si Dorry, at magsalita ng dadagdag sa sakit na nararamdaman ko ngayon, agad-agad na akong tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay. Sigurado kasi na pagtatawanan niya ako. Sigurado ako na malutong na tawa ang maririnig ko. Kinain ko nga kasi lahat ng sinabi ko; talo ako sa larong akala ko, ako ang mananalo. Sandali akong tumigil sa paglalakad ngayong nandito na ako sa labas ng bahay. Daig ko pa ang nabugbog. Ramdam ko ang sakit hanggang sa talampakan ko. Ang hirap humakbang. Ang hirap huminga. Nawalan ako ng lakas, hindi lang ang katawan ko, pati na ang utak at puso ko. Maya maya ay nagawa ko na ring lumingon sa nakasaradong pinto. Alam kong kaduwagan ‘yong ginawa ko kanina. Umamin nga ako na mahal ko pa rin siya, pero hindi ko naman kayang marinig ang sasab

