Kabanata 15

1244 Words

NELSON “Ano ba, Nelson?!” Matapos ang ilang minutong pagkagulat sa biglang paghalik at pagpasok ng dila ko sa bibig ni Dorry, nagawa rin niyang magsalita at buong lakas akong itinulak. Ngayon ay nagbabagang tingin na ang ibinato niya sa akin habang pinapahid ang labi niya nang paulit-ulit. ‘Yong pahid na parang may dumikit na maruming bagay sa labi niya, o parang takot na mahawa ng sakit. Mapakla akong tumawa habang pinagmamasdan siya. Nakakainsulto na ang hindi niya pag-uwi kagabi. Nakakainsulto na ‘yong ibang lalaki ang kasama niya buong gabi, pero mas nakakainsulto itong ginagawa niya ngayon sa harapan ko. Talagang pinapamukha niya sa akin na pinandidirihan niya ako. Para akong maruming bagay na ayaw niyang madikit sa balat niya. “Diring-diri, Dorry?” Nakangisi ako habang ti

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD