((Dorry)) “Bakit ngayon ka lang?” Bungad na tanong ni Nelson na ikinagulat ko. Ang tamlay ko nga kanina, habang pauwi, ngayon biglang taas na naman ng adrenaline ko. Mukha ba naman kasi nitong unggoy na ‘to ang bumungad sa akin. It’s seven in the morning, at hindi ko in-expect na nandito pa siya sa bahay. Maaga nga kasi siyang umaalis, weekdays man, or weekend; walang palya ‘yon. Bakit ngayon, hindi siya umalis? Hinihintay niya ba ako? Inaabangan? Baka nga talagang inaabangan niya ako. Siya pa kasi ang nagbukas ng pinto. Hindi man lang nahiya na ipakita ang pagmumukha niya sa akin, matapos sabihin ang kabastusang ginawa niya kahapon. Sa bagay, sira-ulo nga siya at makapal ang mukha, kaya malamang, binaon na niya sa limot ang kamanyakang sinabi niya. “Hindi ba, sabi mo, umuwi ak

