Mapait akong napangiti. Oo, pinsan ko nga si Hector. Pinsan na walang awang bumugbog sa matalik kong kaibigan. Naikuyom ko ang kamao ko, habang napako na naman ang tingin ko sa nakangiting si Hector. Hayop siya! Kumitil sila ng buhay, tapos siya pa ang masaya ngayon. Wala siyang karapatan na sumaya. Wala siyang karapatan na tumawa, o ang magkaroon ng buhay na mayro’n siya ngayon, wala siyang karapatan. Alam ko, ako ang target nila no’ng gabing ‘yon. Ako ang gusto nilang maglaho sa mundo, pero sa kasamaang palad, ang kaibigan ko ang naambangan nila sa pag-aakalang ako ang nagmamaneho ng kotse. I blamed myself sa nangyari sa kaibigan ko. Hindi ko matanggap na nawalan ako ng matalik na kaibigan at pinsan ko pa ang dahilan. Kung hindi ko lang sana siya pinayagan na umalis ng gabing

