((Nelson)) “Ex-boyfriend?” Nasabi ko, habang sinusundan ng tingin si Dorry na ang laki ng mga hakbang palayo sa akin. Nahagod ko na lang din ang buhok ko, at saka, mapaklang tumawa. “Si Hector, ex-boyfriend niya?” Natanong ko naman sa sarili kalaunan. “Pambihira namang buhay ‘to!” Mas malala pa pala siya sa malandi. Malanding tanga na pilit sinisiksik ang sarili sa lalaking nanakit raw sa kanya noon. “Sir Nelson!” “What?!” pasikmat kong sagot kay Jac na halatang nagulat sa inasal ko. “Sir Nelson, bakit ka po galit?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito, pero maya maya ay nilingon naman si Dorry na siya namang paglabas ng hallway. “I’m sorry. Mainit lang ang ulo,” paghingi ko naman agad ng paumanhin, kasabay na ang mabagal na paglalakad ko. Tahimik na lang din na sumabay sa p

