“Hi, my friend," ngising sabi ni Nelson nang makalapit siya sa table namin, pero ang tingin nitong matalim ay nakatutok naman kay Hector. Hindi ako umimik. Maging si Hector ay nanatili ring tahimik, pero halata sa tingin nito na hindi niya nagustuhan ang paglapit sa amin ni Nelson. Maging ako ay hindi rin nagustuhan itong ginagawa niya. Napag-usapan na nga namin ‘to. Pero ang kapal pa rin ng mukha niya na lapitan kami. Talagang papansin siya. “What's up? Did I ruin the mood?” Ngisi nitong tanong na matalim na tingin lang ang sagot ko. "Come on, guys. Don’t be like this. You can go on with your chit-chat. ‘Yon ay kung okay lang sa inyo na may ibang makarinig. As for me, I won’t mind hearing your conversation.” Ngayon ay nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa amin ni Hector habang ng

