“Ewan ko sa’yo! Hindi ka nga makalaban, kaya ‘wag mo na pilitin, para walang bitin!" “Dorry, naman!" Para akong tuta na agad sumunod sa asawa ko na ngayon ay pumunta na sa kotse na nakapaparada lang sa harap ng hotel. I leaned back watching Dorry from the corner of my eye as she went on and on about Hector's downfall. Ang ngiti niya, hindi mawala-wala—hindi matatawaran ang saya na nararamdaman niya. Sa sobrang saya nga niya, hindi na nga ako pinapansin. Walang effect ang pagtampo-tampuhan ko. Kasi naman, panira ‘tong ulo ko! Tama nga siya, hindi nga ako makalaban, kaya ayaw na niya akong samahan sa laban na gusto kong ipanalo. “Dorry…” Hinawakan ko na naman ang kamay niya. “Ang saya-saya mo, paano naman ako?” Kinurap-kurap ko ang mga mata ko na sinabayan ng pagnguso. “Hindi ka ba

