Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang pinagmamasdan si Dorry na mahimbing na natutulog. Para siyang bata—she looked so peaceful and so beautiful, kahit medyo magulo ang buhok ang awang ang labi, nakakaakit pa rin. Naalala ko tuloy ang unang gabi na may nangyari sa amin sa isla, hindi ko alam kung dahil nga ‘yon sa tuba na na inom ko, sa sea squirts na kinain namin, o talagang nag-iinit lang ang katawan ko, sa tuwing katabi siya. Marahan kong nilapat ang daliri ko sa labi niya na ang sarap na namang angkinin—ang sarap papakin at lasahan. Ang nangyari sa amin kagabi—ang halik ay paulit-ulit na nag-play sa utak ko. I wanted to kiss her again, feel the warmth of her against me. At heto na nga, para na naman akong na-magnet at marahan kong nilapat ang labi ko sa kanya. Buong pagmamahal k

