Umiling-iling ako. Hindi ko gusto. Ayaw ko sa nakikita ko—ayaw kong may nasasaktan na ibang tao dahil sa amin ni Nelson. Kaya lang, wala pa ring kasiguraduhan kung pakakawalan ba kami nitong mga animal matapos kong pumirma. Kaya ngayon, nagtatalo ang utak ko. Tahimik na rin akong nagdadasal na sana dumating na sila Jac at ililigtas kami. Dalawang beses na kasi akong nag-signal, pero hindi pa rin sila dumating. Wala pa ring sign na nakapasok na sila. Awang-awa na ako sa naghihingalong si Atty. Larson. Magang-maga na ang mga mata, tumutulo pa ang sariwang dugo mula sa bibig nito dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa kanya ng lalaking walang puso. I took a deep breath. “Tama na! I’ll sign the shares over to you.” The man nodded slowly. Kumislap ang mga mata sa tuwa. “That’s all I wanted

