Gaya kanina nang umalis ako ng bahay, lutang na naman akong lumabas mula sa opisina ni Atty. Larson. Isa na naman kasing puzzle ang nabuo, ngunit nag-iwan naman ng maraming katanungan. “Sir Nelson.” Tapik sa balikat ko ang kasabay ng sinabing iyon ni Jac nang makapasok kami ng elevator. “ ‘Wag na po kayong magtaka kung bakit binigyan ng lolo mo si Ms. Dorry ng company shares, alam niya kasi ang nangyari sa inyo. Alam niya na si Dorry ang pinakamamahal mong babae, pero nasaktan mo ng sobra-sobra ng hindi mo alam.” Pahapyaw akong tumawa. Wala namang issue sa akin kung sino ang binigyan ng lolo ng shares, kaya lang anong dahilan niya? Bayad ba ‘yon, para pumayag ang family ni Dorry na makasal kami? At saka, alam ba ni Dorry ang tungkol sa shares o hindi? Alam ba niya ang dahilan kung bak

