Iniwan ko si Dorry nang walang sabi-sabi; hindi dahil sa galit ako sa sinabi niya—kundi dahil hindi ko na kayang makita siyang umiiyak at nasasaktan dahil sa akin. Ako kasi ang mas nahihirapan. Duble-duble na sakit na nararamdaman ko, sa puntong hindi ko na halos makayanan. Pakiramdam ko wala akong kwenta. Ako ang dahilan ng paghihirap niya. “Nelson…” Sumalubong sa akin ang malungkot na mga mata at nag-aalalang boses ng aking mga kaibigan ko, ngunit hindi ko magawang tumugon o tumingin man lang sa kanila. Nanatiling nakayuko ang ulo ko, nakatingin sa regalong dapat at ibibigay ko kay Dorry—ang regalong simbolo ng aking katapatan at pagmamahal, ngayon ay simbolo ng aking kalungkutan at dalamhati. Banayad na hinawakan ni Vianna May ang balikat ko. “Nelson, lagi mong tatandaan, nandito lan

