“Sir Nelson,” mahinahong sabi ni Jac, sabay senyas sa barista, saka naman siya umupo sa tabi ko. “Bakit mo iniwan ang mga kasama mo?” Matamlay kong tanong, sabay dampot sa shot glass, at inisahang lagok ang kàmikaze na laman no’n. “Binilin ka po kasi ni Sir Diego sa akin, sir. Natatakot siya na baka ubusin mo lahat ng inumin dito.” Napangiti ako. “Ayos din, si Pareng Diego na ‘yon. Ang bait pa rin. Kahit anong pigil ko nga na ‘wag munang umalis at samahan muna akong uminom; ayaw papigil. Ayaw niya raw magalit ang asawa niya. Mabuti pa sila. Mahal na mahal pa rin nila ang isa’t-isa.” Buntong-hininga ang tumapos sa sinabi kong ‘yon. “Nakakainggit sila.” “Pasensya na nga pala, sir, ha; hindi ko sinabi sa’yo na si Sir Diego ang taong na-contact ko na magbabantay kay Ms. Dorry. Gusto ko k

