((Dorry)) Muntik ko nang mabitawan ang hawak na glass wine dahil sa malakas na busina sa labas ng bahay. Hindi ko pa iyon pinansin agad, pero dahil sunod-sunod na ang busina, at nakabubulahaw na sa mga kapitbahay, lumabas na lang ako. “Ms. Dorry, si Sir Nelson, sakay ng taxi. Lasing din yata,” salubong sa akin ng guard na walang kurap na tumitig sa akin. Siguro ay nagulat sa hitsura ko, hindi nga nila akong nakitang ganito, namumula ang mukha dahil naparami ang inum. At ngayon, dumating pa itong si Nelson na lasing din. “Bubuksan po ba ang gate, Ms. Dorry, o hindi?" alanganing tanong nito, at napakamot sa ulo. “Buksan mo," sabi ko na lang. Mahigpit na utos ko kasi sa kanila kanina na sakaling dumating si Nelson ay ‘wag papasukin. Kaya lang, lasing daw kasi, kaya kahit ayaw ko

