Ang bilis ng mga galaw namin sa puntong hindi na namin ma-kontrol ang mga yabag namin na ngayon ay umalingawngaw sa maliit na espasyo nitong hagdan na binabaan namin. Punong-puno ng takot ang dibdib ko ngayon, hindi lang para sa akin kung hindi para sa aming lahat, ngunit pilit kong winawaksi ang takot ko. Ang makalabas sa hospital na ‘to ang mahalaga ngayon. Sa wakas ay nakarating din namin ang pinakababa nitong hagdan. Ngayon ay rinig na namin ang kaguluhan at ingay ng mga tao. Mga sigaw at sirena ng mga pulis. Ngayon ay nasa gilid na kami pader kongkretong pader nitong hospital. Ramdam na rin namin ang maalinsangan na gabi na bumagay sa mainit na pangyayaring gusto naming takasan. Sa wakas ay narating namin ang isang bakal na pinto na may markang "No Entry" sign. Siniyasat ni mun

