Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang naglalakad papunta sa gate. Bukod sa para na akong tanga na ngumingiti ng mag-isa, para pa akong lutang. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko na para bang lumutang ako sa ere. ‘Yong mabigat na dala-dala ko rito sa loob ko ng matagal na panahon, ngayon ay naglaho na; napalitan ng nag-uumapaw na saya. Bago ako tuluyang lumabas ng gate, nilingon ko pa ulit si Dorry na nasa balcony pa rin. Parang lutang din na gaya ko. “See you later, mahal ko? Hintayin mo ako, ha?" Kaway at matamis na ngiti ang kasabay ng malambing na salitang ‘yon na kaway at ngiti naman ang sagot niya. Nahaplos ko tuloy ang dibdib ko. Para kasing may kumikiliti sa dibdib ko. Ngumiti nga kasi siya na ni minsan ay hindi naman niya ginawa mula nang magkita kami ulit. Paulit-ulit na lang ako

