((Nelson)) Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula kay Dorry; hindi kasi masyadong malinaw ang pagsasalita niya dahil sa sabay na paghikbi. Natatakot din akong magtanong, at baka masamain naman niya, imbes magkaayos kami, mauuwi na naman sa away. Kaya mabuting manahimik muna ako, at hayaan lang siyang magsalita. “Bumalik ako, Nelson. Binalikan kita!" Napahawak ako sa bibig ko. Tama nga ang narinig ko, bumalik nga siya. At ngayong nakumperma ko na, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko; hindi ko alam ang sasabihin. Naghalo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Nalilito, naguguluhan, pero nangingibabaw naman ang saya na nararamdaman ko. “Bumalik ka? Binalikan mo ako?” Ngayon ay hindi na mawala-wala ang ngiti ko. “Ibig sabihin ba ay na-miss mo ako? Mahal mo rin ako, Dorry?" Pina

