Kung anong tuwa ni Hector ngayon nang makita ako, kabaliktaran naman ang nararamdaman ko. Gusto ko na nga siyang sapakin. Gusto ko siyang sampalin ng ilang beses. Gusto ko siyang sumbatan sa ginawa niya sa akin kagabi, pero wala ako sa tamang lugar para magtapang-tapangan. Nasa teritoryo niya ako, baka ako pa ang mapasama kapag nagpadala ako sa galit ko. “Umalis ka sa harap ko, Hector!” Matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya na nagpawala naman sa ngiti niya. “Dorothy...” Aalis na sana ako, pero hinawakan niya ang braso ko, sabay sabi, “please don’t go. Let’s talk. Let me explain.” Putol-putol ang pagsasalita niya. Nakikiusap, pero ang mga mata niya, walang makikita na sincerity. Hindi ko alam kung bakit ako na-in love sa lalaking gaya niya noon. Ang bilis kong nauto sa mga matamis n

