Katulad ni Hector, umawang din ang labi ko, at nanlaki ang mga mata dahil sa biglang pag-amin ni Nelson na asawa niya ako. Bukod kasi sa nagulat ako; na inis pa. Wala kasi sa plano ko ‘yon—wala sa plano ko na sabihin kay Hector na mag-asawa kami ni Nelson. Kahit ba gusto ko nang tapusin ang paghihiganti ko. Nakuha ko na nga kasi ang atensyon niya na muntik ko pa na ikapahamak. Kung kanina ay umawang lang ang labi ni Hector, ngayon ay nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa amin ni Nelson. Gumalaw-galaw ang labi na parang may gustong sabihin, pero walang boses na lumabas. Gulat na gulat ang hayop. Akala yata niya, in love pa rin ako sa kanya. Akala niya, hindi pa rin ako nakapag-move on sa harap-harapang panloloko niya sa akin noon matapos makuha ang lahat sa akin. Kaya siguro, ang lakas

