Kabanata 1

1323 Words
NELSON Hindi lahat ng pagbabalik ay dahil gusto mo. Minsan, napipilitan ka lang. At sa kaso ko, isa ’to sa mga pagbabalik na hindi ko ginusto. Pero kailangan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang makalabas ako ng airport. Hindi ko maawat ang sarili na ngumiti ng mapait habang nililibot ang paningin sa paligid. Akala ko kasi, hindi na ako muling babalik sa bansang ‘to. Akala ko, habang-buhay na akong maninirahan sa ibang bansa, malayo sa mga kaibigan ko, at malayo sa pamilya na nagtakwil sa akin noon. Pero heto ako, bumalik para ibigay ang hinihingi nila. Iyon ay ang tuparin ang huling kahilingan ng Lolo ko. “Sir Nelson,” masayang bungad sa akin ni Jac. Isa sa mga tao na pinagkatiwalaan ko. Siya ang mga mata at tainga ko no’ng mga panahon na nasa isla ako. Siya ang lagi kong kausap, at nag-re-report sa kung ano na ang ganap sa buhay ng dati kong pamilya. Bago ako tuluyang lumayo, um-attend pa ako sa funeral ng Lolo ko, pero gaya ng dati, outsider pa rin ang trato nila sa akin. Kahit sa lamay ng Lolo ko, pinapamukha nila sa akin na hindi nila ako kadugo, at wala akong lugar sa pamilya nila, lalo na at wala na nga si Lolo na siya lang ang tumuring sa akin na kadugo. Dala-dala ko nga ang apelyedo nila, pero hindi ko naman maramdaman na parte ako ng pamilya nila. Itong huling kahilingan ni Lolo, lately ko lang nalaman. Si Jac rin ang naghatid sa akin ng balita. Palaisipan sa akin kung bakit matapos ang tatlong taon, ngayon lang nila ito sinabi. Ano ang rason? Bakit naghintay pa sila ng tatlong taon, bago sabihin ang huling kahilingan ni Lolo? “Maligayang pagbabalik, sir!” untag sa akin ni Jac. Napatulala na lang kasi ako. Ang dami-dami kasing naglalaro sa isipan ko; mga tanong na hindi ko alam kung ano ang sagot. “Salamat, Jac!” Tapik sa balikat nito ang kasabay ng sinabi ko na nagpangiti sa kanya ng todo–ngiti na may kasamang malagkit na titig. “Lalo tayong pumugi, Sir Nelson, ahh!” Biro nito, sabay hawak sa luggage ko. “Iba ang glow, matured but hot!” “Puro ka kalokohan!” Napapailing kong sabi, sabay na ang mabagal na paglalakad. Agad namang sumunod sa akin si Jac, habang bitbit ang luggage kong hindi kalakihan. Wala naman kasi akong balak na magtagal dito. Kapag nagawa ko na ang kahilingan ni Lolo, lalayo ulit ako, at babalik lang dito kung kailangan. “Hindi po ‘yon kalokohan, sir. Mas pumugi ka nga. Tiyak na marami-rami kang nadali na bebot sa lugar na pinuntahan mo!” hagikhik nito na ikinatawa ko lang din. “Bunganga mo talaga, hindi na nagbago.” “Mana sa’yo, e!” sagot naman nito. Hindi ko na tuloy maisara ang bibig ko. Puro na lang ako ngiti dahil dito kay Jac. Pero kahit ngumingiti ako; kahit parang masaya ako, puso ko naman ay puno ng pangamba. Kahit ba sabihing malakas at hindi na ako basta-basta madudurog ng sino man, hindi ko pa rin maiwasan ang mangamba. Hindi ko pa kasi alam, kung ano ang kahihinatnan sa pagbabalik ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, at saan ako dadalhin nitong desisyon ko. Basta ang alam ko, nandito lang ako, para tuparin ang huling kahilingan ng Lolo ko. “Ang tanong, Sir Nelson, handa ka na ba? Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Ngiti sabay kagat sa ibabang labi lang ang sagot ko na nagpa-iling-iling naman kay Jac. “Patay tayo d’yan, sir! Hindi ka naman pala handa, pero pumayag kang gawin ang kahilingan ng Lolo mo,” dismayang sabi nito sabay ang pagbubukas ng trunk at inilagay doon ang luggage ko. Ako naman ay matamlay na pumasok sa kotse. At saka, mahinang tumawa. Paulit-ulit pa akong bumuga ng hangin. Tama kasi si Jac, hindi pa ako handa. Wala nga akong matinong plano. Agad-agad na lang akong pumayag at nag-decide na bumalik. Wala akong pinanghahawakan na kung ano. Pero bahala na. Noon nga na wala pa akong kamuwang-muwang sa bagong mundo na kumupkop sa akin ng matagal na panahon ay nakaya kong mabuhay, ngayon pa kaya na marami na akong nalampasang pagsubok, kaya ko nang lumaban, at alam ko na ang mga karapatan ko bilang parte ng pamilya nila. Hindi na nila ako maapakan ngayon. Kung kakantihin nila ako, ipapatikim ko sa kanila ang ugaling mayro’n ako—ugali na sila ang may gawa. Maya maya ay pumasok na rin si Jac sa loob ng kotse, pero nilingon muna ako. Kung kanina ay bakas ang kakulitan sa pagmumukha nito, ngayon ay seryoso na. “Pwede ka pang umatras, Sir Nelson. Pwede ka pang bumalik sa ibang bansa at ituloy ang masayang buhay mo roon,” madiin ang bawat bigkas niya sa mga salitang ‘yon. Napailing at napangiti na lamang ako. Talagang kabisado na nitong si Jac ang ugali ko. Kahit hindi ako nagsasalita, alam na niya agad kung ano ang iniisip o nararamdaman ko. Alam niya na hindi ako sigurado sa desisyon ko. “Atras? Wala nang atrasan ‘to, Jac. I said yes. At alam mo, ako ‘yong tao na may isang salita. At saka, para naman ‘to sa Lolo ko—para sa nag-iisang tao na itinuring akong kapamilya, at hindi para sa iba na itinuring akong outcast ng pamilya.” Napatango-tango naman si Jac, sabay sabi, “sa bagay, mahal ka nga ng Lolo mo, kahit medyo pasaway ka noon.” Ngiti na lang ang sagot ko sa sinabi ni Jac na sumabay na rin sa pag-andar ng kotse. “So, brace your self, sir. Ihahatid na kita sa lugar na magpapabago ng buhay mo.” “Tara na! Dami mo pang sinasabi!” sagot ko naman dito sa makulit na si Jac, sabay na rin ang pagsuot ng purple necktie. Matapos ng mahigit isang oras ay narating din namin ang lugar na sinasabi ni Jac na magpapabago ng buhay ko. Isang munisipyo sa labas ng Manila. “Good luck, Sir Nelson!” pahabol na sabi ni Jac, pagbaba ko ng kotse. Hindi ko na siya nagawang sagutin. Nasa lumang building na kasi ang tingin ko. Pinakiramdaman ko rin ang sarili ko, habang hawak-hawak ang necktie ko. Hindi pa nga kasi ako nakapasok sa building, pero pakiramdam ko ay nasasakal na ako. Ang dami na namang tanong ang naglalaro sa isipan ko. Kaya ko ba talagang gawin ‘to? Kaya ko ba na isakripisyo ang kalayaan ko para sa kahilingan ng Lolo ko? Oo, Kalayaan ko bilang binata ang mawawala sa akin, oras na pumasok ako sa building. Pero sabi ko nga kay Jac, wala nang atrasan ‘to! Ngayong nandito na ako sa loob. Mas hindi na ako mapakali. Parang nangati ang mga paa ko. Ilang minuto na lang kasi ay kasal na namin ng babae na kulay pink raw ang buhok. Hindi nga kasi kami ang nag-prepare ng kasal, kaya ni pangalan ng pakakasalan ko ay hindi ko alam. Paulit-ulit akong bumuga ng hangin, hindi na rin ako maperme sa isang lugar. Pakiramdam ko, kada segundo ay humihigpit ang necktie ko. Nanlalamig na rin ang buong katawan ko. Pero pinagpapawisan naman ang mga palad ko. Utak at katawan ko ay gusto nang umatras. Pumikit ako sandali, at saka, bumuga ng hangin. “Hindi ko kaya! Hindi ko pala kaya. Sorry, Lolo—” Naputol ang sasabihin ko nang pagmulat ng mga mata ko ay siya ring pagsulpot sa harap ko ng babaing kulay pink ang buhok. At katulad ko ay para rin itong nakakita ng multo. “Ikaw?!” sabay naming bulalas habang turo ang isa’t-isa. ***** Your comments are much appreciated. Please do not hesitate to leave one. Love you everyone!(⁠。⁠・⁠ω⁠・⁠。⁠)⁠ノ⁠♡(⁠✿⁠ ⁠♡⁠‿⁠♡⁠)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD